Pwede ba?

14 1 0
                                    

Nandito ako sa dati nating tagpuan.
Pilit na binabalikan ang ating nakaraan.
Umaasa na muli mokong babalikan.
Na ang ating pagmamahalan ay muli nating simulan.
Nandito ako,nakatayo't inaantay ka.
Umaasang pwede pang ibalik ang dati nating pagsasama.
Umaasa na baka pwede pa?
Mahal pwede bang magsimula ulit tayo sa simula.
Mahal pwede bang bumalik tayo sa umpisa.
Sa umpisa na mahal pa natin ang isa't isa.
Sa umpisa na kung saan ang mga ngiti sa ating mga labi ay hindi mabura.
Sa umpisa na tayo lang dalawa.
Mahal pwede bang bumalik tayo sa dating tayo?
Yung ikaw lang at ako.
Mahal pwede bang pakitupad ng pangako mo.
Na tayo lang hanggang sa dulo.
Mahal sabi mo,ang pagmamahalan natin ay walang hangganan.
Ngunit mahal bakit napunta agad tayo sa katapusan?
Ang sabi mo walang iwanan.
Ngunit ikaw tong unang nang-iwan.
Ang sabi mo ayaw mo kong nakikitang umiiyak.
Ngunit mahal,ikaw ang dahilan ng aking pag-iyak.
Ikaw ang dahilan kung bakit ang puso ko'y nawasak.
Naalala mo pa ba ang araw na ang kamay ko'y iyong hawak-hawak?
Sabay sambit sa akin ng salitang MAHAL KITA.
na kung gaano mo kadaling sinambit ang salitang mahal kita
Ay ganun mo din kadaling sinambit sa akin ang salitang mahal pasensya na.
May mahal nakong iba.
Ang sarap balikan ng ating mga alaala.
Ngunit masaket kase hanggang alaala nalang talaga
Kase meron ka ng iba.
Kase meron ka ng Siya!
Mahal,nakakapagod din palang mag-antay sa wala.
Nakakapagod din palang umasa.
Sa taong wala naman akong kasiguraduhan kung babalik pa.
Sa taong may mahal ng iba.
Nakakapagod din palang umiyak sa isang tao.
Nakakapagod din palang mag-antay at tumayo.
Sa isang lugar na kung saan nagsimula ang ikaw at ako.
At sa lugar na kung saan nagwakas din ang salitang TAYO!

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now