CHAPTER 8-THE DIANNA CHAVEZ PART 2

15K 378 4
                                    

Dianna's Pov

Kanina pa ako pabaling-baling sa kama ko pero hinde parin ako dinadalaw ng antok.Nag alala na talaga ako sa mga kapatid ko.


Flashback

"Dianna ne!may naghahanap sayo dito!Mabuti ngat napagtakpan ka kaagad ng mga kapitbahay natin.Ano ba kasing nangyari? Nag alala na rin pati mga kapatid mo"

"Pasensya na po talaga Aling Charing,hinde ko pa talaga kayang sabihin sayo.Basta po pag may naghahanap sakin sabihin niyong naglayas ako. Wag niyo rin pong sabihin na may kapatid ako.Itago niyo na po muna sila Tata at Toto"

"Eh wala namang problema sakin iyan iha.Ikaw ang pinag alala ko"

"Wag kayong mag alala Aling Charing,nasa ligtas po ako na lugar"sagot ko na lang.

"Ikaw ang bahala iha,mag ingat ka dyan ha?"

"Opo Aling Charing saka salamat po pala at baka mapapadalan ko rin kayo ng pera sa susunod na linggo para sa pagkain at gamot ni Tata"

"Sege iha"

"Bye ho"

End of Flashback


Mabuti nalang talaga at mababait ang mga kapitbahay ko at lalong-lalo na din si Aling Charing.

Napabuntong hininga ako.Maganda naman na sana ang lagay ng buhay namin ng hinde pa namatay si Tatay at hinde pa nag layas ng bahay si nanay at namatay.

Isang semester na lang at ga-graduate na ako sa kursong BSED major in English pero ng dahil sa nangyari ng itay at inay ay napilitan akong tumigil para magtrabaho para may pangtustos ng pang araw-araw naming magkakapatid at makapagpatuloy sina Tata at Toto sa pag aaral.

Hinde ko mapigiliang mapaluha.Ang hirap ng buhay.Mahirap maging tagaguyod ng pamilya.Kung may pagpipilian ka lang sana pero wala.Gusto mong pagpahinga pero hinde pwede,gusto mong tumigil pero hinde rin pwede.

Okay naman na ang trabaho ko sa umaga bilang isang tindera ng grocery store at isang waitress ng isang kilalang restaurant sa gabi,ngunit nagbago lang iyon ng magkasakit si Tata sa puso.Noon pa man ay mahina na si Tata.Hinde ito masyado makatakbo ng mabilis at madali kaagad itong mapagod pero hinde namin akalain na may sakit pala talaga ito kaya naman ng maospital ay napakalaki ng nagastos ko.Lahat ng naipon ko sa bangko para sa umaabot na pang college ni Toto ay nagamit ko na.

Pero hinde parin iyon sapat.Nangangailangan na talaga ako ng pera kaya nang lumapit si Baldo at ginawa akong sidekick ay tinanggap ko na kahit alam kong dilekado.Kilala kasi si Baldo sa barangay namin bilang raketera ng masasamang gawain,pero ng mga panahong iyon ay wala na akong ibang pagpipilian malapit ng maubos ang gamot ni Tata at syaka wala pa akong pambayad sa ospital kaya naman kahit labag sa akin ay ginawa ko na.

Nagsisi ako.Muntik ng mawala ang buhay ko.Pero huli na ang lahat.Nagawa ko na.

Pinunasan ko ang luha ko at naglakad palabas ng kwarto at pumuntang kusina.Kumuha at uminom ng tubig.

Madilim na pala,mukhang natutulog na ang lahat ng tao.Napabuntong hininga at pumunta sa living room at doon humiga sa isang malaking couch.

Hinde ko na lang namalayan ay nakaidlip ako.

Deon's Pov

Untill now bumangabag parin sa akin ang nalalaman ko.

Napahilot ako sa ulo at pinagpatuloy ang pagmamaheno.Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa bahay.

Nang makarating ako ay pumasok ako.

All the lights are turned off,mukhang natutulog na yata ang lahat ng tao--

Napatingin ako sa living room when I hear a snore,only to found out Dianna sleeping peacefully.

Napabuntong hininga ako at napailing.

Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng to sinabi ko ng alagaan ang sarili niya pero heto at natutulog lang sa sofa at walang kumot,ang ginaw pa naman.

Binuhat ko na lang siya at dahan-dahang nilagay sa kama niya at kinumutan.Umupo ako sa gilid ng kama niya and stare at her.

She is really simple yet beautiful.Kaya hinde talaga ako maniniwala na nagawa niya ang bagay na iyon.

Nilagay ko sa likod ng tenga niya ang tumatabing na mga buhok sa kanyang mukha.

'Tss,I think we are not gonna talk tonight. Good night sleepy head'

I tuck her to bed once again and quietly leave the room.

Accidentally Surrogated✔Where stories live. Discover now