Chapter 23 "Cold"

78.6K 3.1K 324
                                    

a/n:Dedicated to KhayLLy


Lyra's POV

"Alexa,what do you think?"

Umikot-ikot ako sa harap nya habang suot-suot yung dress na napili ko.She clapped.

"That's gorgeous,Lyra.Bilhin mo na yan."

"Really?"

Nakangiting tanong ko.Nandito kami ngayon sa mall.Naghahanap kami ng isusuot namin sa party ni Kuya.Sa isang araw na yun.Sobra na nga yung pagpeprepare sa bahay namin.Lahat ng maids and butlers,busy.Nagkakagulo nga sila.

"Pupunta ba si Ate Sai?Dapat isinama na natin sya para makapili na rin sya ng isusuot nya."

"Alexa."

"What?"

"Hindi pupunta si Ate Sai."

Nawala na yung magandang mood ko.Hindi ko maiwasang malungkot para kay Kuya.Ang tahimik ni Kuya sa bahay.I mean,yes.Alam kong tahimik na sya dati pa pero iba ngayon.Wala nga syang pakielam kung ano mang ginagawa ng mga tao sa bahay.For him,everyday is just a typical day.

"B-bakit?Pano si Kuya Liryu?"

"Hay...hindi ko alam.But!Kaya pa naman natin syang pasayahin kahit wala si Ate Sai,di ba?!Let's make his party wild!"

"Napaka-hyper mo talaga."

Tinawanan ko na lang sya bago ako pumasok ulit sa fitting room.Hinubad ko na yung sinukat kong damit.Pagkalabas ko,binayaran ko kagad yung damit sa counter.

"Si Kuya Mirco nga pala?Wag mong sabihing may date din sya tulad ni Kuya Ken and Ate Nicka?"-Ako

"Hm...nandun sya sa bahay nila.Hindi daw sya pwede ngayon eh.May pupuntahan daw sya."

"San naman sya pupunta?Don't tell me...may girlfriend na nga sya?!"

"*shrug*Maybe."

Nanglaki yung mga mata ko.

"What?!"

"Nitong mga nakaraang buwan kasi,may pinupuntahan syang lugar na hindi ko alam kung saan.Siguro nga,may girlfriend na sya."

"Really?!Oh my ghad!Itu-tweet ko to!"

"Hoy,Lyra!Tsismis lang yung sinabi ko sayo!Walang kasiguraduhan!"

"Aba,kahit na!Ang laking balita nito!Siguradong madaming babae ang iiyak!Hahaha!"

Napapailing na lang si Alexa habang nakatingin samin.Ako naman,tuloy lang sa pagdaldal hanggang sa makalabas kami ng shop.

Buti nga available ngayon si Alexa.Lahat kasi sila,puro hindi din pwede.Si Louie daw,may kailangang bantayan sa bahay nila kaya hindi sya nakasama samin.Tsk.Baka nga palusot nya lang yun.Tinatamad siguro.

"Ano nga palang ireregalo mo,Lyra?"

"Hm...DSLR."

"Camera?"

"Yep!Nakaorder na ako sa ibang bansa.Mamaya dadating."

"Wow...it must be expensive."

"Ah...sakto lang sa naipon ko."

Napahinto si Alexa kaya napahinto din ako.Tinitignan nya yung isang restaurant.

Huh?Gutom na ba sya?

"Bakit,besty?"

"Si...Ate Sai ba yun?"

Sinundan ko yung tinitignan nya at halos mabitawan ko yung mga hawak ko sa nakita ko.May kasama syang lalaki...

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon