Chapter 02

390K 14K 7.5K
                                    

#RTG02 Chapter 02

I felt so drained nang matapos iyong review class namin. Naka-upo lang naman kami roon, pero feeling ko talaga binugbog ako. Laging ganoon ang pakiramdam ko sa school—hindi lang ako mentally drained, kasama iyong physical at emotional. Ubos na ubos na ko.

"Sob, you wanna go with us?" Yari asked me.

I shook my head. "Pass, sorry," I replied.

"Okay... but come with us on Friday, okay?" she said and then kissed my cheeks bago sila lumabas. They're nice to me because sisters kami sa sorority... but to other people? Hindi masyado. Lalo na at parang may silent competition iyong mga babae kong blockmates sa lahat ng bagay—sa mga bago nilang bags, cars, travels, pati sa mga lalaki nila. Ako lang iyong hindi nila kaaway dahil kahit naman gustuhin ko, 'di ko kayang sumabay sa kanila...

And it's not as if may energy pa ako.

24 pa lang ako pero feeling ko lola na ako sa pagod ko.

Paglabas ko sa room, diretso akong naglalakad at tinatamad na maglakad papunta sa sasakyan ko dahil wala ako sa mood magdrive pauwi. Inaantok na talaga ako. Maybe I'd get a coffee first. Ayoko namang maaksidente.

"Isobel."

Natigilan ako nang may tumawag sa pangalan ko. My lips automatically parted when I saw Sean standing right in front of me... He wasn't wearing his med uniform anymore, but he still looked magnificent.

Seriously?

Bakit ang gwapo ng lalaking 'to?

O baka biased lang ako dahil med student siya?

"Hey," I said with an uneasy smile. I totally forgot about the dinner! Sobrang dami kasing review for remedial kaya nawala na talaga sa isip ko.

"Still up for the dinner?" he asked.

I bit my lower lip. "About that..." I trailed. I looked at him and he's really cute! But motto ko talaga is title bago titi. Kung marupok akong tao, matagal na akong lumandi sa Brent dahil napapalibutan talaga ako ng mga gwapo dito. Buti na lang firm ako sa desisyon ko na ayokong maging involved sa law students o lawyer dahil sakit sila sa ulo.

"I have a quiz tomorrow and I still need to review," I honestly told him. Ito na nga ang sinasabi nila na bawal ibahin ang relationship status kapag nasa 4thyear ka na kasi wala ng time sa mga ganitong bagay. Kung single, single. Kung in a relationship, 'wag makipagbreak. Hassle magdrama ngayon sa dami ng ginagawa namin.

Sean nodded.

Sayang naman... Gwapo na sana, e. Pero firm believer ako na maraming gwapo sa mundo at hindi ako mauubusan. Mas kailangan kong maging lawyer. Apat na taon na akong naiistress sa school na 'to at mas kailangan kong maka-graduate.

"We can go to a coffee shop and review," he said, shrugging. His hands were inside his pockets. I gave his face a quick review again—He's so... This is unfair.

"Really? Because I really need to review," I replied.

He nodded. "Yeah. My books are in my car."

My face heated at the mention of his car. Oh, that car... I had such fond memories...

Tumango na lang ako sa kanya. I didn't want to seem too excited na makasama siya, although excited naman talaga ako... Mas gusto ko nga lang magreview talaga and medyo hindi ko gusto na kasama siyang mag-aral dahil feeling ko madidistract lang ako kapag katabi ko siya dahil lagi akong mapapa-tingin sa kanya.

"Fine," I said, giving in.

Sean offered to carry my books, but I shook my head since kaya ko namang buhatin 'yun. We walked to his car, his black BMW, and got his books. May kinuha siyang isang malaking backpack. Mukhang mag-aaral nga kami ngayon, ah.

Reclaim The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now