//six

157 3 0
                                    

Yuki

Dumiretso na ako sa section ko, habang nag lalakad ako papunta ng Burke building ay marami akong napapansin na tinititigan ako and giving me the up and down look. Mostly girls, anong problema nila sakin? Okay tanggap kong mas maganda sila pero hindi naman nila kailangan pang ipagdiinan. May lumapit saakin na nerd at binigyan ako ng isang piraso ng red rose, "Pinapabigay po ng guy." sabay turo niya sa lalaking nakasandal sa isang sasakyan.

"A-Ah thank you ha." pagpapasalamat ko sakanya at binalingan ulit ng tingin ang lalaking kanina lang na nasa sasakyan ay wala na ngayon. Hindi tuloy ako nakapag thank you ng harap-harapan sakanya! Tsk, sayang. Aakma na sana akong mag lakad ng may umagaw sa rose na hawak ko. "So, a new girl." sabi niya bago niya ako tinaasan ng kilay. "Give me back my rose." nang gigigil na saad ko, siya naman ay tumawa lang. May sayad ba toh?

Hindi niya ibinigay ito at sinamaan pa ako ng tingin. "Don't you dare flirt with anyone here, hindi bagay sayo." sabi niya bago binitawan ang rose na hawak niya at umalis. Nakikipag flirt ba ako? Kinuha ko nalang ang rose at tinapon sa basurahan, hinawakan na toh ng isang maduming kamay. Tsk! Nagpatuloy nalang akong mag lakad at hanggang sa umabot na ako sa Burke building. Ganun pa din, fingerprint and bag scanner. Nakapasok naman ako at namangha sa kalinisan at ka engrande ng mga gamit dito, well it is expected.

Marami pa ring mga taong tinititigan ako up and down, pero wala naman akong dumi sa mukha. Ganito na ba sila ka dalang magkaroon ng transferee student? Hayst, bahala sila sa mga buhay nila. Dumiretso ako sa information door, "Uhm goodmorning, saan po banda ang section 1 Lunar?" tanong ko sa babae. "3rd floor, turn left and then the first room." sagot niya naman kaya nagpasalamat na ako at sinunod na ang sinabi niya.

"Sorry miss! Hindi ko sinasadya, promise." paghingi ng sorry ng lalaki. Nagkabangga kasi kami kaya nahulog ang mga papel at libro ko na bit-bit, hindi ba kasi naman siya tumitingin sa dinadaanan niya? Psh. "Okay lang, watch where you're going nalang next time." saad ko at pinulot ang mga nahulog na gamit, tumulong na din siya.

After that ay nagpasalamat na ako at aakma na sana akong aalis ng pigilan niya ako at hinawakan ang braso ko, kinabahan naman ako because he is a stranger! "U-Uhm sorry, anong section ka?" tanong niya sabay ng pag bitaw niya sa braso ko. "Section 1 Lunar." sagot ko naman at lumaki ang mga mata niya. "So classmates tayo?" tanong niya, Lunar din siya? Hmmm, maybe. Tumango nalang ako, wala ako sa mood sumagot. Inakbayan niya ako at nag kwento na marami daw'ng attitude sa Lunar, pero kung hindi naman daw papansinin ay mag pipigil na. Nagpapapansin kasi daw yung mga yun!

Umabot na kami dito sa tapat ng Lunar kaya pumasok na ako. Pag pasok ko ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin, sobrang lamig! H-Hindi ko alam kung bakit. Kakaibang hangin, parang may dalang... basta something na masama? "Okay ka lang?" agad na tanong nung guy kanina na kasabay ko. Nagiging uneasy na kasi ako, pero medyo lang naman. Tumango na lang ako at dumiretso na sa upuan na vacant. "W-Wait! Ako nga pala si Clyde, Clyde Montenegro." sabi niya kaya natigilan akong bigla. M-Montenegro? Nilingon ko siya pero nakangiti lang naman siya, behind his smile so sweet is a dark experience. Kailangan kong mag make sure kung siya ba talaga, siya na nga ba talaga?

Binilisan kong makaupo, baka mahimatay ako sa gitna at siya pa dadala saakin sa clinic. Jusko! Andito ako sa isang vacant chair na nasa gilid ng window, gusto ko na din dito kasi makikita ko ang view ng buong school at sobrang hangin. Mas masarap pa hangin dito kesa duon kanina!

Medyo nahihilo pa ako kaya uminom muna ako ng tubig, since may tubig naman akong dala. Kakain nalang ako mamaya ng ice cream sa cafeteria, comfort food ko yon eh. Lumingon ako sa direksyon kung asan si Clyde, I don't think he is a bad guy. He looks so innocent! I remembered what my ate Suzie told me before.

"Never trust the Montenegro's! They are one of our targets Yuki, so be careful with their sweet smile."

I don't know why I need to be careful with them, pero sa pagkaka-connect ko sa mga sinasabi ni ate dati ay sila ang iisa sa may kagagawan ng pagkamatay ng parents namin. Marami kasing kine-kwento si ate at kabilang na duon ang mga Sullivan, Montenegro at ang mga Velenzuela. Pero bakit ba sila kine-kwento ni ate at binibigyan ng description na sweet demons? Aish. Nagulat naman ako ng biglang nagbukas ang pinto at nakita ang isang gurong papasok na, kaya umayos agad ako ng upo.

"Goodmorning class, I heard there is a new student? Please come infront and introduce yourself." bungad niya sa buong klase. Nag alanganin pa akong tumayo kasi nahihiya ako sa mga titig ng ibang mga kaklase ko, bakit ba ganyan kayo makatitig? Pero kalaunan ay tumayo na ako at nag punta sa gitna. "You're taking my time, hurry up." sabi ni sir kaya agad akong nag clear ng throat.

Tinignan ko muna si Clyde at nakita ko naman siyang nakatingin saakin kaya nagtagpo ang aming mga mata, binigyan niya naman ako ng isang malapad na ngiti. A sweet one! "Goodmorning everyone. I am YukiLyn Galherme, I hope I could encounter with all of you without any hesitation. Thank you!" sabi ko at nag bow, bago ako umupo ay tumingin naman ako sa direksyon ni Clyde at parang shock ang mukha niya na blangko akong tinititigan. Okay lang naman siya kanina ah? Bahala na siya sa buhay niya.

Inirapan ko nalang siya at umupo na. Nagsimula ng mag lecture ang professor namin pero wala naman duon ang iniisip ng isipan ko, kamusta na kaya si ate noh? I really hope na matulungan ko siyang maghanap nang hustisya. I don't really know kung sino ang hinahanapan niya ng hustisya but it must be a really special person because she spent years on it! Imagine spending years just to find justice for a dead person, hindi yon madali noh. "Yuki, kanina pa kita tinatawag! What is the real value of x in the equation on the board?" tanong niya sakin kaya binaling ko ang tingin ko sa board.

"Letter C sir." sagot ko naman and tama ito kaya pinaupo na din ako agad. I'm really curious what is the reason behind the death of my parents, kailangan ko bang tumulong? Secretly.

xxxx

Ang tagal na since last update ko, so ito pambawi ko!

-@mooseyhoneycups







I'm Inlove with a CriminalWhere stories live. Discover now