Part 4

1K 10 1
                                    

"Talaga? Malapit lang ako dyan sa apartment na sinasabi mo"

"Ahh haha kaya pala"

"May sasabihin nga pala ako"

"Ano yun?"

"Alam mo ba ang cute cute mo hahaha. Ang baduy ko!"

"Salamat hahaha"

"Kaya nga di ko ineexpect na ibibigay mo yung number mo, thanks nga pala ha"

OMG. Kausap ko si cutie boy sa phone. And yes I'm a loser, binigay ko yung number ko. Kasi naman yung pakulo nya ayun tuloy pinagpyestahan kami ng students at sumisigaw pa sila na "ibibigay na yan" 1000 times ata yun ang sinasabi kaya naman napapayag akong ibigay.

Kanina ko pa siya kausap kaninang pagkauwi ko kausap ko na siya. Ang daldal nya sobra nagkwento lang siya ng nagkwento. Tapos malapit lang pala bahay nila dito sa apartment ko kaya naman pala lagi kaming nagkakasalubong. Hahaha. Ang saya naman ^^

"May gagawin ka ba ngayong gabi? Georgia?"

"Wala naman bakit?"

"Eh nagdinner ka na ba?"

"Hindi pa bakit?"

"Tara kain tayo sa mcdo treat ko nagugutom na ako ehhhh"

"Bakit wala ba kayong pagkain?"

"Wala eh. Sad nu? Tara na sunduin kita dyan ha! bye! otw na ako!"

at.. at.. binabaan na nya ako. Hindi man lang inantay yung sagot ko?? Haaay. Mapapasama pa tuloy ako ng di-oras... Sana safe ako na kasama ko siya kakakilala ko lang sa kanya e. Hindi kasi lahat ng pogi safe ng kasama... T .T

Nagmadali na akong magbihis... Nagshort na lang ako na hanggang tuhod tapos plain shirt and beenie. Okay na to kakain lang naman ako, sa mcdo lang naman eh.

After 15mins nandito na siya para sunduin ako.

"Hi cutiee! ^^" sabi ni Makee

"Ahe Hi ^^"

"Ano tara na??"

"Saan ba may mcdo dito?"

"Doon sa kanto lang malapit sa school"

Woah! May dala pala siyang motor. At back ride ako. Cool!! Hahaha nahihiya akong humawak sa bewang niya pero pinahahawak niya ako dahil baka daw mahulog ako e maging kasalanan pa daw niya. Hihihi okay I'm starting to blush.

*****

McDonalds

Pumasok na kami sa loob..

"Uy pre!" bati ni Makee sa lalaking naka eyeglass pero pogi din ah. not bad.

"Uy tagal mo naman! At woah pre may kasama ka pang chicks!"

Eh? So....

"Ay hindi ko ba nasabi na may kasama tayo?" umiling lang ako

"Oppss sorry. Okay he is Cal tropa ko taga William's din siya"

"Ahh Hi! ^^ I'm Georgia"

"Wow beautiful name bagay sayo ^^" sabi ni Cal

"Oyoyoy! Flirt alert ka nanaman!" sabi ni Makee

Umorder na kami ng kakainin... at dahil libre daw nila ako dapat lubusin huwag tatanggi sa biyaya diba :)

Monster float, 1pc chicken, cheese burger, large fries and mcflurry overload lang naman inorder ko. Hahahahahaha sorry gutom ako eh :(

"Hindi mo naman sinabi pre na hindi pala babae tong kasama mo! Hahaha" sabi ni Cal

At kumain na kami. Cool din pala tong si Cal eh madaldal din siya haha pareho silang 2nd year na pero si Cal HRM ang course niya hilig daw nya kasi magluto.... Nakwento din nila na tatlo si lang magtropa yung isa si Greg daw Accountancy ang course. Napa-woah nga ako eh dahil gusto ko yung course na yun kaso hindi ko naipasa eh kaya nagfinancial management na lang ako...

parang narinig ko na yung name na Greg? saan o kanino ko nga ba narinig yun?

"Hudas na Greg yun pre hindi daw makakapunta kasama daw niya si Claire"

"Yan talaga hirap pag may gf eh hahaha!" Makee

"So wala kayong girlfriend?" bigla kong tanong hindi ko nga alam bakit ko naitanong yun eh

"Wala pero kung willing kang mag volunteer maging gf ko. Okay payag na ako!" sabi ni Cal

At binatukan siya ni Makee, ang loko kasi ni Cal eh. Pero yung pagiging loko niya hindi nakakainis matutuwa ka pa hahaha ^^

Nabanggit nila yung Claire gf daw ni Greg yun.. well hindi ako interesado kasi hindi ko siya/sila kilala sorry..

Natapos na kaming kumain at magkwentuhan kaya uuwi na kami hahaha

hinatid na ulit ako ni Makee sa apartment...

"Uyy thanks ha at pumayag ka ^^"

"Wala yun thanks din sa pag-libre ^___^"

"Grabe ka pala no? Sobrang takaw hahaha"

:3

"Hahaha sige pahinga kana.. pasok ka na"

"Sige thanks ulit ingat ^^"

at papasok na sana ako sa loob biglang may nagtext sa phone ko

From: Makee

Goodnight takaw.. Thanks ulit :)

at nilingon ko ulit siya... at ngumiti siya sa akin at pinaandar na niya motor nya at umalis...

ang sweet nya...

ang sweet...

parang kinikilig ata ako?

OMG. KINIKILIG PO AKO! THANKYOU LORD! He made my day. 20% na yung pag-kacrush ko sa kanya. Hihihi 0^___^0

****

Sorry kung maiksi! Biglaang update lang dahil nakakatuwa 1.1k reads na eh ^^

thankyou!

Comment and vote para next Chapter mahaba magawa ko ^^

Godbless!

carlotaannalota ✌

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon