Chapter ten

56.2K 1.1K 40
                                    

KINUHA ni Hera ang pantalon niyang nasa paanan ng kama at isinuot.

"Bossing! Totoo ba ang nabalitaan ko na isa kang de Buenavista at Monticello?" narinig niya si Barok mula sa labas ng silid. Hindi man niya ito nakikita pero napi-picture niya ang mukha nitong namamangha. Sinuklay niya ang mahabang buhok gamit ang kanyang mga daliri saka tinungo ang pinto para lumabas.

"Grabe, Bossing. Bakit wala kang—" nabitin sa lalamunan ang anumapamang sasabihin ni Barok nang makita si Hera. Parang nakakita ng multo ang itsura ni Barok habang nakatingin kay Hera.

"Ano'ng ginawa niyo? 'Di ba magkapatid—"

"Wala kaming ginawa, Barok! 'Wag ngang marumi ang utak mo. Nagpalipas lang ng gabi si Hera." Marahang angil ni Gideon sa kaibigan.

"Siya nga pala may kasama—"

"Gideon!" Hindi pa man tapos ang sasabihin ni Barok ay may babae nang pumasok. Halos patakbo itong lumapit sa kinatatayuan ni Gideon at yumakap sa lalaki.

"God, Gideon! I missed you so much!" Hindi agad nakakilos si Gideon na mukhang nagulat sa pagdating ng babae. Napapaisip naman si Hera kung sino ang babae. Maganda ito at halos kasingtaas ni Gideon.

Kumalas ang babae mula sa pagkakayakap kay Gideon.

"Tamara.. A-anong ginagawa mo rito?"

Nahigit ni Hera ang hininga niya. Parang hinugot ang puso niya mula sa ribcage niya sa narinig. Kung gayon ay ito ang ex-girlfriend ni Gideon.

"Kakarating ko lang kahapon, pumunta ako sa rancho para makita ka. Eh sabi ni Barok nandito ka raw, sakto papunta siya rito kaya sumama na ako sa kanya." Buong suyo nitong hinawakan ang mukha ni Gideon at kitang-kita sa mukha nito ang pananabik.

"Sobra kitang na-miss. It's been two years.. Ngayon lang ulit ako nakauwi."

Bigla ay nakaramdam ng pagkailang si Hera at sakit sa puso. Literal na nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib dahil sa pagtitig ni Gideon sa babae at parang nakalimutan na naroroon siya. Napaatras si Hera at hindi sinasadyang maatrasan ang bilog na silya at natumba iyo sa simento na lumikha ng ingay. Lahat ay napatingin sa kanya. Ang babae ay bakas ang gulat nang makita siya. Ngayon lang siya nito napansin.

"Ahm.. Mauna na ako," agad siyang napayuko at kinuha ang horse-riding boots na nasa gilid ng bamboo seat. Umupo siya at nagmamadaling isinuot ang boots. Gusto niya agad makalabas at baka hindi na niya mapigil ang luhang kanina pa gustong kumawala mula sa mata niya.

"Ihahatid na kita, Hera," Gideon offered.

"H-hindi na. I can manage myself." Pilit niyang tinatagan ang boses.

Tumayo ito at hinarap si Gideon.

"Makikiusap uli ako sa 'yo, Gideon. Puntahan mo si lolo. Kahit para sa 'kin na lang. Kahit alang-alang na lang sa pinagsamahan natin. Kahit naman papaano may nabuong pagkakaibigan sa pagitan natin 'di ba?"

Mabilis na tumalikod si Hera. Kasabay ng pagtalikod niya ay pumatak na ng tuluyan ang luha niyang kanina pa pinipigil. Mabilis siyang lumabas ng bahay. Huminga nang malalim at pilit na kinakalma ang sarili.

"Sino 'yon?" narinig niyang tanong ng babae.

"Si Hera, kapatid ni bossing sa ina."

"Oh, I see, she's pretty, huh." Hindi agad si Hera umalis. Nanatili siya sa labas ng pinto. Inaantay ang sasabihin ni Gideon. Umaasa ang puso niyang itatama ang maling akala ni Barok; na hindi sila magkapatid at may pagtingin ito sa kanya.

"Ano nga palang ginagawa mo rito? Bakit bigla kang umuwi." Bagsak ang balikat ni Hera sa narinig. Bakit ba siya umaasa ng gan'on? Tingin ba niya sasabihin iyon ni Gideon sa first love nito.

Heredera Series 1 - HERA Where stories live. Discover now