Chapter 5 : Hear my voice

Start from the beginning
                                    

“Teka diba may Collega Algebra ka ngayon? Di ka papasok?” Tanong ko sa kanya at taas-noo lamang siyang ngumiti. Kahit kailan, ang hilig niya talagang lumiban sa kaklase at for sure wala siyang ibang gagawin dito kundi manood lamang ng Korean drama.

“Nga pala Erin, nakita mo ba ang cellphone ko? Kanina ko pa kasi hinahanap eh.” Aniya habang nagkakamot ng ulo kaya umiling-iling ako.

Minsan may pagka-shunga rin kasi tong si Melody. Ang bata-bata pa pero napaka makakalimutan na. Naalala ko pa noon, naiwan niya ang cellphone niya sa loob ng CR at kung sino-sino na ang pinagbintangan niyang nagnakaw nito.

“Aish! Diba may schedule ka mamaya sa radio program mo? Please naman Erin oh, paki-page ang phone ko. Baka kasi naiwan ko sa classroom tapos may nakahanap pala. Please!” Pakiusap niya sabay pa-cute kaya tumango-tango na lamang ako at napangiwi.

“6pm ang schedule ko mamaya. Lets get dinner afterwards. Sabay-sabay ulit tayo ng iba.” Paalam ko sabay kaway pero umiling-iling lamang siya at humagikgik na para bang kinikilig.

“Pass muna ako Erin, May date ako.” Aniya kaya pabiro ko na lamang siyang inirapan bago tuluyang umalis.

*****

“Good Afternoon guys.” Bati ko sa lahat ng staff nang dumating ako sa broadcast room. Nagtaka ako kasi nakangiti man silang lahat, para namang may agam-agam sila. May problema ba?

“Erin bakit ka umabsent kahapon?! Yung hayop na si Sabrina tuloy ang pumalit sayo!” Agad sumalubong sa akin ang nakasimangot na mukha ni Avery pero imbes na mag-alala eh napangiti na lamang ako. Avery looks pissed but dahil sa singkit niyang mga mata at chubby cheeks eh ang cute parin niya. She’s such a cutie lalo na sa black hair niyang may yellow highlights sa lower part.

“Long story Ave, minalas ako super!” Biro ko na lamang at inabot sa kanya at sa iba pang staff ang dala kong pizza para sa kanila. Pampalubag loob, and it worked.

“Well let’s begin our broadcast bago pa dumating si bossing at pagalitan ka.” Wika ni Avery at isinuot sa akin ang headphones.

“May I have a word with you Ms. Eusebio.” Nang marinig namin ito ay kapwa nanlaki ang mga mata namin ni Avery.

“Speaking of the old succubus.” Mahinang sambit ni Avery kaya kahit na kinakabahan ay hindi ko maiwasang matawa.

“Good afternoon po Ma’am Lily, pasensya na po talaga—“ Hindi pa ako natapos sa pagpapaliwanag eh bigla na lamang niyang itinaas ang kamay niya na para bang pinapatahimik ako at tinaasan pa ako ng kilay.

Kung hindi lang talaga siya ang Radio Supervisor namin, matagal ko na siyang pinatulan kahit na matanda siya.

“I’ll be reducing your program hours. Don’t take this is as punishment, think of this as a demotion since you screwed up and Sabrina saved the broadcast.” Aniya sabay turo sa likuran niya.

Ngayon ko lang napansin ang dalawang impaktang nakatayo sa likuran ng matandang demonya—Si Sabrina at ang alipores niyang si Kitty. When our eyes met, they both waved at me and smirked with arrogance.

 Hindi ako pikon but these girls are really testing my patience. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa kanila para bwisitin ako ng ganito.

“Pack your things up Ms. Eusebio, you’ll be in the 10pm show.” Wika ng matandang impakta kaya otomatiko akong napangiwi.

“But ma’am!”

“Erin, its almost showtime. I need to begin MY show, You should, Alam mo na…” Sabat ni Sabrina at sarkastikong ngumiti sa akin.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now