Part 8

729 7 5
                                    

Ano ba itong gulong napasok ko? Hindi mali, ano bang gulong binigay sa akin ng tatlong famous na yon? Huhuhu

Kinabukasan.

Pag-pasok ko sa school. Syempre mga mata ng tao ngayon sa akin nakatingin parang may ginawa akong masama. Yung tipong hindi na ako makakaabot sa room ko ng buhay. JUICE COLORED! T.T Magdodrop na talaga ako mamaya, pupunta na ako ng dean's offfice!

"Georgiaaaa!"

May tumatawag mula sa likod ko. Jusko sinigaw pa yung pangalan ko lalo na akong makikilala ng mga tao ngayon dito T.T

Nilingon ko kung sino yung pesteng tumawag sa akin, at si Makee pala -______- lalo kong binilisan lakad ko ayokong maabutan niya ako. Lalo lang kami pagchichismisan ng tao. T.T

"Georgiaaaa! Teka lang!" Sigaw ulit niya naramdaman ko ng malapit na siya sa akin kaya naman

1

2

3....

TAKBOOOOOOO!

at tumakbo na ako ng sobrang bilis! Wala na akong pakielam kung ano na itsura ko ngayon basta wag lang niya ako maabutan! Ayoko machismis!!! Paglingon ko sa kanya, malapit nanaman na siya sa akin dahil tumakbo na din siya!!! My God! -______-

Takbo ako ng takbo, hindi muna ako pumunta sa building namin at pagchichismisan din ako ng mga kaklase ko pag nagkataon. Grabe pagod na pagod na ako halos naikot ko na yung buong campus!

Pumasok ako sa building ng architecture dahil wala gaanong tao dun sa parang eskinita. Huminto ako dun para mag pahinga, grabe ang dami kong hingal! Hingal kabayo na ako (Hingal Kabayo = sobra sobra yung hingal) Sumilip ako kung nasundan ako ni Makee pero parang hindi naman na. Haaaaay. Napatingin ako sa wrist watch ko at 8:15am na. Late na ako T.T Makapasok na nga!

Aalis na sana ako at pupunta na sa room ko, kaso biglang may nagsalita

"Ano kaya nagustuhan sayo ni Makee no?"

Tumindig yung balahibo ko (Tumindig = tumayo) dahil nagulat ako..

At mas nagulat ako dahil si Greg yung nagsalita, yung si Mr. Famous na feeling gwapo! Grrr.

"Eh ano din nagustuhan sayo ni Claire?" binalik ko sa kanya yung tanong nya hmp kala nya ah!

"Tinatanong paba yan? *smirk*" sabi niya at nag pogi sign pa siya like euw

"Oo tinatanong pa dapat, di ko kasi masyadong makita kung bakit eh" hahaha nice one Georgia!

"Lintek tong babae na to! Eh bakit ikaw? Hindi ka naman maganda at ang liit pa ng boobs mo oh! Pero nagustuhan ka ng tropa ko" sabi niya

napakawalang hiya! boobs ba ang lagayan nila? -_____-

"Bastos! Oo hindi ako maganda at maliit lang boobs ko at least aminado ako, eh ikaw hindi ka naman gwapo pero feeling gwapo!"

"Hindi ako gwapo? Hindi ako naniniwala dyan dahil bakit madaming nagkakandarapang babae saakin? HAHAHA"

"Baka malabo mata nila at ako lang ang malinaw?"

"Blah blah blah. Dami mong alam!"

My Famous BoyfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat