Chapter 20 Sweet Escape

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ang init ng helmet!” reklamo ni Fred.

 “Ang inet nitong power rangers outfit.” Reklamo din ni Wency.

“Eh sino naman kasing nakaisip niyan?” tanong ko.

“Si Jaymee!”

Umalis si Alex at si Fred, samantalang nagsayaw naman sa dancefloor sina Jaymee at Deo. Nakalimutan kong tanungin si Jaymee tungkol kay Portia, pupunta ba siya ngayon?

“Pare, ang ganda talaga ni Sandra noh?” sabi ni Wency.

Tumingin kami kay Sandra habang nakikipag-usap sa isang babae at nakacostume siya ng diwata.

“Alam mo bang may gusto sayo yan!” sabi niya. “Pahiram nga ng mukha mo nang madiskartehan na yan!”

“Lakad kita pare.”

“Wag na! Magugustuhan ba ako niyan!”

“Bakit hindi?”

“Wag na pare!” iniwan niya akong mag-isang nakatayo habang tinatanaw ko ang entrance ng gym pero walang kaluluwa ni Portia ang nagpadaramdam.

Lumapit sa akin ang diwatang si Sandra.

“Mr. Potter, sayaw naman tayo!” yaya niya.

Nagsayaw kami ni Sandra, pinagbigyan ko na dahil kawawa naman.

“Sandra, hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend?”  tanong ko sa kanya.

“Bakit mo tinatanong?.. Wala, for the past few years, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko.”

“Oh come on!”

Natawa lang siya.

“May irereto ako sayo, si Wency, may lihim na pagtingin kasi yan sayo! Why don’t you let go of yourself and mingle since you’re single? Maraming nagkakagusto sayo pero hindi mo sila pinapansin kasi sakin mo binibigay ang atensyon mo!”

“Kaya nga kapag hindi ako nakapagasawa ikaw ang may kasalanan!”

“Bakit ako?”

“Kasi nagpapapansin na ako’t lahat lahat, hindi mo pa rin ako napapansin!”

“We are better off as friends.”

“Yah! Mas bagay nga tayo as friends!” tumigil siya sa pagsasayaw. “Sige, Con, magC-CR lang muna ako.”

Tumalikod siya at iniwan ako.

Hinahanap ko si Portia sa buong gym, malay ko ba, baka nakcostume siya. Hindi ko makausap sila Dominic at Jaymee dahil sa lakas ng music at napapaligiran ako ng mga aswang.

Lumabas ako ng gym dahil hindi ko makayanan ang sikip at lakas ng music. Paglabas ko, nakita ko si Portia sa may gilid na mag-isang nakaupo. Nakacostume siya as Wednesday Adam.

“Hi Wednesday!”

Siguro dahil sa costume, nadala siya ng emosyon at tinitigan niya ako ng masama.

Wednesday Adam is known as a cold hearted at hindi palangiti na babae. Baka, it’s part of the character.

Tumayo siya at hindi nagsalitang tumalikod at lumakad palayo, I chased her.

Ano na naman ang pinoproblema niya? Kahapon, may kiss pang nalalaman tapos ngayon tinitigan ako ng masama at magwo-walk out? Katok talaga toh!

“Hoy! Babae!... Ano na naman ang drama mo?”

Naglalakad siya habang nakasunod lang ako sa likod.

“Gusto ko ng umuwi! Wag mo akong sundan!”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon