Chapter 19 Movie Marathon

Magsimula sa umpisa
                                    

Ano kayang costume ko?

Nang matapos ang meeting, nilapitan ako ni Sandra.

“Can I talk to you?”

“Ano?” tanong ko.

“I’m sorry, about what happened.”

“Yah, I have forgiven you.” Tumalikod ako at hindi na siya pinansin.

I was really rude dahil sa ginawa ko sa kanya. If only sinabi ko kaagad na there’s no chance for me to like her the way I liked Portia. I didn’t had the guts to tell her so but when I learned about what she did, regarding the untruthful gossip, nawalan na ako ng ganang magsorry sa kanya.

Lumipad ang tingin ko sa isang babaeng nakasundress at nakalugay ang buhok, si Portia?

“Hey! Anong meron?” tanong ko sa kanya.

“Meron pa akong klase.”

“No, I mean, bakit ka naka dress?”

“Bawal bang magdress?”

“Bakit iba yata ang aura mo ngayon?”

“Bakit bawal ba akong mag-ayos?”

“Bakit…”

“Stop! Puro ka bakit! Kailangan ko ng pumasok.” Tinalikuran niya ako pero pinigilan ko siya para magtanong ng isang importanteng  bagay.

“Are you free tomorrow?”

“Yes.”

“Nood tayo ng sine.”

“Sa bahay mo na lang.”

“Okey, magre-rent ako ng dvd.”

“Okey!”

“Teka, are you sure? Okey lang sayo?”

“Ano bang sinabi ko?”

“Okey lang sayo.”

“Eh di okey lang!” tuluyan na siyang pumasok sa klase.

What just happened? Medyo, okey ang mood ni Portia sa akin. Hindi siya pasigaw, hindi siya nakasimangot, hindi siya nakat-shirt at jeans, hindi siya humihindi sa sinabi ko. She said she likes me. Ito na siguro iyon.

Namatay na ang bida, patay na si Noah kasama niyang namatay si Allie at ito ang pinakadramatic scene sa buong history ng romance movie.

Pasimple akong nagpunas ng luha para hindi mahalata ni Portia na katabi ko sa nilinis at vinacuum niyang sofa.

“Umiiyak ka ba?” tanong niya habang inistop ko ang DVD player.

“Masama bang umiyak? I’m a sensitive guy na naiiyak sa ganitong klaseng pelikula.”

“Oh please! It’s just a movie! True to life ba yan? Hindi naman!”

“Portia, kahit hindi yan totoo o there’s no such thing as this kind of story, yung ideya na ginawa mo ang lahat para sa taong pinakamamahal mo na kahit makalimutan niya na ang lahat, hindi siya gumive up na magmahal at kahit sa saglit ng kanilang buhay ay maalala siya nito. Hindi ka ba maiinlove sa taong gagawin ang lahat sayo?”

“Maa-appreciate ko naman yun pero hindi ako masyadong natouch sa ganitong klaseng movie.”

“Masyado ka kasing manhid.”

“Hindi ko nga type yung mga ganitong movie. Anong next natin? Meron ka bang horror o action? American Psycho o kaya Natural Born Killers?”

Sabi sa naked science kapag isinama mo sa isang date ang babae sa isang nakakatakot na lugar, maiinlove ito sayo. Horror movie was one of my option pero alas 3 pa ng madaling araw ang uwi ni Dominic, at ako lang mag-isa dito, nalalapit na rin ang undas kaya kahit pa sabihin nating maiinlove nga si Portia sakin kapag nanood kami ng horror, hindi ko kaya.

“Pwede ba! Wag kang ngang magpapanood ng mga violent films!” Kinuha ko ang mga DVD. “We have Serendipity, Nothing Hill, A Walk to Remember and Dear John.”

“Walang kwentang movie! Serendipity na nga lang!”

“Okey! Notting Hill!” dahil yun ang gusto kong panoorin. “Kukuha lang ako ng popcorn!”

Kumuha ako ng isang bowl ng popcorn at dahil hindi siya kumakain nun, fruit salad ang sa kanya.

“Ayan i-invite ni William si Ana sa birthday ng kapatid niya.” Kwento ko habang nanonood ng movie at kumakain ng popcorn.

“Ayan, mapupunta sila sa isang garden, isang romantic na garden…” dagdag ko.

“Ikwento mo na lang kaya! Wag na nating panoorin!”

“Wag kang maingay, ito na yung paborito ko eh…”

Ang eksena, hahalikan ni Ana si William and they’ll spend the night in the garden.

Kumanta ako ng When you say Nothing at all…..

The smile on your face lets me know that you need me/ There’s the truth in your eyes saying you’ll never leave me/ The touh of your hand says you’ll catch me….”

At wala akong pakialam kung basag ang boses ko… Kanta kung kanta!

“If ever I fall… You say it best…..”

Hindi ko namalayan, biglang sumunggab ng halik si Portia at may isang feeling na hindi ko maipaliwanag ng feeling na hindi naman siguro filling ng magic flakes ang naramdaman ko.

Isang halik na nagbigay kilig sa akin. Parang nasa isang paraiso na maraming rosas, may malamig na simoy ng hangin, walang polusyon, walang problema at kaming dalawa lang ni Portia ang masayang mgakasama na may dalang matatamis na ngiti sa aming mga labi. Nang makawala ang labi niya sa pagkakadikit sa labi ko. Nagpaalam na siya.

“Uuwi na ako!” sabi ni Portia at tulala lang akong yakap ang isang bowl ng popcorn.

Makalipas ang ilang oras, dumating si Dominic at naabutan akong tulala at yakap ang popcorn, patay ang tv.

“Con, okey ka lang?” tanong niya.

“We kissed!”

“Really?”

“Gusto kong mgakandirit! Okey lang ba Dom?”

Tumayo ako sa kinauupuan ko ang kumandirit sa buong kwarto at bigla akong napatigil.

“If we kissed, does that mean na kami na?” tanong ko kay Dominic.

“You didn’t ask her?”

“Hindi, uamalis siya agad.”

“Ah, it’s just a kiss.” Kinuha niya ang DVD na The Notebook. “Nadala lang siguro siya dito.”

Are we or aren’t we?

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon