Epilogue

46.1K 1.2K 80
                                    

NAPANGITI si Hera nang biglang pumulupot ang bisig ng kanyang pinakamahal na asawa sa kanyang baywang mula sa kanyang likuran. Inihilig niya ang ulo sa malapad nitong dibdib. Mula sa kanilang silid ay nakamasaid siya sa labas. Nakatayo siya sa floor-to-ceiling window at pinagmamasdan ang mga tao sa labas. Ang mga tauhan ng Rancho Monticello at Rancho de Buenavista. Nandoon din sila Aling Ising, Mang Mando, Cecille at iba pang nakilala niya dahil sa pagtambay niya sa stall ni Aling Ising. Masaya siya para sa pamilya ni Aling Ising dahil sa oportunidad na naibigay niya rito ay siyang naging daan para mas magkaroon ito ng magandang kabuhayan. May maliit na cafeteria na ito sa bayan ng Don Bernardino at maganda ang naging takbo ng negosyo nito mula nang ma-feature sa telebisyon ang specialty na empanada nito sa kanyang tulong.

Limang buwan na silang kasal ni Gideon. Dalawang buwan pagkatapos na magtapat sa kanya si Gideon ay dinaos ang kanilang kasal sa bayan ng Don Bernardino. Lahat ng mahal nila sa buhay ay naroroon. Ang kanyang tunay na ina ay naroroon din. Naging madamdamin ang naging tagpo para sa kanilang mag-ina nang puntahan niya ito sa Sorsogon. Labis-labis ang paghingi nito ng tawad sa kanya. Dalawang linggo pagkatapos ng kanyang kasal ay pumanaw na rin ito. Gusto niya sana itong ipagamot pero ayaw na nito. Masaya na raw ito na makita siya at napatawad na niya ito. Pagod na rin raw ito sa pakikipaglaban sa karamdaman.

Ang kapatid naman niyang si Eliz ay ayaw sumama sa kanya. Gusto raw nitong manatili sa lugar kung saan ito isinilang. Pumanaw na rin pala ang ama nito. Pero ngayon ay nagtungo ang kapatid niya sa rancho dahil sa imbitasyon niya. Sa Maynila sila ni Gideon namalagi pagkatapos ng kanilang honeymoon, na sa cabina lang ni Gideon nila ginawa. Masaya ang buhay nila sa Maynila pero alam niyang kung hindi lang siya ang iniisip ni Gideon ay mas nanaisin nitong manatili at pamahalaan ang rancho. Nagtatrabaho si Gideon sa food manufacturer ng mga de Buenavista habang siya ay nagtatrabaho bilang isang news anchor.

"Para saan ba talaga ang pagtitipon na 'to?" Tanong ni Gideon. Humarap siya sa asawa at ipinaikot ang mga braso sa batok nito at ginawaran ng masuyong halik sa labi.

"Let's go outside," yakag niya rito. Sabay silang lumabas ni Gideon ng silid at tinungo ang labas ng mansiyon na magkahawak kamay.

"SeÔorita Hera, kumusta po. Dito na po ba kayo titira?" tanong ni Mang Mando na agad na sumalubong sa paglabas nila.

"Naku hindi po, Mang Mando, may trabaho po si Hera sa siyudad," si Gideon ang sumagot.

"Sobra talaga ang pagmamahal mo kay SeÔorita Hera, Gideon. Parang dati lang ay sinabi mong hindi mo gugustuhin ang tumira sa lungsod."

"Mas hindi ko po kakayanin ang mabuhay na wala si Hera, Mang Mando." Nagkatinginan si Hera at Gideon at nagngitian. Marahan siyang hinalikan ni Gideon sa noo. Hindi niya maiwasang kiligin. Sinakrispisyo nito ang lugar kung saan ito lumaki para makasama siya at samahan siya sa pagtupad sa pangarap niya.

"Breinesse, anak, para saan ba ang pagtitipon na 'to?" tanong ng kanyang mommy.

"I have an announcement to make, mom, kaya nagpadaos ako ng pagtitipon."

Nagtungo si Hera at Gideon sa unahan kong saan naroroon ang mikropono. Kinuha niya iyon mula sa microphone stand saka humarap sa mga panauhin na ngayon ay nakaupong lahat. Magkahawak-kamay pa rin sila ni Gideon.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Maybe you are wondering kung bakit ako nagpadaos ng isang pagtitipon. May gusto lang akong ibahagi sa inyong lahat. Everyone, I am pleased to share this good news na kokompleto sa kaligayahan naming mag-asawa." Tiningala niya si Gideon na mukhang naguguluhan. Nginitian niya ito at marahang pinisil ang kamay saka muling binalingan ang mga tao na bakas ang kasabikan sa mga mukha.

"Gusto kong ipaalam sainyong lahat na si Gideon na ang magpapatakbo ng Rancho Monticello." Umugong ang ingay sa paligid. Lahat ay masaya.

"Hera?" binalingan niya ang asawa na nagulat sa anunsiyo niya.

"Hera, ano ito? Alam mong gusto ko ito pero mas gusto kong kasama kita sa Maynila." Nginitian niya lang ito saka muling binalingan ang lahat ng naroroon.

"I'm giving up my career para sa mga taong mahal ko, para sa pamilya ko. I want to live here with my husband and our future child. Gusto kong dito manganak at dito palakihin ang magiging anak namin. Asahan niyong after a couple of months ay may iyak ng sanggol na kayong maririnig sa bahay na ito." Deklarasyon niya na lalong nagpaingay sa paligid. Tiningnan niya si Gideon na ngayon ay dumoble ang pagkakakunot ng noo.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" halos hanging lumabas sa bibig ni Gideon. Ibinaba niya ang kamay na may hawak na mikropono. Ang hawak niyang kamay nito ay dinala niya sa kanyang tiyan.

"I'm two months pregnant. We are having a baby, Gideon" Gideon's eyes widened in astonishment.

Pagkatapos niyang gumamit ng pregnancy test at nag-possitive ang result ay agad siyang nagpatingin sa doktor para makasigurado. At nang kompirrmahin ng doktor na dalawang buwan na siyang nagdadalang tao. Agad siyang nagdesisyon na mag-resign ng trabaho at bumalik ng probinsiya. Tinawagan niya si Aling Magda na sabihan ang mga tauhan na may magaganap ng pagdiriwang. Kasama nila ang kanyang mommy na bumalik ng probinsiya. Wala rin itong alam.

"Totoo ba ito, Hera?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Gideon.

"Totoong-totoo, magiging daddy ka na." Nangislap ang mata nito nang biglang may sumungaw na luha roon. Agad siya nitong niyakap.

"Ito na yata ang pinakamagandang balita na maari kong matanggap. Pero paano ang trabaho mo? Alam kong pangarap mo 'yon." Kumalas mula sa pagkakayakap si Hera. Bahagyang inilayo ang mukha sa asawa pero nanatiling magkalapat ang kanilang katawan.

"To become a news anchor is my biggest dream. Since then, I studied hard and thrive to make my dreams come to exist. But when I met you, naging huli na siya sa listahan ko. Everything had changed, ang pangarap kong maging news anchor ay napalitan ng pag-asam na maging asawa at ina ng mga anak mo. Gusto kong tumira dito kasama ka at ang magiging mga anak natin. I along with our children will wait for you to come home from your work. Sasalubingin ka namin ng mahigpit na yakap at matamis na halik. Hindi mo ba 'yon gusto?"

"Gusto. Syempre gustong-gusto." Mahigpit uli siyang niyakap ni Gideon. Kumalas ng yakap at lumuhod sa harap niya. Maingat nitong hinaplos ang kanyang sinapupunan saka inilapat ang labi sa hapis pa niyang tiyan.

"Pangako, baby, gagawin ni papa ang lahat para maging mabuting ama sa 'yo. Bubusugin kita ng pagmamahal, kami ng mama mo." Hinaplos niya ang buhok ni Gideon. Muli itong tumayo saka ikinulong ang kanyang mukha. Pinong halik ang ipinagkaloob nito sa kanya bago siya 'uli niyakap nang mahigpit.

"You completed me, sweatheart. Thank you for brightening up my world. Ikaw ang buhay ko. Without you I would have no reason to live. I couldn't afford to lose you, Hera. I love you so much."

"Ako rin, Gideon. I will love and cherish you for the rest of my life."

"Kailangan ko na yatang magpagupit. Baka magka-rashes si baby sa buhok ko." Natawa si Hera at mas mahigpit niya itong niyakap. Napakasaya niya. Wala na siyang mahihiling pa.   

Heredera Series 1 - HERA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon