Chapter Six

0 0 0
                                    


6:45 AM

Maagang nagising ang dalaga dahil sa excitement, pumayag ang magulang niyang sumama siya sa GSP kaya nasiyahan siya at hindi nakatulog ng maayos

Ininat inat nito ang katawan at tinahak ang banyo, naligo na siya pagkatapos ay nagbihis at bumaba na siya para kumain

Sinabi din sa kanila ni Khate na mag meet up daw sila sa school, tinawagan siya nito kagabi

Pero kahit excited siya kinakabahan padin siya sa posibleng mangyari, first time niyang sumama sa mga trip ng school at hindi pa siya nakakasigurong maayos ang byahe.

"Good Morning Mama at Papa!" Masayang bati nito at niyakap ang dalawa

"Good Morning din, nga pala kumain kana diba may GSP pa kayo?, you need it enjoy anak!" Wika ng ina niya

Nakaramdam ng lungkot ang dilag dahil isang buwan niyang hindi makakakasama ang magulang

Kung hindi niya lang gustong bumati yung barkadahan hindi siya sasama dahil alam niyang di siya papayagan, sinabi niya yun bilang rason kaya pumayag ang mga ito

"Mami miss ko kayo mama at papa..." malungkot nitong sabi "Maging maayos kayo dito ha? For me" parang batang wika nito at sumimangot

Pagdating sa parents niya nagiging isip bata si Shane, mahal na mahal siya ng mga ito kaya ganun ang trato niya, gusto niyang lambingin siya para maging memorya iyon sa kaniya

"Awww kawawa naman si Baby natin pang!, okay magiging maayos kami for you anak. Cute mo talaga mana ka sakin" panglalambing ng ina

Masisiyahan na sana ang dalaga ng sabayan pa iyon ng joke ng ina nito, kahit kailan hindi niya makukuha ang pansin nito puro nalang biro

"Alam mo naman ang rason diba kung bakit ka namin pinayagan? If tapos na ang lahat umuwi ka kaagad We dont care kung pagalitan ka ng guro. Kaligtasan mo ang inaaalala namin, Make it a promise!" Wika ng ama at hinawakan ang balikat nito

Tumango-tang siya kahit alam niyang hindi madali na pagbatiin ang barkadahan lalo na't ang lalim ng problema wala padin siyang rason para magkabatian sila

"I promise Pa!"

Ng matapos silang mag-usap kumain na si Shane ng mga pagkaing niluto ng mama, tinuruan din ng ina nito kung paano siya magluto dahil kailangan yun doon sa GSP

Ilang segundo ang nakalipas alam na ni Shane ang bawat tips sa pagluluto, napagdesisyunan na niyang mag impaki ng ibang kagamitan

Nakapag impaki na naman siya kagabe pero alam niyang kulang iyon, isang buwan ang bilang niya sa pagiging GSP. Tapos isang maleta lang ang dadalhin niya hindi nga siya sure kung sa isang araw tatlo siya makakapagbihis

Dinala nadin niya ang gadgets niya atsaka WiFi para hindi sila mawalan ng conversation ng ina.

"Ma Pa aalis napo ako!!" Sigaw niya sa loob ng kwarto

Nakabukas ang pinto ng kwarto niya kaya alam niyang narinig iyon ng ina sa baba, hinintay lang niya ang responde ng ina

"Mag-iingat ka anak! Yung mama mo nauna nasa trabaho madami kasing aasikasuhin doon!" Sigaw ng ama nito

Palagi talagang busy ang ina niya dahil sa business ganun din naman ang ama nito kaya minsan nagpapa hired sila ng katulong pero pagkabalik nila aalis na naman ang katulong

Napaigtad ang dalaga sa gulat ng mag vibrate ang cellphone niya sa kaniyang bulsa, kinapa niya yun at kinuha. Tinignan niya muna kung sino ang caller tsaka sinagot

"Oh Khate?" Bungad agad niya

"Saan kana ba? Galit na galit nasi Maam ikaw nalang ang hinihintay!" Inis na may halong pagbulong na wika nito

Hide And Seek[Tagu-Taguan](Completed)On viuen les histories. Descobreix ara