𒊹𝙲 𝙷 𝙰 𝙿 𝚃 𝙴 𝚁 𝚃 𝚆 𝙴 𝙽 𝚃 𝚈 - 𝚃 𝙷 𝚁 𝙴 𝙴 𒊹

Începe de la început
                                    

Pupunta na lang ako ng clinic at makahingi ng gamot sa school nurse

Habang naglalakad ay nadatnan ko si nicholas na parang may hinahanap 'oh sh*t kailangan di niya ko makita' sabi ko sa sarili ko, alam ko kase na ako ang hinahanap neto kaya sa shortcut papuntang clinic na lang ako pumunta


At kung minamalas ba talaga ako ay nakita kong sarado ang clinic at ang nurse ay naka leave 'naknamputa kung kailan kailangan ko pumunta sa clinic dun nag sarado tsk'


Bagsak ang balikat na bumalik ako papuntang room namin, habang nag lalakad ay pabigat ng pabigat ang ulo ko


'Sh*t kaya ko pa ba kaya ito?' pabigat ng pabigat na din yung bawat hakbang ko


Tinignan ko ang dinaraanan ko at unti unting nag didilim ang paningin ko hanggang sa hindi ko namalayan na bumagsak na ko sa sahig


-NICHOLAS-


Nagulat ako ng may sumigaw sa room namin "NICHOLAS!, SI SOFIA NASA HALLWAY DAW NAHIMATAY!" sabi ng kaklase kong humahangos na kakapasok lang sa room

Pag karinig ko palang ay agad agad akong lumabas at pinuntahan si sofia, may nakita akong mga tao na nagkakagulo sa gitna ng hallway kaya agad akog pumunta doon at hinawi ang mga tao

At doon ko nakita si sofia na walang malay, agad ko itong nilapitan at binuhat "Sh*t baby what happen to you?" sabi ko dito habang tinitignan ang kalagayan niya

Sobrang init ng katawan nito "Pre pasabi na lang sa adviser natin at adviser ni sofia na aabsent muna kaming dalawa kase dadalhin ko ito sa ospital" sabi ko sa kaklase ko at agad naman itong tumango

"Baby hintay ka lang dadalhin kita sa ospital" sabi ko dito habang lakad takbong bitbit siya papuntang kotse ko

Nang makarating sa ospital ay tinawagan ko agad ang parents niya at sinabing nandito si sofia sa ospital

Nasa labas ako ng kwartong inookupahan ni sofia upang abangan ang parents nito

Maya't-maya nakita ko ang parents niya na tumatakbo papalapit sa akin

"Iho kamusta na si sofia??" tanong ng mommy niya saken habang ang ama ni sofia ay nakatitig sa salamin ng kwarto at tinitignan si sofia

"Okay lang naman daw po siya sabi ng doctor, may sakit daw po at dagdag na din ang pagod at stress nito sa eskwelahan kaya tumaas yung lagnat niya, mag stastay daw po muna siya ng ilang araw para maobserbahan ng doctor at gumaling agad si sofia" mahabang paliwanag ko sa mommy ni sofia upang mabawasan ang pag alala nito

"Naku salamat nicholas, papasok muna kami ah titignan lang namin ang kalagayan niya" sabi niya "Papa halika tignan natin si sofia" aya nito sa asawa

"Mahal mauna ka muna gusto ko lang kausapin saglit si nicholas" sabi ng daddy ni sofia sabay halik sa pisngi ng asawa

Nang makapasok ay inaya siya ng ama ni sofia na umupo sa isang tabi na agad naman niyang sinunod

"Iho, nakausap ko kanina ang ama mo at may nasabi siya sakin tungkol sa pagkatao mo, na ikaw daw ang susunod sa yapak niya bilang isang mafia" napatigil ako sa sinabi ng ama ni sofia, alam na pala nito ang about sa pagkatao namin

"Wala akong problema don dahil alam ko na mabait kang tao, pero ang ikinatatakot ko ay ang mapahamak din si sofia dahil sa trabaho mong iyon, sana hindi siya madamay, may tiwala ako sa iyo"

"Pangako po na ipagtatanggol ko si sofia, tinanggap ko po iyon dahil kay sofia, dahil pagdating ng panahon ay gusto ko po siyang protektahan, makakaasa po kayong hindi ko po sasaktan si sofia at mamahalin ko po siya ng buong buo" sabi ko sa ama niya ng seryoso upang maramdaman nito na hindi ako nag bibiro

Ngumiti ito sa akin "Sige aalahanin ko yan atsaka alam kong sayo lang sasaya ng ganon ang anak ko kaya ipagkakatiwala ko siya sa iyo" sabi niyo sabay tapik sa balikat ko

"Marami hong salamat Mr. Warron" nakangiti kong sabi

"Wag mo na kong itawag sa ganyan masyadong pormal, papa na lang" sabi nito sakin sabay kindat, napatawa na lang kami sa isa't-isa

"Sige ho papa" sabi ko sabay yuko "Much better hahahahaha" sabi nito sa akin bago pumasok sa kwarto ni sofia

✪𖣔𒊹𖣔✪

Thank you for reading don't forget to vote and comment, you can also follow me too

-Rainbowbiee7880-

My Possessive Bestfriend (BS: 1) ON-GOINGUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum