Part 16

154 5 0
                                    

Oh ano to?!" reklamo ng famous!
Dahil tinuturuan nya ako sa algebra, ilibre ko daw sya ng lunch buong week! Huhuhu wala lag talaga akong choice eh!

"Lunch mo" tipid kong salita habang inaabot yung lunch box sa kanya

Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil napasigaw siya at nakitang inaabutan ko sya ng pang lunch niya. Skandalosong famous hinihinaan ko na nga boses ko eh!

"Joker ka ba? Yan papakain mo sa akin?" reklamo pa nya
Haayy Georgia konting timpi lang... konting tiis... kundi nako! Makakasapak ako ng de-oras!

"Oo niluto ko pa yan" sagot ko ng mahina

Binuksan nya yung lalagyan at...

"ANO TO?! HAHAHAHAHAAHHAHAHA" napasigaw siya at napatawa ng malakas!

>.< oo alam ko sunog yung hotdog eh, di ko matansa yung lakas ng apoy sa gas stove eh :"(

Pero dahil sa ginawa niya lalo lang kaming pinagtinginan ng mga tao, hmmm pero parang mas ako yung pinagtinginan ng mga tao kasi madalas naman na siyang tinitignan ng tao dahil sa popularity niya dito sa school..

*diba siya yung girlfriend ni makee?*
*Wala lang si make kinekerengkeng na si papa Greg*
*Ano yun? Binibigyan pa nya ng baon si Greg? As if naman kukunin ni greg yan ang cheap ah!*

Yan ang bulong bulungan ng mga tao... Hayyyy... Aalis na ako pero...

"Tara" at hinila niya ang braso ko..

Ano problema neto? Pinagtitripan ba niya ako? Anak ng hotdog to oh!

"Teka nga saan mo ba ako dadalin?" tanong ko

"Sikretong malupet!" at patuloy niya akong hinila, no, hindi lang hinila kinaladkad!

Ang tagal tagal naming naglakad... Hello mayaman ka diba? Bakit di mo ginamit yung wheels mo ang sakit sakit na ng paa ko pati braso ko kaka-kaladkad mo sa akin! Hmp I really really hate you Mr. Famous! Susumbong kita kay Makee pagbalik niya!

After fifteen minutes yata yung paglalakad namin, huminto na din siya sa wakas!

"Hmm siguro naman dito kaya mo akong ilibre? Masarp sisig dito eh" at nasa tapat kami ng isang sizzlingan.

"Oh bakit? Binigyan na kita ng baon tapos ililibre pa kita???" Aba sumosobra na yata siya ah

"Sa tingin mo makakain ko yang hotdog mo? Baka nga aso di makain yan eh" huhuhu sobra na siya oo na di na ako sanay magluto! Hmp!!!

At pumasok na din kami sa loob... Air-conditioned tong kainan mahal yata dito. Baka mamulubi pa ako...

"Ay miss isang sizzling sisig with egg at isang in-can na softdrinks... Ikaw ano order mo?"

Eh? Ako? Tinignan ko kung magkano yung order niya at! 150 lahat lahat :'( Nagtitipid ako ng allowance eh.
"Ako? Hmm wala."
Yung itsura niya nagtataka..

"Akin na yung baunan ko, yan na lang kakainin ko. Nakakahiya eh yung allowance ko sayo lang mapupunta"

Di naman kasi kami ganon ka yaman eh, nagtitipid din ako ng allowance para may pamasahe pauwi at pagkain sa apartment. Okay lang siguro kung sa bahay ko mismo ako nakatira kahit ano pa gusto niya bibilin ko eh, kaso hindi.

"Bakit? Binigay mo sa akin to eh."

FINE! DI NA LANG AKO KAKAIN HAAAAAYS!

"Miss isa pang order ng sizzling sisig with egg at in-can softdrinks" order pa niya sa waitress

"Oyyy! Ay hindi-"

"Order ko yun miss kaya go na!" utos pa niya

Ibinaling niya yung tingin niya sa akin..
"Don't worry Ms.Kuripot, libre ko kahiya naman sa kung sa akin lang mapupunta allowance mo diba?" at inirapan ko lang siya sa kayabangan niya.

My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon