Chapter Seven

1 0 0
                                    


9:45 AM

Sumang-ayon ang iba sa larong pakulo ni Khate pero yung iba nag aalangan baka mabulgar pang may gusto sila sa isa dito

"Wag na Khate nako kalurkey madami akong gusto dito!" Angal ni Laila

HINDI pa siya handa para sabihin kung sino nga ba ang laman ng puso niya, baka pandirian siya ng barkadahan dahil dun, bakla siya e kaya alam niyang madaming mandidiri isama pa natin ang taong iyon alam niyang mandidiri din iyon.

"Sang-ayon ako diyan Khate napaka gandang laro hehe!" Pa cute na tawa ni Shine

Mas lalong nainis ang bakla, ayaw niya ng ganung laro pero ano bang magagawa niya e ang kalaban na niya ang mismong nag in sa laro

Kahit labag man sa kaniyang kalooban naki agree nalang siya na laruin yun, total hindi na niya kayang itago ang nararamdaman sa taong iyon

"P-pero Khate baka may away na maganap dahil dito?" Kinakabahang tanong ni Ria

PUMINTIG ang ulo ni Dave ng marinig iyon galing sa bibig ng kasintahan, so sinasabi nitong may gusto nga siyang iba dahil natatakot siyang may away na magaganap?

Hindi niya hahayaang mangyari yun, kahit pa ikamatay niya basta makuha niya lang ang babaeng mahal niya kakayanin niya, O.A na kung O.A pero natatakot din siyang mawala ang dalaga sa tabi nito

"Nothing's gonna happen if walang mag e-eskandalo, nga pala we will make a promise na--" hindi naituloy ni Khate ang sasabihin ng may sumingit

"Hindi na tayo bata Khate!" Ani ni Kimchi

NAG-INIT ang ulo ng dalaga, ano ba hindi ba siya papatapusin?, dahil dun tumawa ang kaniyang mga kasamahan kaya nanahimik nalang siya

"HAHA go spell it!" Tawang-tawa padin ang iba

Hindi na umimik si Khate at sinandal ang ulo sa upuan pagkatapos ay pumikit, kung ayaw nila ng larong iyon edi wag nalang

"Hala! Tignan niyo nag tampo nasi Khate!" Paninisi ni Sandy sa kasamahan

"Joke lang naman yun Khate, ipagpatuloy muna please!" Pagmamaka-awa ni Kimchi dito

HINDI naman yun totoo, biro niya lang yun pero hindi niya alam na isinasandibdib nito ang sinabi

"Sige nanga!..." malambot na sang-ayon ng dalaga "Okay dahil ako ang may pakulo ng larong iyon ako ang huling aamin kung sino nga ba ang gusto ko" nakangisi nitong wika habang pahirap na hinarap ang kasamahan

NAPA-AWANG ang labi ni Maria dahil feeling niya unfair iyon, pero hinihiling din niyang sana dumating na sila sa kanilang destinasyon para matigil na ang laro, ayaw niyang malaman nila kung sino ang iniibig nito.

"Parang unfair naman nun Khate!" Reklamo nito.

"HAHA hindi yun unfair ang tawag dun diskarte..." wika nito "Dahil ako ang huli may tao akong tuturuin kung sino man ang maituro ko alam na ninyo ang tanong kaya must answer it directly kung sino man ang taong nagustuhan ninyo siya din ang tanungin niyo kung sino ba ang gusto nila!" Paliwanag ni Khate

Nagsitangu-an naman ang iba habang yung iba kinakabahan na baka sila ang turuin ni Khate at makapag amin sila ng biglaan

Inisa-isa ni Khate ang bawat kasamahan, naguguluhan siya kung sino ba ang tatanungin kung pwede lang na silang lahat ginawa na niya yun

Ng makakita na siya ng taong biktima sa larong iyon, agad siyang ngumisi ng pagkalawak-lawak na nakapagpabigay ng matinding kaba sa kanila

"Ikaw!" Sabay turo nito "Ikaw Mackie gusto kung malaman kung sino ba ang nagpabihag sa bakal mong puso!" Tanong nito sa binata

Hide And Seek[Tagu-Taguan](Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant