Part 13

499 12 5
                                    

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAH! BAKIT KA NANDITO? KYAAAAAH!!!!"

"ANO BA KA AGA AGA!" sagot nya nakatabi kasi sakin sa kama eh

"IKAW FAMOUS KAAAA! UMALIS KAAAA! ANONG GINAWA MO SAKIN HA?!!"

"Ang sarap mo pala! *wink*"

WHAT??! MASARAP AKO?????!

"HAYOOOOOP KAAAA! PAPATAYIN KITAAAAAAAA!!!" At pinagbabato ko siya ng kung ano mang madampot ko. Unan, kumot, hair brush, notebook, book, tsinelas at kung ano ano pa! HUHUHU ANG DIGNIDAD KOOOO!!

"GEORGIAAA!"

at

at

O.O

Makee???

Biglang pumasok si Makee sa kwarto ko...

"Anong nangyare Georgia?? Rinig na rinig kita sa labas kaya tumuloy na akong pumasok dito" tanong ni Makee

Lumapit ako kay Makee at niyakap ko siya...

"Makee yang famous na yan *sniff* minolestya ako! *sniff* pinagsamantalahan ako T.T" nangingiyak kong sumbong kay Makee

"ANAK NG TOKWA! Kapal mo! Hinding hindi kita pagnanasahan no! Kahit maghubad ka pa sa harap ko walang epekto wala parin akong mararamdamang pagnanasa sayo! Arte mo naniwala ka naman! Nandito ako dahil pinababantayan ka sakin nyang tropa ko!" at napatingin naman ako kay Makee na *totoo ba yun look* at tumango siya... Shit.

Nagwalkout na tong si Greg pagkatapos niyang sumigaw.. ay este magpaliwanag.. Nakakahiya yung ginawa ko ang OA

"Wag kang mag-alala pinabantayan kita sa kanya dahil alam kong safe ka sakanya" sabi ni makee

"Bakit mo ba ako pinabantayan pa?" tanong ko

"Tumawag sakin kagabi yan, inaapoy ka daw ng lagnat kaya nakiusap ako na bantayan ka muna dahil di ako makaalis" paliwanag ni Makee

Nilagnat ako? Tumingin tuloy ako sa paligid ng kwarto ko at ayun may icebag, may thermometer at basin pa. Oh shet nakakahiya yung ginawa ko sakanya. Wala kasi akong maalala na kagabi eh-___-

"Oh wag ka muna pumasok ha. Magpahinga ka muna at ipapa-excuse muna kita sa mga prof mo okay?"

Tumango na lang ako dahil masakit pa nga ulo ko eh. Haaaay. Kailangan kong mag-apologize sa famous na yun pero... Hayaan na nga wag na lang pala hahahahahaha.

******

Greg's POV

"Hello pre ano na?"

"Wag na kayong tumuloy dito delikado maulan madulas daan baka mahulog kayo sa bangin delikado na"

Kausap ko tong tropa kong si Makee. Kung hindi lang ako mabait at kung hindi ko lang to kaibigan mabubugbog ko na to. Kanina pa ko inuutus-utusan eh gawin daw akong driver nung babaeng nakakairita na yon! Aish.

"Sige pre uwi ko na lang to"

"Sige salamat pre ha sensya sa abala" at kinut ko na conversation namin di ako sanay na may kausap na matagal sa phone na kapwa ko lalaki.

At itong babae na nakakairita na to nakatingin sa akin at naghihintay ng balita tungkol sa tropa ko. Eto hirap sa mga babae eh pakipot pa gusto naman aish. Buti na lang si Claire ko hindi pakipot hahaha ang bading ko!

"Di na daw tuloy delikado na raw sa daan hatid na kita sainyo" matapos nya marinig na 'di na daw tuloy' yung mukha nya kita mong nalungkot na nanghinayang hahaha! Ang pangit nakakainis! HAHAHA

My Famous BoyfriendWhere stories live. Discover now