"Sa Dulo ng Pitong Letra"

22 1 0
                                    


Mahal naaalala ko pa nung una kitang makita,
Nung ang puso ko ay walang nararamdaman at nag iisa.
Dahil sa ilang buwan at taon itong walang kasama,
Walang kasama sa mga araw na dapat ay masaya.

Nitong puso Kong akala mo'y inutil,
Parang lumpong di makatayo at marahil
Walang mga paa,di makapag lakad at sabing
Wala ng dahilan pa para sa isang pag ibig.

At yun na nga, ikaw ay dumating
Nung mga panahong luntian ang paligid natin
Sa unibersidad na tahanan kung ating ituring
Maulan sa umaga at tanghali hanggang sa pag uwi natin.

Sa halos araw araw nating pinagsamahan
Sa anim na buwang walang kasawaan
Dun mo yata naisip na umpisahan
Umpisahan ang pitong letrang hinangad ng karamihan

Sa ikawalo ng Setyembre taong Dalawam pung libo at labing apat
Saksi ang mga patak ng ulan nung ikaw ay nagtapat
Pampaswerteng numerong walo pag pinihit ay katapat
Katapat ng walang hanggang simbolong alam ng lahat.

Iginuhit kita sa papel gamit itong mga uling
Iginuhit mga pangarap at sasabihing ikaw na ang huling
Makakasama ko hanggang sa pagtanda natin
Pitong Letra muli ay susubukang buuin.

Mabilis lumipas ang panahon araw buwan at taon
Ilang beses din tayong sinubok ng mga pagkakataon
Distansya ay lumayo, nagkahiwalay ng landas
Kapalaran ay dinala ka sa malayo, magkaiba ang oras.

Mahirap, napakahirap pero sinubukang itago
Na buuin ang pitong letra kung ikaw ay malayo
Di makapag usap ng maayos, kahit ayusin ay malabo.
Malabo ng maging tapat at ang sapat ay di nadin buo.

Ang pitong letrang sinusubukan nating buuin
Pinipilit gawing walang hanggan, pero kahit na anong gawin
Hadlang ay nagtagumpay na, aminin na natin
Nasa dulo na ng walang hanggan, letra ay natuldukan nadin.

Kaya heto tayo ngayon sa dulo
Pitong Letra ay di nadin kayang mabuo
Nagpaalam sa isat isa at maghanap ng iba
Ibang kasamang bubuo sana nitong ating pitong letra.

Spoken Word Poetryحيث تعيش القصص. اكتشف الآن