Chapter Five

0 0 0
                                    

[Note: Continued po ito kanina medyo mahaba haba ang awayan time nila and sorry for interrupting A?, and nga pala guess who?... sino ba yung taong may binabalak na masama?, comment down if may nadudahan na kayo KAMSA!💙]

5:00 PM

NASAKTAN ng lalo ang dalaga, hindi niya alam na pagpapanggap lang pala ang lahat, kaya pala bigla nalang itong nagbago ng nakaraang araw.

Lahat pala ng mga katagang binitawan ng binata O pinaramdam sa kaniya ay peke, kasing level na niya ang china!

"Kahit kailan hindi ko sineseryuso ang lahat!, alam moba kung bakit? Kasi hindi ka naman kamahal-mahal, mahal ko si Chimmy at wag mo siyang pagsalitaan ng masasakit na salita lalo na't wala kang ebidinsiya na ganun nga siyang tao!... alam moba Sandy lahat ng yun pampanakit butas lang!" Patuloy nito kaya tumulo na ng kusa ang kaniyang mga luha at tumigil na siya sa kaka pitlag

Sobrang sakit, masakit yung akala mo mahal ka ng taong mahal mo... hindi niya alam na ganun pala ang turing sa kaniya ng mahal niya habang siya turing niya dito ay isang prinsipe

"Sandy pasensiya na kung nagawa ko yun--" hindi na natuloy ng binata ang sasabihin ng sinugod siya ng matalik nitong kaibigan

"Gago ka paka e! Sa dinami-dami ng babaeng pwede mong paglaruan, kaibigan pa talaga natin?, anong utak meron kaba?!"  Galit na sigaw ni Lance sa kaibigan

BAHAGYANG nalimutan ng binata na kaibigan niya ang taong nakabulagta sa lupa dahil sa kaniyang kagagawan, sa dinami-daming babae sa mundo bakit ang babaeng gusto niya pa ang pinag laruan nito

Akmang susuntukin na sana niya ang binata ng pigilan na siya ng iilan nitong mga kasamahan

"What kind of friend are you Carlo! Grabi ka Carlo! I don't consider you as my Friend anymore!" Pagtatanggol ni Yvette sa matalik nitong kaibigan

"Tumahimik nanga kayo! Please wag na kayong mag-away away alam niyo bang hindi lang kayo ang nahihirapan at nasasaktan?! Pati din kami isipin nyo nga din kami!" Hagulhol na awat ni Ria

GANUN din ang reaksiyon ni Shane, ang bilis ng pangyayari kay kanina lang nagkabati sila ni Lenie tapos ngayon nag-away na naman ang groupo nila

Hindi panga nagka ayos ang problema sa pagitan nila. Dave,Ria at Brenda tapos ito na naman panibagong problema na naman

"Sana yun din ang naisip mo Ria nung time na sinagot mo si Dave na hindi lang ikaw ang masasaktan kundi pati kami!" Sagot ni Brenda dito

HINDI padin malimutan ni Brenda ang sakit, nandun padin yun sa puso niya nandun padin sa puso niya ang masasayang alaalalang nagawa ng kasintahan niya noon

"Bitawan nyo nga ako pwede ba! Makatarungan lang naman talagang bugbugin ang gagong yan!" Nanggagalaiting nagpipitlag ang binata

KINAIN na ng sobrang galit ang binata, nakita niyang tumayo na ang matalik nitong kaibigan at pinunasan ang dugong lumabas sa kaniyang dugo, kumulo ang dugo niya ng lapitan siya ni Sandy pero itinakwil iyon ni Lance

"Walang hiya ka Carlo!" sigaw ng ni Yvette at sinampal ang gagong lalaki!

AGAD na ni rescue ng dalaga ang kasintahan nito na pinagtutulungan ng mga kaibigan

"Stop it!, hindi lang naman kayo ang nasasakta at nahihirapan like Ria said kami din, alam nyo ba kung gaano ka sakit na itago sa inyo ang relasyon namin?..." huminto muna siya saglit para punasan ang mga luhang nagsilabasan sa kaniyang mga mata "Dahil alam kung may mag s-selos at magagalit gusto ko sanang itago pa ito para hindi tayo magkagulo pero nararamdaman kung ganun padin naman ang mangyayari mas mabuti ng mangyari na kisa sa mangyayari pa" humagulhol nasa pagkaka iyak ang dalaga

Hide And Seek[Tagu-Taguan](Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon