Tumayo ako mula sa pagkakadapa sa kama at pumunta sa walk-in closet ko. Nagpalit ako ng hapit na sando at maikling hapit na shorts, isa ito sa mga pambahay ko lalo pag mag-isa lang ako... minsan ay wala pa akong suot.

Kinuha ko ang wallet ko at lumabas ng kwarto. Nakita ko silang nag-aayos ng sala at isang box ang nasa may pinto.

Napakalaking box!

"Alak yan???" tanong ni Maxim na nagugulat.

"Oo, mga sikat na hard liquors sa iba't ibang bansa..." sagot ni Trez.

"Magkano lahat yan?" Kaswal na tanong ko.

Saktong paglingon ko muli sa pinto ay may isa pang box na dumating. Mas maliit naman yon at pakiramdam kong chaser pa nila yon. -.-

"For chaser," si Zetteki ang sumagot.

"I know," ngiwing sagot ko at pinuntahan ang delivery guy. "Magkano lahat?" tanong ko sa kaniya nang diretso at tila na-stroke pa ito. Nakatitig lang sakin at parang hindi makapaniwala na kaharap ko siya.

"P-Pwede pa-picture?" Utal-utal nitong tanong. "A-Ang ganda mo..." mahinang sambit nito.

Ngumisi ako at tumango. "Sige, picture tayo."

Ilang saglit ang tinagal ng pagkuha namin ng litrato. Samut-saring salita na papuri ang natanggap ko mula sa kaniya.

"500,000 pesos po..." sabi ng delivery guy.

"Don't use "po" on me..." nakangiwing tugon ko habang binubuklat ang wallet ko. Kumuha ako ng tseke roon at nagpirma. "Here yah go..." abot ko sa kaniya.

"T-Thank you," nauutal pa rin nitong banggit saka umalis.

Napailing ako. Iba talaga karisma ko. Sa kaniya lang naman ako hindi tumalab. Letse.

"Let the party begin!" sigaw ko sa buong unit namin at napatingin sila sakin.

"Yuhooooooo!!!" sigaw nilang lahat at nagpuntahan sa box ng mga alak.

Lahat sila'y nagsikuhaan ng kani-kaniyang bote. They went wild. Maliban kay Doz na lumakad palapit sakin.

"You spent 500,000 pesos for fucking liquors?" hindi makapaniwalang sambit nito.

"And?" takang tanong ko.

"You're broken-hearted, Dawn. You can't deny it to my face," nag-iigting ang panga ni Doz habang sinasabi yon.

Napakagwapo ng lalaking ito. Kung wala talaga akong asawa, ito ang pakakasalan ko.

"Let's just drink, Doz."

"But, Dawn-"

"Be with me if you care," nakangiting putol ko sa kaniya at pumunta na rin sa gawi nila Trez para makisaya.

Martin's POV

"THANK you for tonight, Jai..." nakangiting sambit ko sa kaniya. "I really appreciate it."

"Walang anuman," dahan-dahan siyang ngumiti at lumapit sakin. Akma niyang hahalikan ang mga labi ko pero agad akong napaigtad! "M-Martin? What's wrong?" Takang tanong niya.

Napalunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Nakatayo lang ako sa harap niya at nakabuka ang mga labi ko na parang may sasabihin pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Martin, what's the problem? We used to do this, right?" kumikibot ang mga labi niya at parang nasasaktan.

It hurts me seeing her like this, she's been a good friend to me... pero bakit ganon? Parang hindi tama. Hindi dapat...

"It doesn't feel right," ang lumabas lamang sa bibig ko.

"Because you have wife?" nagbago ang tono niya, parang galit. "We still do those things kahit noon pang alam na nating dalawa na may asawa ka-"

"It feels different, Jai. Parang mali. Parang hindi dapat," pinutol ko ang mga salita niya. "I'm sorry..." bumaba ang tingin ko at tinalikuran siya saka humakbang papunta sa kotse ko.

"She is just there, somewhere around you..." ani Jai.

Bigla ako napahinto sa paghakbang nang marinig ko yon. Nilingon ko siya. "What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"Nothing. Thanks sa paghatid sakin." Jai said and turned around. She was emotionless.

Anong ibig niyang sabihin?

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now