Chapter 10

548 17 0
                                    

Chapter 10

Saturday

"Bakit bihis na bihis ka?" Mom said, I looked at her while she's preparing our lunch. Tinanghali na 'ko ng gising dahil pagod na pagod ako kahapon galing sa school. Sumabay pa yung pagiging pilyo ng lalaking 'yon.

"Aalis ka?" she again said.

I'm wearing a simple black dress for today. I'm just waiting for Ate Diane's message to went to their house. Matagal kong pinag-isipan kung pupunta ba 'ko doon at makikita yung bwisit na si Mark o mag-stay na lang ako sa bahay at matulog magdamag.

Hindi naman talaga ako pupunta kung hindi lang naki-usap si Ate Diane. She's nice with me and it's hard to say no to her. Alam mo yung pakiramdam na parang ni-reject mo yung invitation ng taong sobrang bait sa'yo. Hindi ko alam kung saan nagmana si Mark, sila Ate Diane at yung mom niya mabait naman sa'kin, pero bakit siya hindi nagmana ng kabaitan sa kanila.

I get some water on a fridge.

"Yes, mom. Mark's mom invited me to their house." I replied. "May ibibigay daw po siya sa'kin."

"Ano daw?"

"Hindi ko po naitanong."

"Anong oras ka naman uuwi?"

"Hindi ko pa po alam," paliwanag ko. "Pero hindi rin po ako magtatagal don, after pong ibigay ng mom ni Mark yung ibibigay niya uuwi na rin ako."

'Ayoko ko rin magtagal don dahil makikita ko yung bwisit na lalaking 'yon! Aandar na naman yung pagiging maniac niya.'

"Huwag ka nang magpagabi dahil delikado na ang panahon natin ngayon."

I gave her a wide smile. I nodded.

"Pag-uwi ko manonood tayo ng K-drama. May bagong episode yung favorite nating korean novela, mom."

"Talaga?" she said full of excitement.

"Yes, mom! Ang gwapo ni Lee Min Ho don!"

Na-interrupt ang pag-uusap namin ng biglang tumunog yung phone ko.

Ate Diane is calling...

"Hello?" I said

("Hello, Rio. Pupunta ka ba?")

"Opo, Ate Diane. Actually, bihis na po ako."

("Haha akala ko hindi ka pupunta, e. Papasundo kita kay Mark, gusto mo ba?")

My eyes grew bigger. Shocks! Not this time!

"N-No!"

("Why? Is there a problem?") she asked, confusion on her tone.

"W-Wala po. A-Ayoko lang maka-istorbo kay M-Mark. Magta-taxi na lang ako." I looked at mom, she's listening to our conversation.

("Ah, I see. Sa bagay, tulog pa rin yata si Mark sa kwarto niya. Hindi pa lumalabas, e.")

"Don't disturb him, Ate. Hayaan niyo lang po siyang matulog. Baka pagod lang sa training ng basketball. Kawawa naman kung iistorbuhin ko pa siya."

'Hayaan niyo lang siyang matulog dahil ayoko siyang makita. Baka may gawin na naman siya sa'kin.'

("Kinikilig naman ako sa pag-aalala mo sa kapatid ko.")

"Kung alam mo lang kung gaano ko siya gustong pagpipirasuhin, Ate Diane." I whispered.

("May sinasabi ka?")

"Hehe wala po. I'll be there soon."

("Sige, take care. Hinihintay ka na ni mom, excited na siyang makita ka.") Tumawa siya.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now