SPECIAL CHAPTER 2: "Family Dinner"

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinignan naman n'ya ulit ako. Tingin ko, ang meaning ng tingin na 'yon ay,

''Wag kang masyadong magpa-cute.'

Ooh.. Sai, ha? 'Wag mo akong pagnasaan dito. Madali akong bumigay.

"May problema ba, Liryu?"

Sa pangalawang pagkakataon, napaupo na naman ako ng maayos no'ng tanungin ako ni Tita. Umiling ako ng ilang beses.

"Wala po-"

"May problema 'yan, Mom. Sa utak," sabat bigla ni Shunrei sa usapan. Ngumiti lang ako dahil nakatingin sa 'kin 'yong tatay ni Sai. Kung kaya ko lang ngayon, Shunrei, kanina pa sumubsob 'yang mukha mo sa soup na kinakain mo.

"Tumigil ka nga, Shun! Nakakahiya kila kumare 'yang ugali mo," saway ni Tita sa kan'ya na tinignan pa ang mga magulang ko.

"No, Tita. That's sooo fine. Tama naman si Shunrei. Hihihi," singit ni Lyra. Tinapakan ko nga sa paa nang pasimple.

"Ahh! Mommy, oh! My ghad, tinapakan ni Kuya 'yong Gucci ko!"

"Sorry, Lyra. Hindi ko napansin na nando'n 'yong sapatos mo," worried pang kunwari na sabi ko sa walangya kong kapatid. Kailangan kong um-acting na perfect brother ako.

"Aww. Sana gan'yan din kabait 'tong si Shun. Ang sarap sigurong magkaroon ng anak na tulad ni Liryu, 'no Lyka?" sabi ni Tita Yumiko.

Fudge, gumana!

At isang hampas na naman galing kay Sai ang natanggap ko. Lintik na-bakit walang nakakapansing kanina n'ya pa ako hinahampas?!

"Hindi 'yan ang anak ko, Yumiko. 'Wag kang magpapalinlang," sabi naman ni Mom.

Mom, madami akong alam na sikreto mo. Hindi mo ako gugustuhing kalabanin.

"Sa bahay, daig pa n'yan ang babae kung magsungit." -Dad

Sasabihin ko na ba kay Mom na sumama ka sa isang boys night out, Dad?

"Honto nii? Waaah. Pero mukhang sobra n'ya talagang bait. Look, even Nevin likes him."

At tinignan pa ni Tita Yumiko si Nevin na nakatingin sa 'kin at ngumingiti. Alam n'yo, una pa lang, alam ko nang boto sa 'kin si Nevin.

"Mom, lahat naman yata ng klase ng tao, gusto n'yo ni Nevin." -Shunrei

"Hindi ah! Ayaw kaya namin kay Gollum!"

"Hindi totoo si Gollum, Mom." Sumulyap sa 'kin si Shunrei. "O baka totoo nga-"

Nakarinig kami ng malakas na tunog na parang may biglang tumama sa ilalim ng lamesa. Pagkatapos no'n, napadukmo sa lamesa si Shunrei. No'ng nag-angat s'ya ng tingin, matalas na tingin agad ang binigay n'ya kay Sai.

Hahaha! Ano ka ngayon? Walang exemption pagdating kay Sai. Masakit 'yong hampas n'ya, 'no? Buti nga!

Nakita kong hahampasin na naman ako ni Sai kaya hinawakan ko agad 'yong kamay n'ya. In-intertwine ko pa nga ang mga daliri namin sabay ngiti sa kan'ya ng sobrang tamis.

Babe, tama na ang tatlo. Umaabuso ka na.

"Ano 'yon?" usisa naman ni Tita Yumiko. Sumilip pa nga s'ya sa ilalim ng lamesa. "Shun, masakit 'yong tuhod mo?"

Alanganin namang ngumiti si Shunrei bago sinabing, "I'm too clumsy nowadays."

"Oh no, do you want me to help you go to the clinic? I'll carry you! Malakas ako!" sabi pa ni Lyra. Wow, kapatid. Ibang klase ka palang chumancing.

"O-okay lang ako, salamat." -Shunrei

Biglang umubo ng mahina si Dad at binaba ang hawak n'yang kutsara. "Bakit hindi na lang natin pag-usapan ang kasal?"

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon