CHAPTER VII; Bracelet

Start from the beginning
                                    

Sinandukan ako ni Yaya at magalak ko naman itong tinanggap. "Thank you po".

"Kain na".

"Umuwi na po yung mga tukmol"? Humigop muna ako sa soup ko bago ako tumingin kay Aaron.

"Oo. Kanina pa. Papasok pa raw kasi sila. Baka raw hindi nila makuha mga allowance nila". Napailing pa siya sa huling sentence niya.

"Manang-mana talaga kay Aaron".

"Tama ka na Kiandra". I laughed.

Konti lang ang nahigop kong soup, pero yung kape naubos ko ng mapagpasyahan kong magpaalam na kela Yaya at Aaron na papasok na.

"Kia! Teka"! Tawag sa akin ni Aaron. Nilingon ko siya at tinaasan lang ng kilay.

"Oh. Allowance mo raw sabi ni Tita". Habang hinuhugot niya sa wallet niya yung pera. Pagka abot niya sa akin nito, ay nagpaalam na ulit ako para tuluyang umalis.

Binuksan ko yung envelope at tinignan ang laman.

Magkano kaya 'to? 5k? Pwede na. Sana lang kasiya ito ng 2 weeks sa akin.

Bumalik ulit ako sa bahay at tumakbo papuntang kwarto para iwan sa may ilalim ng unan ko ang allowance ko. Marupok pa naman ako sa pagkain. Baka maubos sila agad kapag dinala ko.

 Baka maubos sila agad kapag dinala ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Flag Ceremony....

Kanina pa kami nakapila rito. Ang init kaya. Napabuntong hininga na lang ako bago lumingon sa bandang kanan ko na pinagsisihan ko agad kung bakit ko ginawa 'yon.

"Hi". Bati sa akin ng Lars. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Akala ko ba nasa mid section siya? Bakit nandito siya sa pila namin ngayon?

"Paanong-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, dahil dumating na sa harapan yung principal namin at pinagsimula na kami.

Nang makapasok kami sa room, agad na akong umupo sa upuan ko.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko nang mag salita si ma'am sa harapan.

"Good morning class. Before our lesson start, i would like all of you to meet first, Mr. Montallana. Simula ngayon, makakasama niyo na siya lagi. Is that okay"?

Tuluyan na akong umupo sa silya ko.

Kapag sinabi ba naming hindi 'okay' ay papaalisin niya 'yan? Hindi naman diba? So bakit pa siya nag tatanong if that's okay? I murmured to myself.

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now