Chapter Seven

55.1K 1.1K 16
                                    

  WALANG salitang namagitan sa dalawa hanggang sa makabalik sila sa cabina ni Gideon mula sa pamamasyal. Pagkababa ni Hera ng kabayo ay kinuha ni Gideon ang kamay niya at magkahawak kamay na tinungo ang cabina. Hindi nagsasalita si Gideon at tahimik na nagpapatangay na lang din si Hera.

"Bossing!" mabilis na napatayo si Barok mula sa pagkakaupo nang makita si Gideon at Hera. Nasa mesa itong nasa ilalim ng puno ng pili. Parang namamangha si Barok habang nakatingin sa magkasalikop na mga kamay ni Gideon at Hera.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Barok?" tanong ni Gideon hustong makalapit sila. Noon umangat ng mukha si Barok.

"Kayo na ba?" tanong ni Barok. Giniya siya ni Gideon paupo at umupo naman ito sa tabi niya. Muli ring upo si Barok.

"Magpapakasal na ba kayo? Kailan? Para naman makondisyon na natin ang kakataying baka at baboy. Sigurado naman akong walang pakialam si Sir Gavin kahit ilang baka pa ang katayin natin. Kapag umalma siya yari siya sa 'kin." Sabay silang natawa ni Gideon. Masyado namang advance ang kaisipan nitong si Barok. Ni hindi pa nga nangliligaw itong si Gideon kasal na agad.

"Hindi pa kami mag-boyfriend and girlfriend ni Gideon," aniya. Napatingin sa kanya si Gideon.

"I mean.. hindi niya ako girlfriend, hindi naman siya nangliligaw," pagbabago niya sa pangungusap. Para naman kasing ang dating ng una niyang pangungusap ay umaasa siyang maging mag-on sila ng binata. Hindi nga ba?

"Sayang naman! Akala ko pa naman ay lalagay na sa tahimik itong si Bossing. Kung makapag-holding hands naman kasi kayo wagas!" napapalatak nitong sabi. Muling natawa si Gideon at Hera.

"Pero maiba ako, alam mo ba Bossing na nandito raw ang heredera ng Monticello. Nagbabakasyon raw ngayon dito at ang ganda-ganda raw. Narinig kong pinag-uusapan sa paradahan ng tricycle kanina." Nawala ang ngiti sa labi ni Hera at biglang kinabahan. Napatingin siya sa mukha ni Gideon at bigla ang pagbabago ng timpla ng mood nito. Pero umaliwalas din kapagkuwan saka siya binalingan.

"Kalokohan 'yan. Ang babaeng katabi ko ngayon ang pinakamaganda sa lahat ng maganda." Malapad na napangiti si Hera at agad na nawala sa isip ang namuong tensiyon sa sinabi ni Barok kanina.

"At ikaw naman ang pinakaguwapo sa lahat ng guwapo!" Hera said happily. Nagtitigan ang dalawa at wala ni isa man ang gustong putulin ang tila lubid na nag-uugnay sa mga mata nila.

"In love ka kay Miss Hera, Bossing! Yayayay!" Noon naputol ang pagtitigan ng dalawa at binalingan si Barok na tuwang-tuwa.

"Bakit hindi mo ligawan si Miss Hera? Tapos ako naman liligawan ko rin ang Heredera ng Monticello."

"'Yan ang 'wag na 'wag mong subukang gawin. Baka nakakalimutan mong apo iyon ng masamang si Don Fausto." Bigla ang pagtiim ng bagang ni Gideon.

"Nagbibiro lang ako. Hindi ko nakakalimutan iyon. Siya ang dahilan kung bakit maaga kaming naulila sa ama."

Naguluhan si Hera sa sinabi ni Barok. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Siya ang dahilan kung bakit namatay ang ama ni Barok. kapag ang mga tauhan ng Monticello ay napadpad sa lupain ng de Buenvista ay hindi binubuhay at gan'on din ang ginagawa ng mga Monticello. Bata pa lang ako ay gan'on na ang naging patakaran ng dalawang don. Malulupit sila. Nakita ko kung paano patayin ng tauhan ni Don Fausto ang ama ni Barok kahit na nagmamakaawa pa ito. Dahil lang iyon sa bunga ng mangga na kinuha ng isang butihing asawa para sa naglilihing asawa nito. Walang ginawa si Don Fausto. Nakasakay ito sa kabayo at basta na lang iniwan ang kaawa-awang matanda at hinayaang barilin ng tauhan niya."

Hindi makapaniwala si Hera na kayang gawin iyon ng kanyang abuelo. Napakabait nito sa kanya at wala siyang makitang kahit na anumang karahasan sa matanda.

Heredera Series 1 - HERA Where stories live. Discover now