"Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita kahit anong gusto mo bago kami pumasok."

"Wala kong ganang kumain. Gusto ko lang magpahinga."

"Why won't you tell your mom that you're sick?" sabi ni Aileen.

"Ayoko silang mag-alala sa'kin."

"Paano kung may mangyari sa'yong masama habang wala kami? Walang magbabantay sa'yo dito."

"Walang mangyayari sa'kin, okay? I can take care of myself. Just don't tell them na may sakit ako."

"Hindi pwedeng walang magbantay sa'yo--"

"I can manage. Don't worry."

"Bahala ka nga sa buhay mo. Basta kung may kailangan ka or may emergency, just call me o si Aileen ha."

Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Thank you."

"May stock pa naman ng groceries sa cabinet. Kung gusto mong kumain, may cup noodles don," Tanging tango na lang ang nagawa ko.

"Don't forget to drink your medicine."

"Opo. I won't forget to drink my medicine," I rolled my eyes at them. I really want to rest but they keep on disturbing me. "Umalis na kayo dahil gusto ko ng magpahinga."

Kung nandito lang si Mom for sure papagalitan ako non kapag hindi ko ininom yung gamot ko ng tama sa oras. Hindi niya hahayaang hindi ako kumakain. Hindi niya ko titigilan hangga't hindi ako gumagaling.

Namimiss ko na talaga sila Mom.

Sana makauwi ako sa bahay kung magaling na 'ko at wala na 'kong masyadong ginagawa at dapat ipasang requirements sa school.

I already gave them my excuse letter for my absences. Umalis na sila ng kwarto ko kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko para makapagpahinga.

Minutes after I eventually fell asleep.

--

Sobrang bigat ng pakiramdam ko ng magising ako sa mahabang pagkakatulog. I looked at the wall clock. It's already 2:30pm. Halos ilang oras din akong nakatulog.

Nararamdaman ko na ang pagkalam ng tiyan ko. Kanina pa pala 'ko hindi kumakain ng breakfast at hanggang ngayong lunch na hindi parin. Wala naman akong pwedeng kainin kung hindi yung mga stocks na groceries sa cabinet at refrigerator. I don't know how to cook kaya kahit may pwede mang lutuin hindi ko naman alam kung paano.

Pinilit kong tumayo sa kinahihigaan ko para kumuha ng makakain ng may marinig akong ingay sa kusina. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko at sumilip sa kusina para makita kung saan nanggagaling yung ingay.

I instantly hide when I saw someone on the kitchen.

May nakapasok na akyat bahay sa apartment ko and I need to do something para mapaalis siya. Pinagpapawisan ang buo kong katawan habang pinipigilan ang sarili na gumawa ng kahit anong ingay.  Dinampot ko ang pinakamalapit na bagay na mahahawakan ko.

Huminga ko ng malalim at sinimulang hampasin ng tambo yung taong nakapasok sa loob ng apartment ko. Buong lakas ko siyang hinampas.

"Lumabas ka dito! Magkakanaw ka!Tulong! May nakapasok na magnanakaw dito! Tulungan niyo ko!"

I stopped when I saw a familiar man.

Natahimik ako at nabitawan ang tambong ginamit ko panghampas sa taong inakala kong magnanakaw.

"Sa gwapo kong 'to? Pagkakamalan mong magnanakaw?" He said while his blue ocean eyes looking straight to my eyes.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now