Part 1

2.1K 16 2
                                    

"Ayoko pa bessy T.T"

"Ano kaba! Kumilos ka na nga dyan"

"Bessy naman eh, di ko kaya na wala ka T.T"

"O.A mo Georgia! Ginusto mo dyan mag-aral eh"

"Ehhh kasi naman eh, magdrop na kaya agad ako tapos dyan nalang ako?? T.T"

"Baka pumayag parents mo? Text mo na lang ako pag may problema. I have to go byeee!"

binabaan na ako ng phone...

First day of class... First day being college. Hindi ko kayaaaa! :'((((

Bakit kasi dito pa ako nag-aral eh! Mag-isa tuloy ako dito :'(( Nag-apartment kasi ako masyadong malayo yung bago kong school sa bahay namin eh. :'( God mababaliw na ako dito!!

****

First Year College na ako at first day of school ngayon. Sana makaya ko ayoko kasi ng strangers eh. Kaya yung iba nasasabihan ako na suplada huhu. Sana mababait classmates ko para madaling pakisamahan T.T

"Excuse me, where's the management building?" sabi ko sa information center ng William's College

"Ah nakita mo yung building na yan sa likod non, may nakasulat naman na management building kaya makikita mo din agad :))"

"Ahh thankyou po"

agad ko na pinuntahan yung building malilate na ako sa class ko. Malaki itong school ko kaya tinakbo ko na papunta sa building ..

Room 102.... 103... 104...5...6...107!!

At pumasok na ako sa room.

dugdug..dugdug...

kinakabahan ako bigla nahihiya tuloy ako -////-

Umupo ako sa vancant na upuan. OA na ba ako? Diba ganito naman lagi pag first day? O ako lang ganito? Haaaay. Okay kalma na.. *inhaleeee*exhaaaaleee*

"Okay good morning class!" sabi ng professor nang dumating

"Morning"

"Okay I would like to introduce myself, My name is Miss. Carmen Dionisio your accounting professor"

first class ko accounting? okay goodluck.

"Since first day palang naman hindi muna tayo maglelesson."

"Yessss!" sigaw ng mga blockmates ko

"Oppps pero magpapakilala muna kayo sa harap ng class isa-isa"

at eto ang ayoko sa lahat introducing yourself sa harap ng class..

nag-uumipisa na sila..

"Hi my name is Anna Marie Nicolas ✌" cute cute nya hihi nag-peace sign pa sya

"Ako si Daryl Mark Evangelista." cute nya din hahaha!

lahat ata ng classmates ko cute eh. Pero sana makasundo ko sila :)))

ako na pala next na magpapakilala..

"Hi^_____^^ My name is Georgia Ada Perello ✌"

yes my name is Georgia Ada Perello, 16. Pure pilipina, yung eyes ko mukhang doll daw, maliit lang ako (saaaad), mahaba hair ko tapos naka full bangs ako. Hihi.

Kanina yung kausap ko sa phone bessy ko yon as in bestfriend sya si Cloe, classmates kame mula 1styear highschool hanggang fourthyear kaya kami naging magbessy. Etong nagcollege na kami nagkahiwalay na kami :'( Kasi gusto ko dito mag-aral sa William's college dito kasi nagtapos sila mommy at daddy kaya gusto ko dito din. Financial Management ang tinetake kong course. Nag-aapartment ako malapit lang dito sa school kasi sobrang layo kapag nag-uwian ako.

Ayan ang kwento ng buhay ko.

****

"Hi Georgia! ^_____^" may lumapit sa akin na babae at si Anna pala yun

"Ah Hi Anna ^____^"

"May kasabay ka na mamyang break?" tanong nya saakin

"Wala pa nga eh :3" I pout

"Kyaah ang cute cute mo Georgia! Sabay na tayo okay lang? :)"

"Hihihi sige!!! ^__^"

yehey my friend na ako ✌

****

break na at kasama ko si Anna 2hours vacant namin. kaya nag-ikot-ikot muna kami dito sa campus.

"Alam no Georgia ang cute cute mo hihihi" Anna

"Sus. Haha salamat. Ikaw din kaya para kang bata hihihi"

"Nagbolahan na tayoo! Haha. Alam mo ba may daw cute dito sa school!" Chika ni Anna

"Ah talaga?"

"Oo. Grupo sila eh. Lahat gwapo! Kaso second year na sila. Kyaah sana makita ko sila!"

"Grupo like f4 mga ganon? Mga famous?"

"Oo parang F4 pero tatlo lang sila. Famous ba? Sobra! Sila daw yung famous sa mga famous dito!! <3" kilig na sabi nya

famous? sus bading yan!

"Ahh.. OA naman non saan mo naman nakuha yang chismis na yan?"

"Sa pinsan ko kyaaah kaklase nya daw yung isa dun eh. Yieee"

"Ahh." yan na lang naisagot ko

hindi kasi ako interesado sa pinagsasabi nya eh. Hindi ako interesado sa sinasabi nyang famous.. Tsss..

Famous? Yuck! Sana hindi ko makita yang famous na yon. Najijirits ako pag nakakakita ng ganon tsss ... (Najijirits=Naiinis)

*****

carlotaannalota

comment and vote ^____^

My Famous BoyfriendWhere stories live. Discover now