Chapter nine

53.8K 1.1K 31
                                    

GULONG-GULO si Gideon. Ngayon ay naririto na ang mga magulang niya. Sinubukan siyang kausapin ni Celestina na siyang tunay niyang ina pero matigas siyang tumangging makausap ito. Ang totoo ay natatakot siyang makausap ito. Hindi niya alam kung ano ba ang mararamdaman niya kapag nakaharap ito. Hindi pa siya handa.

Ang kanyang tunay na amang si Ernesto ay nakausap na rin niya kanina lang. Buong galak siya nitong niyakap at naluha pa ang matanda. Those are tears of joy. Naramdaman niya ang pananabik ng isang ama sa nalayong anak. Alam na rin ni Gavin ang tungkol sa kanya. Nang makausap niya ito sa opisina at nagbiro ng tungkol sa anak sa labas ay alam na pala nitong magkapatid sila. Katulad ni Celestina ay dalawang taon na ring biyudo si Ernesto.

Nalaman niya ang totoo niyang pagkatao noong dise sais siya nang hindi sinasadyang makita niya ang isang sulat na nalaglag sa sahig mula sa damitan ng kanyang ina. Na-curious siyang tingnan ang laman nang makita niyang may kalakip na malaking halaga ang sobre. Dala ng kuryosidad ay binasa niya ang nilalaman ng sulat na siyang magbubunyag pala sa kanyang totoong pagkatao. Napilitan ang magulang niyang ipagtapat sa kanya ang totoo. Halos magmakaawa at maglumuhod ang Nanay Marta niya noon na wala siyang pagsasabihan ng totoo niyang pagkatao dahil ikakapahamak niya iyon.

Umibis si Gideon ng sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa maliit nilang bahay. Pero napatda siya nang makita ang mga taong hindi inaasahan. Si Hera at Celestina. Agad na tumayo si Celestina nang makita siya.

"Gideon, anak." Tumalikod si Gideon at muling lumabas. Bigla siyang nilukob ng matinding kaba nang makita ang ina. Parang dumadagundong ang dibdib niya.

"Gideon!" Natigil siya sa paglalakad nang humarang si Hera sa kanyang daraanan. Hera looks mad. Salubong ang perpektong kilay nito at masama ang pagkakatitig sa kanya pero ni hindi nabawasan ang ganda nito kahit galit pa ang mukha nito. She missed this girl so much. Mahigit isang linggo na sila nitong hindi nagkikita. Nakatitig si Gideon sa mga labi nitong walang tigil sa pagsasalita pero wala namang naririnig si Gideon dahil ang isip niya ay naka-focus sa kung paano niya ito hinalikan noon.

"Gideon!" Naputol ang pag-de-day-dream niya nang hampasin ni Hera ang dibdib niya.

"Are you listening to me?"

"Hera, kung ang ipinunta niyo rito ay para hingin ang kapatawaran ko, pinapatawad ko na ang mommy mo." He meant it.

Alam niya ang buong kuwento ng buhay niya at siguro nga ay hindi naman galit ang kanyang nararamdaman kundi tampo para sa tunay na ina. Matinding pagdaramdam dahil hindi siya nito nagawang protekhan sa ibang paraan na hindi siya kailangan ipamigay. Tampo na sana ay ipinaalam nito ang existence niya sa totoong ama dahil baka kung sakaling gan'on ang ginawa nito ay may nagawa ang kanyang tunay na ama.

"Maybe yes. Pero hindi lang kapatawaran mo ang gusto ni mommy kundi ang acceptance."

"Hindi mahalaga ang bagay na 'yon, Hera. Hindi niya kailangan magpaka-ina sa 'kin at hindi ko rin kailangan magpaka-anak. Dalawampung-pitong taong wala siya sa buhay ko at nabuhay naman ako nang normal. Ano pa ba ang saysay—"

"C'mon, Gideon!" Hera hissed.

"What are you? Twenty-seven? Then act according to your age. You are old enough para maintindihan ang lahat ng bagay. In fact she didn't abandon you at all. She had left you for a reason, for your own good at alam mong hindi ka niya pinabayaan kahit nasa malayo siya." Hinawakan ni Hera ang braso ni Gideon.

"Nangulila sa 'yo si mommy nang matagal na panahon. She had been waiting for this moment. Please, Gideon, don't let your anger consume you." Pinisil nito ang balikat niya.

Bumuga siya nang marahas na hininga. "Okay, kakausapin ko siya." Sumilay ang napakatamis na ngiti sa mga labi ni Hera at bigla na lang siyang niyakap nito.

Heredera Series 1 - HERA Where stories live. Discover now