Chapter 18 "Siblings"

86.4K 3.8K 909
                                    

a/n:Dedicated kay Romeotoshinderera.:)

Saisumi's POV

"The dark-eyed prince you want to know...put an innocent in a coma for three years."

Hindi kagad naabsorb ng utak ko yung sinabi nya.Inabot pa ng ilang minuto bago magsink-in sakin then an electrifying shock hit me.

"I made someone suffer for the thing she doesn't deserve.I almost killed her,Saisumi.The prince inside me almost killed an innocent."

Tumingala sya at ngumiti na naman.Hindi ko na napigilan ang sarili kong hilahin sya at yakapin ng mahigpit.

Alam kong hindi totoo ang ngiting yan,Liryu.Sa lahat ng uri ng ngiti mo,yang ngiting yan ang pinakaayokong nakikita.

Yang malungkot mong ngiti.....

"Nakipagkarera ako sa isang public road.Wala ako sa sarili nung mga oras na yun.Wala ako sa kontrol hanggang sa namalayan ko na lang na...may nabangga na akong babae.Minor pa ako nun kaya napagkasunduan na lang na sasagutin ng pamilya ko ang lahat ng gagastusin sa pagpapagamot ng babae.She was in state of coma for three years.Since then,I tried to control my temper and I changed my codename pero minsan,hindi ko pa rin mapigilang mawalan ng kontrol."

I heard him sighed again for the nth time.Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.Ngayon,iniisip ko na kung tama bang pinilit ko pa syang sagutin ang tanong ko.

"You didn't mean to do that to her.It was an accident."-Ako

"Pero dahil sakin...tatlong taon huminto ang buhay nya.At alam mo ba kung ano pang mas malala dun?Simula nung nagising sya.....hindi na ulit sya nakapaglakad."

Kinuskos nya ang mga mata nya at humiwalay mula sa pagkakayakap ko.Tumalikod pa nga sya ng kaunti sakin.

Tumawa sya ng pilit habang kinukuskos pa rin ang mga mata nya.It breaks my heart seeing him trying not to cry.

"Liryu..."

"Hindi ako umiiyak."

"Tayo lang ang nandito.Hindi mo kailangang magpanggap."

"Hindi nga ako umiiyak."

"Ayan na oh.May tumutulo nang luha!"

"Tigilan mo nga ako,Saisumi."

"Sus...Oh,eto panyo."

"Thanks...---Ugh!Hindi nga ako umiiyak!Tsk!"

"Napipikon ka na?Naku.....payakap nga ulit!"

Niyakap ko ulit sya at tinapik-tapik yung likod nya.Hindi ako magaling sa pagpapagaan ng loob ng tao pero tingin ko,makakatulong to.

"Sai..."

"Hm?"

"Wag kang yakap ng yakap sakin.Baka hindi na kita pakawalan."

Napatawa ako ng mahina.Ayos na.Tingin ko,okay na sya.Sabi ko na nga ba,makakatulong yung pagtapik ko sa kanya sa likod.Pfft.

"Sabihin mo lang kung mahal mo rin ako para may karapatan akong umasa kapag niyayakap mo ako."-Liryu

Hindi ako nagsalita ng ilang saglit.Nagmuni-muni muna ako.Tumingin-tingin sa paligid.Naghahanap ng sagot sa sinabi nya.Nung marealize ko na kung anong sasabihin ko,nagsalita na ako.

"I love you."-Ako

Ilang segundo syang tumahimik bago sya tumawa.

"Hinihintay ko yung parteng sasabihin mong 'Nagbibiro lang ako.'.Nasan na yung part na yun?"

He asked while chuckling.Ngumiti ako kahit alam kong hindi nya nakikita.

"I love you and I mean it."

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon