Kabanata 17: Hiwalayan

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh, mabuti naman at nandiyan ka na. Kanina pa 'ko walang kasama eh."

Matagal nang nakapagtapos ng pag-aaral ang ate ko at may maganda na rin siyang trabaho sa isang malayong siyudad. Pero nitong nakaraang taon ay huminto muna siya upang makasama kami rito sa nayon.

"Ate, wala ka namang masyadong ginagawa. Ako na naman ba ang magliligpit ng mga basura mo?" mahinahon kong tanong nang makita ang mga balat ng pagkaing nakakalat sa sahig.

Sa nakikita ko ngayon, tingin ko'y hindi lang talaga niya gustong mapagod o maging responsable. Alam niyang may kaya ang pamilya namin. Masyado siyang nasanay sa komportableng buhay, at 'yon ang pinipili niya kaysa magtrabaho pa araw-araw.

"Kaysa naman sa 'yo Lia. Eh hindi ka man lang nga nag-aaral ngayon," inis nitong sabi. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Ikalawang taon ko na sana sa kolehiyo ngayon at balak ko sanang mag-aral ng narsing, dahil tulad ni mama, gustong-gusto ko ring manggamot at mag-alaga ng ibang mga tao. Pero sa ngayon, panandalian muna akong huminto dahil gusto ko rin silang makasama rito sa nayon at makita ang mga misyong ginagawa nila.

"Nasaan sina mama?" tanong ko.

"Nasa ospital siya ngayon. Tatlong araw siyang magtatrabaho ro'n, walang uwian," kuwento niya at sinubo ang kinakain. "Si papa naman, kaaalis lang niya kanina. Pumunta yata sa simbahan."

Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Tinanguan ko na lang si ate. Pumasok ako sa kuwarto at dali-daling lumuhod upang magdasal, nagmamakaawang sana'y hindi na umabot pa sa mga magulang ko ang ginawa namin ni Amil kanina.

"Patawarin Mo ako Panginoon," paulit-ulit kong dasal habang mariing nakapikit.

Mahigpit ko ring niyakap ang Bibliya. Sa gitna ng malakas at mabilis na pagpintig ng puso ko, isang bersikulo ang sumagi sa aking isipan.

“Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag. Kaya anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng kwarto ay malalaman ng lahat.” Lucas 12:2‭-‬3

Nandito ako ngayon sa kuwarto ni Adaly. Siya lang kasi ang tanging kaibigang napagsasabihan ko ng lahat ng bagay.

Lumipas ang isang linggo. Wala pa rin akong nakikitang pagbabago sa paligid. Normal pa rin ang pakikitungo ng mga tao sa akin. Hindi rin ako nakatanggap ng mga tanong mula sa mga magulang ko. Posible bang hindi na nagsalita pa ang taong nakakita sa amin sa loob ng simbahan?

Gusto kong matuwa, pero hindi ko magawa dahil isang linggo ko na ring hindi nakikita si Amil. Natatakot ako, pero nanghihinayang rin sa bawat araw na dumaraan. Palapit nang palapit ang araw ng paglisan nila. Isang linggo na lang at tuluyan na silang aalis dito.

Hindi ko siya magawang puntahan. Hindi rin kami nagkasasalubong sa labas. Hindi rin sila nagsimba noong nakaraang Linggo. Ayaw kong isipin na tila ba sinasadya lang talaga niyang umiwas sa akin.

"Adaly, tulungan mo naman akong makita siya oh," wika ko. Gusto kong malaman ang lagay niya.

"Haist. Kung ako sa 'yo Lia, hindi ko pipiliting hanapin ang taong ayaw namang magpakita."

Iniibig KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon