Chapter 18

499 13 0
                                    

Chapter 18

"Just stay there." turo ni Mom kay Mark para paupuin sa sofa. Galit si mom base on her facial expression. Jusko! Hindi ko kaya tuwing galit si Mom dahil bigla na lang siyang hindi namamansin. Tumingin ako sa direksyon ni Mom at pinandilatan niya ko ng mata. Gosh!

"Ikaw. Seat beside Mark."

"Opo." sagot ko habang papalapit sa sofa at umupo sa tabi ni Mark. Tinignan ko ng masama si Mark. Bwisit siya! Kasalanan niya 'to e! Kung hindi dahil sa kamanyakan niya e'di sana hindi ko kailangang gawin 'to. Tungkol saan kaya yung pag-uusapan namin nila Mom at Mark. Tungkol kaya sa nakita niya na halos magkadikit na kami ni Mark habang nasa refrigerator? Usual lang naman yung sa mag-couple 'di ba? Wait. Di ko na pala totoong boyfriend 'tong lalaking 'to.

Magkaharapan kami nila Mom habang patuloy parin siyang nakatingin sa'ming dalawa. Ilang sandali lang dumating si Dad at yung tatlo kong Kuya na nakapwesto likod nila Mom at Dad.

"Rio." napapikit ako habang naririnig yung seryoso at galit na boses ni Dad.

"Y-Yes, Dad?"

"Kailan ka pa natututong maglihim sa'min ng Mom mo at kailan ka pa natututong magsinungaling sa'min?" Tumingin lang ako ng buong pagtataka sa mga mata nila. Ako? Sinungaling? Kailan?

There's something fishy going on.

"A-Ano pong ibig niyong sabihin, Dad?"

"Sa iba pa talaga namin malalaman kung anong totoo." dugtong ni Mom. Ano bang sinasabi nila? Ano bang ginawa kong kasalanan? Wait. Don't tell me na alam na nila na nagpapanggap lang kami ni Mark na mag-couple. OMG! Let me explain!

"Sorry po talaga. Wala na po kasi kong choice kung hindi magpanggap." Tumingin ng masama sa'kin si Mark ng sinabi ko 'yon. Bakit ba? Parang mabubuko na yung secret naming dalawa.

"Ha? Magpanggap na?" tanong nila Mom at Dad. Ano ba kasing gusto nilang sabihin? Ngumiti ako ng pilit.

"Ano po ba yung sinasabi niyo?"

"Nagsinungaling ka sa'min. You don't tell us what happen last saturday when you went to Mark's house." Tinignan ko ng masama si Mark. Wala kong pinagsabihan bukod kina Aileen at Chelsea ng tungkol sa mga snatchers na 'yon. Even my family, hindi ko sinabi sa kanila dahil ayokong mag-over react sila since wala namang masamang nangyari sa'kin non dahil nakuha ko naman yung mga gamit ko.

"How did you know about that?"

"Kung hindi pa sinabi sa'min ng mga Kuya mo na muntik ka ng ma-snatch-an ng gamit hindi pa namin nalaman." Tumingin ako kila Kuya James.

"Sinong nagsabi sa inyo?" tanong ko kila Kuya. They looked at me in the eyes.

"Si Mark." Sinamaan ko siya ng tingin.

"What?" Mark said. Malalagot ako nito kila Dad. Ayaw pa naman nila na may tinatago kaming secrets sa isa't-isa. Mostly, open kaming lahat sa mga gusto naming sabihin at sa mga nararamdaman namin peri iba yung sitwasyon na 'yon. I just don't want them to think of me at mag-over react sa nangyari sa'kin. Tumingin ako kila Mom. Gumana sana yung ka-cute-an ko this time. Kaso mukhang hindi gumana dahil galit parin sila.

"Anong pinag-usapan natin?" tanong ni Mom sa'kin.

"Walang secrets sa isa't-isa."

"Then, what did you do?"

"I keep a secret." Yumuko na lang ako. Masaya ka na ba Mark? Pinahamak mo na 'ko? Sana lang at hindi nila i-confiscate yung phone ko dahil sa ginawa ko.

"Pero ginawa ko lang 'yon dahil ayaw kong mag-alala kayo sa'kin. And besides, wala naman pong nangyaring masama sa'kin. I'm fine, doing great."

"Maswerte ka at walang nangyari sa'yo pero paano kung mayroon? Papatayin mo kami sa pag-aalala ng Dad at mga kapatid mo."

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now