Chapter Three

0 1 0
                                    


May 30, 2020

6:45 PM

Bagsak ang balikat ni Shane ng maka uwi sa kanilang bahay dahil sa sobrang pagod

Pagkapasok niya sa kanilang bahay, bumungad sa kaniya ang mga magulang nitong may matatamis na ngiti sa labi

Niyakap niya ang mga ito at wala ng balak na bitiwan gusto na niyang yakapin ang magulang ng matagal

"How's school Our Queen?" Malambing tanong ng ina

"Okay naman po ina'y medyo pagod po ako dahil sa surprise namin kay Sandy..." masayang turan nito

Nag iba ang timpla ng mukha nito, nalimutan ng dalaga na ayaw pala ng ina'y si Sandy iwan niya lang kung bakit

"Anong klaseng surprisa bayan anak?"

"Uhmm..." inisip ng dalaga kung sasabihin ba niya O hindi... pero kalaunay sinabi din niya "Tungkol sa Kaarawan niya ina'y"

Nga-nga ang kaniyang ama sa sinabi, pati nadin ang ina nito na para bang nakakita sila ng multo dahil sa pagkaputla nilat pagka nga-nga

Hindi na naiwasan ng dalagang magtanong tungkol doon, kung bakit ayaw nila kay Sandy e wala naman ginagawa ang tao sa kanila?

"Inay ano ba talaga ang problema ninyo kay Sandy?"

"Wala kaming problema anak, nagulat lang kami na nagawa mopang makisurprisa habang noong kaarawan mo hindi manlang nila na isip na surprisahin ka" sagot ng ama nito at umiling iling

Nakaramdam si Shane ng pag-iisa sa mga oras nayun, matagal na panahon na mula ng sinuprisa siya ng mga kaibigan nito, minsan nga nalilimutan nilang kaarawan pala ng kaibigan nila

Nakapag isip-isip din siya, ano namang paki nila sa kaarawan nito?, hindi naman sila ang tagapag surprisa niya ang mahalaga sa kaniya ay makasama yung mga taong pinapahalagahan niya

"Matulog kana muna nakikita kung pagod ka" ani ng ina nito

Nakaramdam nadin siya ng pagka-antok dahil sa sobrang pagod, tahimik na tinahak niya ang kwarto nito at ibinagsak ng kusa ang katawan sa malambot na kama

Habang nakahiga, hindi niya maiwasang mapa isip kung bakit nga ba ayaw ng magulang niya si Sandy?, anong rason?

Sa pagkaka-alam niya hindi pa naman nakaka punta si Sandy dito pati nadin ang barkadahan niya, baka naman  iyon ang rason baka ayaw ng mga magulang niya? O baka naman may iba pang rason?

Pero kung ganun nga ano namang konek dun para kamuhian nila ang kaibigan?, posible kayang may nagawang kasalanan ang kaibigan niya na hindi niya alam?

"Ahhhh! Talagang maluluka nako kaka isip ng mga bagay-bagay!" Wika nito sa kawalan at umayos sa pagkaka higa

Kinuha niya ang kaniyang Cellphone katapat ng drawer niya at nagpa musika ng paborito nitong musika

'Let's kill this love
Yeah! Yeah! Yeah!
*intrument*
Rampapampapampapampapam!
Let's kill this love
*instrument*
Rampapampapampapam!'

Habang nakikinig ang dalaga at nakiki sabay na sa tugtog ng musika, unti-unti na siyang sinakop ng kadiliman

--

Nagising ang dalaga sa isang hindi pamilyar na kwarto, agad siyang bumangon doon at pinihit ang door knob

Hindi niya alam kung nasan ba siya paano siya nakarating dito?, ng tuluyan ng bumukas ang pinto kitang-kita na niya ang madilim na kabou-an ng bahay

Hide And Seek[Tagu-Taguan](Completed)Where stories live. Discover now