Secretly inlove

18 1 0
                                    


Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nagmamahal.
Yung tipong ang gaan sa dibdib ay hindi mo maipaliwanag,
at parang bang nagliliwanag ang lahat ng bagay sa 'yong paligid.
Kahit na madalas para ka nang sira,dahil ngumingiti ka kahit kahit mag isa.
Kinikilig ka kapag kasama mo sya.
Ang saya ng mundo mo kapag kausap mo sya.
Na para bang ang bilis ng oras kapag kayo lang dalwa.
at tila ba kay bagal kapag wala sya.

Una palang alam mo na sarili mo na,
Siya na talaga yung pinapangarap mong makasama,
yung pinapangarap mo na mamahalin mo ng higit pa sa buhay mo.
Yung pinapangarap ng maraming tao.
Handa kang ibigay ang lahat ngcu oras at atensyon mo sa kanya.
Handa kang magpaka corny sa mga jokes mapatawa mo lang sya.
Handa kang masaktan mahalin kalang nya.

Pero bakit ganon?
Sa kabila nang lahat ng saya,
Sa kabila ng lahat ng tawa.
Sa kabila ng pagiging kontento mo kapiling sya.
Ay may isang bagay na kumikirot at tila ba sumasaksak sayong pagkatao.
Alam mo naman na wala kang pag asa pag dating sa kanya.

Alam mo naman na masasaktan ka lang kapag pinagpatuloy mo pa.
at alam mo din naman siguro na kaibigan kalang talaga nya.
Pero bakit mo pinagpatuloy,
Ang kung ano meron ka jan sa puso mo para sa kanya.
Bakit mo hinayaan na mahulog ka gayong alam mo na walang dahilan para saluhin ka nya.
Kaibigan,Kapatid yan lang ang meron sya na kaya nyang ibigay sa tulad mo.

Sa tulad mo na ang rupok rupok pag dating sa kanya.
Pilitin mo mang magalit at magtampo isang ngiti nya lang pawi na ang init ng yong ulo.
At ngayon nagsisi ka dahil minahal mo sya.
Nasasaktan ka dahil mahal mo sya.
Nadudurog ka dahil hindi mo magawang sabihin sa kanya,
ang kung anong meron ka pag dating sa kanya.
Dahil alam kapag sinabi mo ang totoo,
lalayo sya at maaring hindi mo na makita.
Ataw mong mangyari na iwan ka nya,
dahil mawawasak ang lahat ng binumo mo kasama sya.

Pinanatili mong lihim nalang ang pagmamahal,
na nararamdaman dahil ayaw mong maramdaman ang sakit kapag iniwan ka nya.
Walang saysay ang lahat kapag wala sya.
Hindi mo gustong mapunta sa ganito,
pero heto nandito kana at di mo alam kung paano
lalaya sa pagkakakulong sa katotohanang Mahal mo sya,Pero may mahal syang iba.

Siguro bigyan mo ng oras ang sarili mo,
Na mawala ang lahat ng nararamdaman mo.
hayaan mong gamutin ang sugat sayong puso ng yong mga luha.
Hayaan mong puso mo na mismo ang kusang susuko.
Dahil naniniwala ako,
kapag yan ang napagod,
matututo kang bumangon
matututunan mong mahalin
at patawarin ang sarili mo sa pagmamahal sa tao na hindi talaga nakalaan para sayo.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now