"PAMILYANG PINANGARAP"

78 3 0
                                    

PAMILYA pitong letra pero kailan man ay di naging isang buo at di naging masaya
PAMILYA pitong letra Pero kailan man ay di ako tumigiil na mangarap para itoy maging buo at magkaroon kami ng PAPA
Pagtungtong nang ika limang kaarawan iisa lang ang kahilingan na mabuo ang isang pamilyang matagal ko ng inaasam pamilyang mayroong amang makakasama sa hirap at ginhawa.

nag aral ako ng wala si papa nag aral ako para kay mama nag aral ako para aking pamilya at mga tiyo't tiya.
tumuntong na ika anim na baitang at meron nanamang kahilingan na sana sa aking pag tatapos ay ikaw ang nariyan pero mukhang malabo malabong pumunta ka malabong makasama ka at mabuo ang ating pamilya.

Dumating ang araw na akoy magtatapos na sa elementarya at mukhang si mama lang ang susupurta. Maraming umakyat sa intablado na kasama ang kanilang AMA at naluha nalang ako at nasabi kong makakaakyat ulit ako sa isang intablado at si papa na ang kasama ko.

Tinawag na ang aking pangalan, umakyat sa intablado at kinuha ang papel na patunay na akoy tapos na sa elementarya at ito ang ibibigay ko kay mama kapalit ng hirap nya.Tumuntong ng kolehiyo at nag sumikap upang matapos ito. Dumating yung araw na kailangan kong magdala ng litrato litrato ng ating pamilyang buo para sa proyekto akoy biglang nagulat bakit merong ganto ano ibibigay ko Umuwi ako ng bahay ng nakakunot ang nuo,bigla nalang naluha ang mata ko at tinignan ang litrato mo
Naluha ako umiyak ako sa harap mo at niyakap moko ng mahigpit at ang lahat ay nagulat bigla ako tinawag ni mama anak wala na si PAPA.
Pinipilit kong wag maniwala dahil nasa harap kita at kahawak pa tinignan kita at ang sabi mo ANAK PAKAWALAN MO NA KO SA PUSO MO PAKAWALAN MUNA KO.
di tumigil ang pag tulo ng luha Ko di ko mapigilan umiyak ng todo.Tinignan kita at hinawakan ng mahigpit at ang sabi ko pa DI ko kaya di ko kayang mawala kapa ang sabi mo ay anak tama na wala na si papa bigla kana lang naglaho.
umiyak ako ng todo at wala na kong magawa kundi tanggapin na wala na ang PAPA KO.


Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now