"Please fill out this form," sabi sa akin nung babae sabay abot ng paper. I thanked her and then looked for a place kasi medyo maraming sasagutan. Nang maka-upo ako, next na problema ko ay wala pala akong dalang ballpen!

"Excuse—"

Agad akong natigilan dahil hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Sancho. Kanina pa ba siya dito? He's so... weird. But he's only weird to me kasi kapag kasama niya naman sina Nikolai at Vito, mukhang normal naman siya.

May problema ba 'to sa 'kin?

"What?" he asked nang matigilan ako.

"Do you have extra pen?" I asked. Umiling siya at saka bumalik sa pagsusulat. So rude!

Tumayo na ako at naghanap ng ballpen. I fill up the form elsewhere and when I was done, pinasa ko na agad 'yun. Sana hindi pa full iyong schedule na gusto ko. Ayoko na kasi ng night class gaya nung sa law school. Gusto ko ng normal na class tapos normal na tulog sa gabi. Sleep is essential for me to function to my fullest potential. Ayoko ng maging zombie kagaya nung law school days.

Nang maka-labas ako, dumiretso ako pabalik sa sasakyan ni Sean. I knocked on the door, waiting for it to open. 'Di ko kasi makita dahil heavily tinted iyong sasakyan niya.

"Oh, dear God!" sigaw ko nang biglang may humawak sa bewang ko. Mabuti na lang at nakita ko agad na si Sean 'yun.

"Whoa," he said, surprised at my reaction. "Are you okay?"

I nodded. "Yeah..." sabi ko habang naka-hawak sa dibdib ko dahil sa gulat. "Where did you go?" I asked. Medyo may pawis iyong sa taas ng noo niya. 'Di pa naman sanay mainitan 'to.

"Just bought something," he said. "You done?" I nodded. "Where do you wanna eat?"

I pursed my lips, smiling at the thought that came in my head. Napa-kunot ang noo ni Sean... but then, naintindihan niya kung ano iyong nasa isip ko.

He pinched my cheek. "Real food, Sob," he said. "But I like where your head is always at," sabi niya na natawa.

I frowned. I stuck my tongue out at him, pero natigilan ako nang makita ko si Sancho na palabas na rin ng review center. Agad na kumunot ang noo ko dahil naka-tingin siya sa akin.

He's so—what's his problem? Ang sungit niya sa 'kin!

"Let's go?" I said to Sean instead. Graduate naman na ako sa Brent. 'Di ko na makikita si Sancho. Bahala siya d'yan. As far as I was concerned, mabait naman ako sa kanya nung 1st year kami, so ano kaya ang naging problema niya sa 'kin? Kasi after nung 1st sem, biglang ganyan na siya.

Sean parked his car. Sabi niya, maglakad na lang daw kami and huminto sa kung saan man namin gustong kumain. Wala kasi akong masagot sa kanya kanina kung saan ko gustong kumain.

"Sean?"

Napa-hinto kami sa paglalakad nang may lumapit sa amin na babae. I looked at her and she's quite the opposite of me—she's got a fair skin, her eyes were wide like almond, and she's got a long black hair. Ang pareho lang namin ay halos magkasing tangkad kami.

"Hey," Sean replied. Hindi siya gumalaw. Nasa tabi ko pa rin siya.

"Didn't see you after the revalida," sabi nung babae.

Kaysa ma-OP ako sa kanila, kinuha ko na lang iyong phone ko at tinignan kung may nagmessage ba ulit sa akin. Sila Papa kasi nagpa-tarp pa na ga-graduate na ako! Kulit, e! Sabi ko kapag lawyer na talaga ako... pero sabi nila, achievement na raw na naka-graduate ako.

Cute talaga ng parents ko.

"Sob, Kelsey. Kelsey, Isobel."

Napa-tingin ako nang iintroduce ako ni Sean. Akala ko nalimutan niya na ako, e.

Reclaim The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now