Chapter Four

70.8K 1.8K 82
                                    

TATLONG araw na ang nakakaraan simula ng mangyari ang pagtatagpo ni Hera at Gideon sa gubat. Tatlong araw na ring pabalik-balik si Gideon sa stall ni Aling Ising at nagbabasakaling makikita niya ang dalaga. Nabalitaan niyang nakapag-deliver na sila Aling Ising ng empanada sa bar na pag-aari nila Hera. Napatuwid mula sa pagkakaupo si Gideon nang makita si Hera na bumaba ng sasakyan at nagtungo sa stall ni Aling Ising. Gumitaw ang munting ngiti sa labi niya nang mapagmasdan ang dalaga. Napakaganda ng ngiti nito. Parang magiliw ito sa mga tao. Pero napawi ang ngiting iyon nang mapansin niya ang mga kalalakihan na kung suyurin ng titig ng mga ito si Hera ay tagos hanggang kaluluwa. Napag-alaman rin niya nitong mga araw na inaabangan ng mga kalalakihan si Hera kaya panay ang tambay sa stall ni Aling Ising.

Umibis siya ng sasakyan. Sinuklay ng daliri ang mahaba niyang buhok saka tinungo ang kinaroroonan ni Hera. Ngayon ay nasa likod na siya nito. Hindi alam kung paano babatiin. Kinakabahan. Damn! Kailan pa ba siya kinabahan ng dahil sa babae?

"May nobyo ka na ba, Hera?" tanong ni Aling Ising.

"Wala pa po. NBSB po," tugon ng dalaga.

"Ano'ng NBSB?" si Aling Ising.

"'Nay, ibig sabihin po n'on, "no boyfriend since birth." si Cecille ang nagpaliwanag.

"Kung gan'on neber bin kiss neber bin touch ka pa?" tanong ni Mang Mando. Marahang natawa si Hera. "I have already lost my first kiss. Ninakaw po kasi ng isang lalaki." Hindi maintindihan ni Gideon kung bakit parang biglang kumabog ang dibdib niya sa narinig mula kay Hera.

"Talaga? Ninakawan ka ng halik. Pagkasuwerte naman ng lalaking iyon. Dapat binigyan mo ng mag-asawang sampal." May action pang sabi ni Mang Mando.

"Ayos lang po. Ang totoo.. um.. masarap naman po siyang humalik at guwapo." Pabulong na sabi ni Hera pero narinig naman iyon ng lahat. Sinundan pa nito ng bungisngis.

"Kasing guwapo kaya ni Gideon 'yan?" si Mang Mando ulit. Ilang sandaling hindi nagsalita si Hera. Nag-aabang naman siya ng sagot nito pero hindi siya umaasa na sasabihin nitong guwapo siya.

"Oho." Napangiti si Gideon sa narinig na sagot ni Hera pero pilit sinusupil ang ngiti na iyon.

"Ayun!" Napalatak si Mang Mando na may kasama pang palakpak.

"Narinig mo 'yon, Gideon? Guwapo ka raw sabi ni Hera." Hera immediately turned to him. Her eyes widened nang makita siya.

"Kumusta? Sabi na nga ba naguguwapuhan ka sa 'kin." Tumabi siya rito at kinuha ang empanadang iniabot sa kanya ni Cecille. Alam na nito kahit hindi pa siya magsabi.

"Walang nobya 'yan si Gideon, Hera, pihikan masyado ang batang 'yan. Bente siyete anyos na pero hindi pa rin nag-aasawa. Baka naman si Hera na ang para sa 'yo, Gideon. Ligawan mo kaya." Suhesyon ni Mang Mando.

"May pag-asa kaya si Gideon sa 'yo, Hera, kung manliligaw sa 'yo?" si Mang Berting naman ang nagtanong. Kapitbahay ito nila Mang Mando. Napansin niyang naiilang na ang dalaga sa mga tanong ng mga naroroon.

"Sige ho. Liligawan ko na si Hera." Hinawakan niya ito sa kamay at hinila palayo. Kantiwayan ang lahat.

"Pambihira naman itong si Gideon oh, ang bilis naman. Ako ang puporma kay Hera eh!" Narinig niyang sabi ni Langkoy, hindi tunay na pangalan. Espadang isda sa tagalog ng Langkoy. Ang payat kasi nito kaya iyon ang bansag dito.

Heredera Series 1 - HERA Where stories live. Discover now