February 14, looks like a normal day as I headed out early. This is the first time I'm celebrating a Valentine's day with my own girl. I originally planned on a formal date with Yshara today, but knowing her she might refuse it. Ayaw niya sa fancy restaurant at formal date. She likes everything to be casual.

Maaga akong gumising ngayon upang makapag-take out sa Jollibee na palaging pinipili ni Yshara. Since I personally know the owner of this branch near us, nagspecial request ako sa kanya. I asked for a bouquet of fried chicken, bouquet of fries, buoquet of burger, bouquet of peach mango pie, and bouquet of jolly hotdog.

"Dude! Thank you talaga. Babawi ako kapag engineer na!" Ani ko sa kanya. Tinulungan niya akong maglagay ng mga bouquet na iyon sa trunk ng kotse ko. Pinalibutan ko iyon ng tatlong bouquet ng red and white roses na ako mismo ang pumitas at nag-arrange mula sa garden namin.

Nang maisaayos ko na ang lahat ayon sa plano ay niliko ko na ang aking McLaren patungo sa bahay nila Yshara, napagkasunduan naming lagi ko na siyang susunduin tuwing umaga at ihahatid na rin pauwi, ilang buwan na lang kasi ay graduation ko na, malaki ang posibilidad na mababawasan ang mga bagay na kaya ko pang gawin para sa kanya ngayon.

Eksaktong paglabas niya sa gate ay pagparada ng kotse ko sa tapat ng gate nila. She waved at me and smiled widely. Napangiti rin ako nang malawak dahil doon. Bumaba ako at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap. Everyday I love her and everyday I miss her too.

"I miss you!" Ngumuso siya sa akin nang silipin at pasadahan ng tingin ang buong mukha ko. Ang pagnguso niya ay unti-unting napalitan ng ngiti. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya at doon ay marahan niyang pinadaan ang palad sa likod ko. "I miss you so much..."

"Baby Happy Valentine's day..." Bulong ko kasabay nang pagbukas ng trunk ng kotse habang nakatalikod siya mula rito. I extend my arm to give her a sign to look at her back.

Kitang-kita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata, kasabay nito ang pagtakip niya sa kanyang bibig, dahil sa labis na pagkagulat. "All your favorite because you're my favorite person now. Baby, Happy Valentine's Day!" Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin, pulang-pula ang ilong at mga mata dahil sa pag-iyak. Tumingkayad siya upang maabot ang batok ko, doon ay pinilupot niya ang kanyang braso, at mahigpit akong niyakap.

"Did I surprise you?" Tumango siya. "Did I make you happy?" Paulit-ulit siyang tumango. Bumitiw siya sandali sa akin, inayos ang bahagyang nagulo niyang buhok, marahang pinalis ang bakas ng luha sa kanyang pisngi.

"You never failed to surprise me. I honestly didn't prepare anything..." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "But...I wanted to spend this whole day with you...Happy Valentine's Day!" Tsaka siya muling yumakap sa akin, mas mahigpit, sapat na upang masuklian ang ginawa ko, kahit hindi naman talaga ako nag-e-expect ng kapalit mula sa kanya. I just want her to fall in love with me like the way I did.

Pinatugtog ko ang My Valentine habang nagmamaneho, nagulat ako nang umusod siya bahagya papalapit sa akin at marahang sinandal ang ulo sa balikat ko, inangat niya sa ere ang kanyang mga kamay at nagmuwestra ng mga salita. "By the way, I miss you too! Every day I miss you!" She bit her lower lip, napalunok ako.

Mabilis kong tinigil ang kotse sa gilid, tinanggal ko ang seatbelt ko, sinikop ang dalawa niyang kamay at tinaas sa ere. She swallowed hard, I did the same. Nangungusap ang kanyang mga mata ng makipagtitigan ito sa akin. Sinasalamin ng mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ko ang kanya. "I wanna kiss you..." Namamaos ang boses na pag-amin ko sa kanya. "I want my lips on yours...I wanna kiss you so bad..." Please give me your permission. "Mababaliw na ata ako." Marahan kong kinalas ang kanyang seatbelt. "If you don't like what I'm doing now, you may refuse." Sinandal ko ang aking noo sa kanyang balikat na tila ba pagod na pagod ako.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon