Chapter 11- Irritating Daddy Deon

14.4K 382 19
                                    


Diana's Pov:

Dali-dali akong bumangon sa kama at agad na pumunta sa banyo at nagsusuka. Naiiyak na ako dahil sa asim at halos tubig na lang ang dinuduwal ko.

Nanlalambot akong napaluhod sa harap ng inuduro nang may humaplos sa likod ko.

"Hey are you okay?"

Agad akong napalingon ng makita si Deon. Hindi ko alam basta ay niyakap ko siya nang mahigpit at umiyak.

"D-deon huhuhu"

"Shh. Why are you crying?" magaan na sabi nito sakin.

Kaya naman ay mas napaiyak ako.

"Wa-wala na akong mai-maisuka ayoko na. Huhuhuhu" pahikbi kong sabi at nanlambitin sa leeg ni Deon at yumakap pa nang mas mahigpit.

Hindi ko talaga alam basta ay gusto kong yumakap sa kanya ngayon.

"Hey tahan na. Do you need water? It will make you feel better" sabi nito habang hinahagod ang buhok ko.

Napasinghot ako at tumango.

"Okay hold tight to me"

Yinakap niya ako ng mahigpit at pinasan. Ang mga kamay ko ay nakapulupot sa leeg niya habang ang aking mga binti ay sa bewang niya. Pero kahit ganun ang itsura namin pababa ng kusina ay hindi ko man lang naramdaman ang kahit na anong hiya.

Binaba niya ako ibabaw ng mesa at agad  naman niya akong binigyan ng tubig.

"Deon?" Sabi ko pagkatapos uminom.

"Hmm" sagot nito habang nakatayo sa harap ng refrigerator at may hinalukay.

"Gusto ko ng lugaw na maasim dapat gawa sa mangga ang asim hindi sa sampalok"

Napatingin ito sakin at bumuntong hininga kalaunan.

"Okay but stay here. I'll buy the mangoes" sabi nito at umalis. Napangiti naman ako at nilantakan ang oreo na binigay niya kanina.

"Deon pakiabot ng remote" sabi ko habang nakaupo sa sofa at nasa harap ng tv. Himala ata at hindi siya pumasok ngayon kaya ayan tuloy siya ang kinukulit ko. Sarap kasing kulitin eh.

Napabuntong hininga naman siya.

"Diana, you know that the remote is near you at mas malayo sakin. Why don't you get it yourself?" Sabi nito na parang pinipigilan ang inis.

Agad akong napasimangot at hindi nagsalita. Kung ayaw naman niyang kunin eh bakit pa siya nagco-comment. Tss

"Diana" sabi nito na mababa ang tinig. Nagtitimpi parin.

Tumalikod ako sa kanya at hindi siya pinapansin.

"Haaayyy. Fine" Naramdaman ko siyang tumayo sa working table niya at tinigil ang ginagawa at lumakad papalapit sakin.

Kinuha niya ang remote na nasa lamesa kaharap ko at umupo siya sa tabi ko. Hindi ko parin siya pinapansin.

"Diana what do you want to see? What channel?"

Hindi ko parin siya pinansin at inungusan lang. Bahala siya dyan.

"Diana are you angry?" Tanong nito.

Hindi ko parin siya pinapansin.

Narinig ko siyang napabuntong hininga ng malalim. Nilagay niya sa kamay ko ang remote at tumayo.

"I'll go buy some pizza"

Agad nagningning ang mata ko at  napangiting humarap sa kanya.

"Yung may maraming mangga sa ibabaw ang bilhin mo ha?" Sabi ko habang ngiting-ngiti. Nawala bigla ang galit ko. Takam na takam tuloy ako sa pizza.

"Of course Diana. Anything for you and the baby" sabi nito at umalis.

Napangiti naman ako at pinagpatuloy ang panunuod.

Deon's Pov

I smiled. Diana's really getting into my nerves but she doesn't  fail to make me smile.

Pagkatapos kong bilhin ang isang box nang pizza na inorder niya that is worth 1 thousand because the pizza house doesn't have an overloaded manggo pizza, ay nilantakan kaagad ni Diana ito at nakalimutan pang magpasalamat.

"Eat well Diana" I said.

Tinanguan lang ako nito at hinde na pinansin. Napailing na lang ako at bumalik sa trabahong naiwan ko.

Diana's Pov

Maghapon lang akong nakatambay sa entertainment room at nanunuod ng tv. Nang mag gabi na ay napagod ako sa maghapong pagkaupo.

Kaya naman ay tinamad akong bumangon.

"Deon" mahinang sabi ko habang pinipigilan ang antok.

"Hmm?"

"Tinatamad akong maglakad"

Tiningnan ko siya, agad naman itong niligpit ang laptop at agad na lumapit sakin at binuhat ako. Agad akong napasiksik sa dibdib niya.

'Ang bango nakakaantok tuloy'

Pumasok kami sa kwarto ko at inihiga niya ako sa kama at inayos kaagad ang kumot ko.
"Deon kantahan mo ako"

Natahimik ito sandali bago nagsimulang kumanta.

"Because of you, my life has change
Thank you for the love and the joy you bring"

Woww ang galing niyang kumanta.

"Its because of you.. Sleep now Diana"

Tapos na pala. Hindi ko man lang namalayan.

"Deon?" Sabi ko nang mahina. Antok na ako.

"Hmmm?"

"Salamat"

Napatahimik ito bago nagsalita.

"For you and the baby Diana. For you and our baby"

Naramdaman ko itong tumayo at hinalikan ako nito sa noo.

"Sleep well"

Hinaplos muna nito ang buhok ko bago umalis. Napangiti na lang ako at ipinikit ang mga mata.

Accidentally Surrogated✔Where stories live. Discover now