"It's the only thing that marks me, idiot!"
Sigaw rin ni Atlas sa kanya habang nilalayuan siya.


"Kung ayaw mo edi 'wag ka nang sumama. Ako na magiging partner ni Shinshi!"
Sigaw ni Wilder sa kanya kaya nakatanggap agad siya ng palo ng mini bag ni Alice. "Sinama-sama mo ako rito tapos—" Nginitian kaagad ni Wilder si Alice at tsaka tiningnan si Shinshi na wala namang pakialam sa kanila.

Tinapon niya nalang ang perfume kay Atlas.


"Hey, ba't ang ikli niyan?"
Agad na tanong ni Lucas kay Chloe nung makita niya ang damit nito.


"Sinadya ko 'to, so I could find my peace and search for my own vampire man."
Chloe teased. Napangiwi naman si Lucas at tinapon kay Chloe ang blazer niya at sinabihan siyang takpan ang legs niya. "Ano bang silbi ng skirt kung tatakpan ko?" Natatawang tanong ni Chloe.


"Tatakpan mo o hindi tayo aalis?"
Tanong ni Lucas kaya saglit na natigilan si Chloe at kinagat ang ibabang labi niya at inisip na si Zia ang gusto ni Lucas. Ngumiti lang siya at tinapon pabalik kay Lucas ang blazer nito.


"My body, my choice of dress."
Sabi ni Chloe at tinabihan nalang si Celise. Nagkibit-balikat nalang si Lucas at agad silang yumuko nung dumating na sina Jun at Xin. Nasa likuran naman nila sina Xy at Dolly na parang pupunta palang sa burial site ng mga magulang ni Dolly.

Wilder's eyes sparked after seeing Xin.


"Tito! Mag-aapply na po akong kabet!"
Wala sa sariling sigaw ni Wilder kaya agad na tinapon ni Xy sa kanya ang isang throw pillow. Sinalo lang ito ni Wilder at niyakap pa. "Kaya naman pala hinahabol ang pinsan ko dahil manang-mana kay Tita~" Nakangiting sabi ni Wilder habang yakap-yakap ang unan.

Napairap nalang sina Xy at Ash.


"Nabaliw na naman."
Sambit ni Ash at tiningnan ang pinto kung saan kakapasok lang ni Azura na naka-red evening dress na may desinyo ng apoy. Everyone looked at her and greeted her. "Everyone, this is Princess Azura. Princess of the Fire-breathing Dragon Clan." Pagpapakilala ni Ash sa kanya.

Ngumiti naman si Azura at binati ang team.


"Ahh, 'yung gumagaya kay—"
Tinakpan agad ni Archer ang bibig ni Audin at hinila nalang siya papunta sa kusina. Mabuti nalang at hindi ito narinig ni Azura dahil kinakausap ito nina Celise at Chloe.

"Dolly, anak. We'll celebrate it with you next time, okay?" Malambing na sabi ni Xin kay Dolly na nasa tabi lang ni Xy. Ngumiti naman si Dolly at tsaka niyakap si Xin.


"Pre, legal na legal na talaga kayo 'no? Anak na tawag sa kanya ni Tita. Dapat 'Mama' narin itawag niya kay Tita."
Panunukso ni Wilder sa kanila. Umangat lang ang gilid ng labi ni Xy at tiningnan si Dolly na agad naman siyang iniwasan at sinabing tutulungan muna nito si Zia sa damit niya.

Napakamot nalang si Xy sa batok niya.

"Hoy, mag-iingat kayo ah? Walang iinom. Maliban kay Wilder. Hayaan niyo 'yan." Sambit ni Walter na kakapasok lang kasama si Keya. Agad naman siyang hinampas ni Keya pero natawa lang siya. Itinaas naman ni Wilder ang kamay niya.


"Don't worry, Dad! I'll make you proud."
Nakangising sabi ni Wilder. Sabay na napairap sina Alice at Shinshi dahil dito. Wilder was already being wild even though they weren't at the party yet.


"Ash, Shinshi, kayo na bahala sa mga batang 'to."
Sabi ni Seth na kakapasok lang rin sa Alpha Mansion. Napangiwi nalang sina Archer dahil sa tinawag ni Seth sa kanila pero hindi rin naman sila umangal. Tumango lang sina Ash at Shinshi dito.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now