Chapter 29 "L Couple"

93.8K 3.1K 517
                                    

Mirco's POV

"hindi pa rin ba pumapasok si Louie?"

Tanong sa 'kin ni Liryu.Umiling ako.Nasa tambayan kami sa tapat ng classroom nila Saisumi.Vacant namin kaya dito muna kami tumambay.Kasama namin si Ken na as usual,kumakain na naman ng chocolate.

"Mag-iisang linggo na ha?Gumaling na't lahat-lahat si Sai,hindi pa rin sya pumapasok.Alam mo ba kung nasaan sya?"

"Hindi ko alam.Ang sabi sa 'kin ng head butler nila,magdadalawang linggo na daw nung lumayas sya kasama si Lexie at Lillian.Hindi ko alam kung saan sila pumunta.Ikaw Ken?"

Napahinto sya sa pagsubo ng chocolate.Tumingin sya sa 'kin ng dahan-dahan habang nakanganga pa.

"A-ako?A-ano ako?"

"Alam mo ba kung nasaan si Louie?"

Si Liryu naman ang nagtanong.Hindi nya maisubo yung chocolate na hawak nya.Tss.What a bad habit,Ken?Dahil sa chocolate,nahahalata ka.

"H-hindi ko alam.Wala akong kinalaman dyan."

Ibinaba nya ang hawak nyang chocolate at itinikom ang bibig nya.

Got you.

"Nagsisinungaling ka,"sabay pa kaming nagsalita ni Liryu.Nagkatinginan kami bago ngumisi.

"Hey,silly.Hindi mo kinain yung chocolate.Nagsisinungaling ka."

Nakangising sabi ni Liryu habang nakaturo pa sa chocolate na ibinaba ni Ken.

"E-eh?!"-Ken

"Bakit?Akala mo,hindi namin napapansin?Sa tuwing magsisinungaling ka o gagawa ng mali,hindi ka kumakain ng chocolate ng kalahating araw.Alam namin yan,Ken."-Liryu

Napanganga si Ken.Tsk.Lagpas sampung taon na kaming magkakasama.Hindi pa ba namin mapapansin 'yon?Alam naming pare-pareho na pinaparusahan ni Ken ang sarili nya kapag alam nyang may ginawa syang mali at ang parusa lang na alam nya ay ang hindi pagkain ng chocolate.

"Why don't you share us what Louie's new place looks like?"-Ako

He gulped.I can see in his face the uneasiness.

"L-lumipat sya sa condo unit nya."

"Nagsisinungaling ka na naman ba,Ken?Pumunta kami sa condo nya pero ang sabi,binenta na 'yon two months ago.Ano ba,Ken?Gusto mo bang hindi kumain ng chocolate ng isang buong araw?"-Liryu

"H-hindi ako nagsisinungaling!Lumipat sya sa bagong condo nya."

"May bago sya?"-Ako

"O-oo..."

"Saan 'yan?"

Napayuko sya sa tanong ni Liryu.Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nya masabi.May problema ba?We all know that Louie's parents are missing.May iba pa bang problema bukod do'n?

"Ken."

Madiin na tawag ni Liryu.His voice is calm but full of authority.

"Sasamahan mo kami mamaya sa lugar na 'yan.'Wag mong susubukang tumakas kung gusto mo pa talagang makakain ng chocolate.Naiintindihan mo?"

Tumango-tango si Ken kay Liryu na parang bata.Napailing na lang ako.Napakamasunurin nya talaga pagdating sa chocolate.

Lyra's POV

Mag-isa akong naglalakad sa loob ng mall.Ang boring kasi wala akong kasama.Wala si Alexa!Kaya heto ako ngayon,solo flight sa pagsha-shopping.Pakiramdam ko tuloy,parang ang tahimik kahit ang daming tao ngayon dito sa mall.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon