Chapter 11

561 12 2
                                    

SO FAR ayos naman ang set-up nina Jesse at Ashley. Ni hindi nga nila namalayan na  dalawang buwan na nagtatagal ang set-up nila.

Everything is going smooth kahit paminsan-minsan may epal na Jillian na umieksena sa kanila na laging gusto siyang guluhin. Buti na lamang katulong ni Ashley si Mona na ready para suplengan ang kamalditahan nito sa kanila.

Nalaman nila na magkakilala pala to at si Peter. Pinaliwanag sa kanila ni Peter ang kondisyon nito at pinaintindi na lamang sa kanila ang si Jillian.

Base sa obserbasyon nila may pagkachildish lamang ito tulad na lamang ng paliwanag sa kanila ni Peter at so far naman harmless naman ito. Talaga lang may pagka brat ito at mahilig sumiksik kay Jesse.

Sabagay hindi niya masisi ito kung patay na patay ito kay Jesse. Miski siya kamuntik na niyang mahulog sa lalaki ngunit buti na lamang binalaan na niya ang kanyang puso na huwag magpahulog dito at napag-isip-isip niya rin ang suhestyon ni Mona na mag-enjoy na lamang sa open relationship nila.

Kung tutuusin ayaw niya ng may boyfriend na schoolmate pero kung pagbabasehan ang relasyon nila ni Jesse hindi niya masasabing boyfriend niya ito sa technically wala siyang boyfriend sa school sa ok lang tutal naman ang sabi nga ni Jesse 'open relationship' ang mayroon sila at iyon nga ang pinaniniwalaan niya.

Halos wala rin naman pinagbago ang nangyayari sa kanya, May na ngungulit pa rin na manliligaw at Jake na kaklase. Si Mona lang naman kasi ang nakakaalam sa set-up nila at tanging si Jillian, Peter, at Jake lang naman ang nakakaalam na magboyfriend sila ni Jesse but the rest of the world wala na ng nakakaalam kaya malaya sila sa isa't- isa.

Pa umpisa na ang second semester. Kakatapos niya lang mag-enroll nang makasalubong niya si Jesse.

"Hatid na kita."

"May ka date pa ako mamaya."

Dahil nga na sanay na sila ni Jesse wala na lang sa kanila kung may ka date ang isa sa kanila basta aware sila at nagpaalam sila upang hindi sila magkasalubong at hindi sila mabisto ng mga kakilala nila.

"Ah ganun ba. Sige kita na lang tayo later sa part time job mo, susunduin na lang kita."

"Wala ka bang ka date? Teka di ba may schedule ka ngayon? Sino sa mga babe mo? Si Babe3 or Babe7?" tanong niya rito. Nagbabakasakali na isa sa mga binaggit niya na recent na mag ka flling nito ang binanggit niya.

"None of the above. Si Babe5 'yung ka date ko ngayon."

Na pansin niya parang biglang nag-anlilangan ito ng binanggit nito kung sino sa mga babe nito ang ka date nito. Bigla naman siya kinutuban dito. "Is there something wrong? Makikipagbreak ka na naman ba? You need help?"

Lalo siyang nakasiguro nang hindi ito makatingin sa kanya at napakamot ito sa bataok nito. "Errr, oo eh. Pwede ka ba magproxy ulit na girlfriend ko?"

"Sure sige. Pagkatapos ko sa part time ko didiretso ako. Just tell me kung saan at susugod na lang ako."

Ganoon ang set-up nila. Wala man sa usapan nila na maging proxy nila ang isa't-isa once na gusto na nila makipagkalas sa mga naging syota nila ay naging katulong nila ang isa't-isa upang madispatya nila ang mga syota nila.

"Nga pala nakapag-enroll ka na ba?"

"Oo."

"Sure ka wala kang balak lumipat ulit? Balita ko dito ulit mag-aaral si Jillian this coming sem."

"I don't care. Nandyan ka naman eh."

Mukha natuwa ang mga ito sa Letran kaya napagdesisyonan ng dalawa na sa Letran na lamang ipagpapatuloy ang pag-aaral nila kaysa sa dati nilang school.

Peerless RomanceWhere stories live. Discover now