"Let's go?" he asked as he placed his backpack on his shoulder.

Sabay kaming naglakad papunta sa malapit na mall. May coffee shop reserve kasi doon na masarap pag-aralan dahil tahimik.

While walking, I yawned. I tried to stifle it, pero inaantok na talaga ako.

"Are you sleepy already?" he asked.

"Yeah... but I still need to review," I replied. Kapag kasi natulog ako, sure ako na bukas na iyong gising ko kahit mag-alarm pa ako ng bente. And maaga iyong pasok ko bukas kaya kailangang makapagsimula na ako ngayon.

Habang naglalakad kami ay pansin ko na napapatingin iyong ibang babae dito sa kasama ko. Sobrang curious ako kung ano ba ang meron kay Sean para mapa-tingin sila. I mean, sure he's really handsome and he's rich... but we're in fucking Brent! Daming kapareho niya kaya! Sa classroom ko pa lang ang dami-dami na.

Thankfully, naka-rating na rin kami sa coffee shop.

"Dun ka," I said, placing my bag on the empty chair in front of me. Doon ako kasi naupo sa pangdalawahan lang. His lips parted in surprise. I arched my brow. "I told you, magrereview ako," I continued, smiling briefly at him before I made my way to order. The barista even greeted me dahil madalas ako rito. Tahimik kasi kaya nakakapag-aral ako nang mabuti.

After placing an order, bumalik na ako sa pwesto ko—doon talaga ako sa pwesto na hindi ko makikita ang mukha ni Sean dahil madidistract lang ako. Nilabas ko na iyong bookstand ko and pen capsule. Civrev pa naman iyong class ko bukas. Mamamatay ako kapag hindi ako nag-aral.

Kumunot ang noo ko nang biglang may kape sa harapan ko. I looked up and saw Sean handing it to me.

"They already called your name twice," he said.

"Oh... sorry," I said, biting my lower lip. "What's this?" I asked when he placed a flat bread in front of me. Wala naman akong ganitong order. Kape lang iyong binili ko.

"Your dinner," he replied.

"No, I'm okay—"

"You haven't eaten since I last saw you," he said. "If you're not hungry, just keep it for later," he continued, flashing another one of that smile before he headed back to his place.

I pursed my lips.

Dapat last year ko pa siya nakita, e! Busy talaga ako ngayon kaya wala talaga akong magagawa kung hindi ang mag-aral! Ayoko namang ma-delay dahil sa kanya.

Bahala siya d'yan.

I drank my coffee and focused on reviewing again. I was so focused na kinailangan pa akong kalabitin nung barista para iremind na magsasara na sila in a few minutes. Hanggang 12mn nga lang pala 'tong coffee shop. I wished they'd be open all day para mas okay.

Nang matapos akong mag-ayos ng gamit, lalabas na sana ako nang mapa-hinto ako dahil nasa harapan ko na naman si Sean.

I smiled apologetically. "Sorry. Scatter brain," I said. Nawala na naman sa isip ko na kasama ko siya dahil iniisip ko iyong recit namin bukas at nase-stress na agad ako dahil baka maka-limang rounds kami. Last recit namin, akala ko mamamatay na ako sa sobrang stress dahil wala na akong masagot pero nagtatanong pa rin si Atty!

"It's okay," he said, smiling.

"Sorry, I'm not a fun company," I told him. "I'm really busy since I'm graduating."

I needed to be blunt about this. Wala sa priority ko ang lumandi. Mag-aaral ako. Siguro occasionally mangyayari iyong nangyari sa amin before, but that's it. Wala akong time makipagdate o makipag get to know him dahil wala iyon sa list of things to do ko.

Reclaim The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now