Chapter 15 Rainy Days and Mondays

Magsimula sa umpisa
                                    

“Pinagsasabihan lang naman kita, eh mali naman talaga ang triangle mo eh, pano mo masasabing 45◦ yan samantalang 30◦ yan. Kailangan mo ng 45◦-90◦!”

“Hindi ba toh 45◦-90◦?”

“BO!....” before I said something stupid and before she throws the triangle ruler… “BO-ANG!” ang nasabi ko na mas okey naman sa bobo.

“Oo na! Lumayas ka na, kailangan ko toh ngayon.”

Nagpatuloy siya sa paggawa at feeling ko mas kailangan ko siyang tulungan ngayon. Kaso baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon kaya minabuti ko na lang na iwan siyang mag-isa.

After several minutes, nang palapit na ako sa building. Bumuhos na ang ulan.

I immediately thought of Portia na nakakalat ang mga gamit sa roundtable. Kinuha ko ang aking makapangyarihan na payong na may flower prints pero take note; hindi naman sakin. Hindi ko rin siya ninakaw, it was meant na mapunta sakin.

Tumakbo ako agad sa roundtable upang payungan si Portia na nagmamadaling inaayos ang mga gamit.

Napayungan ko siya agad and it’s just about time na bumuhos ang napakalakas na ulan.

Sa ilalim ng aking payong

Payong

Payong

Payong

Eh

Eh

Eh

Eh

….

Dahil sa lakas ng ulan at biglaang pag taas ng tubig sa kalsada, biglang nag-announce ng walang pasok. Pinauwi ang mga estudyante ng wala sa timing.

At dahil taga payong pa rin and role ko sa buhay ni Portia, na hindi naman umepek dahil nabasa rin naman kami habang nag-aabang siya ng sasakyan sa may sakayan.

“Kung gusto mo, dun ka na muna sa apartment ko. Basang basa ka na. Patuyo ka muna dun. Aabutan ka ng baha dito.”

“Sige, umuwi ka na. Maghihintay na lang muna ako ng jeep.”

“Wala ng jeep! Sa tingin mo ba makakasakay ka ngayon?”

“Iwan mo na nga lang ako!”

Lumapit siya sa kalsada at sa sobrang tigas ng ulo niya natalamsikan siya ng tubig baha mula sa dyip na dumaan.

Galit na galit siyang lumapit sakin habang tawa ako ng tawa sa pagmumukha niyang basang basa ng tubig baha.

“Tara na!” yaya niya sakin sabay agaw ng aking payong.

Basang sisiw na nakatayo si Portia sa tapat ng bintana habang tumatawag sa Mama niya.

Mula sa bintana, halos wala kang makita sa madilim na kapaligiran.

“Susubukan kong umuwi mamaya Ma…. Pero ayokong matulog dito!.... Basta Ma, uuwi ako mamaya!... okey Ma, ingat kayo diyan ni papa.” Kausap niya ang kanyang ina sa cellphone.

Umupo ako sa sa tapat ng study table at tiningnan isa isa ang mga drawing ni Portia na unfortunately, lahat mali.

“Ulitin mo lahat tong drawing mo mali toh lahat.”

Sabi ko sakanya habang nanatili siynag basa at nakatayo sa tapat ng bintana.

“Tutal alam mo naman kung paano gawin yan, bakit hindi na lang ikaw ang magtapos.”

“Ilang activities ba ang kulang mo?”

“Eight!”

“Ituturo ko sayo, halika dito..” yaya ko sakanya. “Teka, bakit hindi ka muna magpalit ng damit? Magkakasakit ka niyan eh!”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon