Basura, yan ang tingin sakin ng aking pamilya
dahil ang gusto lang naman nila ay ang aking medalya
kapag grado ko'y nahila
tiyak na sila'y madidismayaSubali't nakapagtataka
bakit ako lang ang basura sa pamilya?
masasayang ngiti ang bumabakas sa kanilang mga labi
kapag kapatid ko na ang bumabatiBigayan ng grado
ako'y dehado at kabado
dahil sila'y tiyak na magagalit at magtatampo
kapag ako'y di nabilang sa klase ng matatalinoMedalya, mataas na grado at sertipiko
yan ang batayan ng pamilya ko
kaya proud sila sa ate ko
dahil ito'y matalinomakakuha man ako ng mataas na grado
hindi pa rin ito sapat para mapantayan ang husay at talino ng kapatid ko,Ipakita ko man ang medalya at sertipiko na nakuha ko
ngiti lang naman ang matatanggap ko
subalit kapag ang kapatid ko ang nagpakita ng ganito
tiyak na ipagmamalaki na naman nila ito at sabay sasabihing;
"gumaya ka sa ate mo"Sila'y nagsasaya
habang ako'y nagiisa
gumagawa ng tula
tulang sila ang paksa
tulang ako mismo ang may akda
na kaya pala hindi nila binabasa dahil ako ang gumawaNgayon ko napagtanto
na dapat maging maganda at matalino ako
para mabigyan ako ng importansya sa mundong ginagalawan kokaya sa taong minamahal ko, kaibigan ko at pamilya ko
patawad kung hindi ako sapat
patawad kung hindi ako katanggap-tanggapNgayon naiintindihan ko na,
na dapat mahigitan ko ang pamantayan nila
para makita nila kung gaano ako kahalaga
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryNever Cry For The Person Who Dosen't Know The Value Of Your Tears Sana Po Magustuhan Nyo..