Nagngingitngit na itinapon ni Sir Nathan ang nakabolang na ngayong newspaper sa akin. Buti at mabilis akong naka-iwas. Nice reflex, sis!

"Can you be serious for just a minute?" Naiinis niya utos sa akin.

"Hay naku, sir. Ikaw lang naman ang makakasagot sa tanong mong 'yan kasi mismong ikaw ang naka- experience. Sa tingin mo ba naging maganda ang epekto sa iyo nun? Lahat naman kasi siguro ng desisyon natin may kapalit na kasing bigat ng pinili natin. Pero kong ako talaga tatanungin mo, sir, gusto kong lumaki si Noah na naranasan niyang makipag bangayan sa mga kaklase niya dahil masyado silang tamad, maki-tawa, magkaroon ng highschool crush. Iyong mga ganun ba, sir. Hindi lang naman kasi about school ang paaralan marami ka ring mapupulot na life lessons at memories." Char! Nag i-essay ka gurl?

Hindi na sumagot si, sir. Tahimik lang itong napatitig sa kawalan. Mukhang napa-isip yata si boss sir

Inabala ko nalang ang sarili ko sa  nilulutong sabaw. Pinatay ko ang apoy at kumuha ng bowl. Ihahanda ko muna ito bago gisingin si Noah. Isa-isa ko ng nilagay ang sabaw at kanin sa lamesa.

"Sir? Mag-aalmusal po kayo?" Tanong ko dito. Tapos na kasi siyang mag-moment.

"What did you cook?" Bulag lang sir? Nasa harapan mo na nga tinatanong pa. Nako ha!

"Sinabawang baboy po, sir."

"I'll eat." Kumuha pa ako ng isang plato dahil trip daw kumain nitong si sir.

"Sir, tawagin ko lang si Noah." paalam ko dito pero sa halip na sumagot ay tumayo ito mula sa pagkaka-upo.

"I'll go with you. Come on." Nauna na itong naglakad sa akin papunta sa kwarto ni Noah.

Alam mo sir hindi ko rin matanto kung anong tumatakbo diyan sa kukuti mo eh. Kung ikaw lang din naman pupunta sana sinabi mo kaagad para hindi na ako nag-effort. Gusto ko sana sabihin ang mga katagang 'yon kaso baka isabit ako ni sir sa labas ng bahay.

Tulog pa si Noah pagpasok namin sa kwarto kaya nilapitan ko ito at marahang niyugyug.

"Baby, wake up ka na. Kakain na tayo ng agahan eh." Sabi ko dito at hinalikan ito sa noo. Niyakap lang ako nito at sumiksik.

"Hey bud, wake up. We have a lot of things to do today." umupo si sir sa kabila ko at kinuha si Noah mula sa akin. Bumukas ang mata ni Noah at gulat na gulat na napatingin sa ama niya.

"Daddy! You're here!" gulat na tili niya. Myghad! ang eardrums ko, beh.

"Yup. Come on, daddy will be with you all day." Nakangiting sabi ni sir. Para namang nalusaw ang puso ko sa nakita. Alam kong hindi gaanong maganda ang relasyon ni sir at ni Noah bago mawala ang bata. Nakwento kasi 'yon ng nanay ni sir Nathan. Kahit pagdating namin dito medyo awkward pa si sir pagdating kay Noah pero ngayon ang harmonious na nilang tingnan. Masaya ako para kay Noah.

"My, let's go." nakatayo na silang dalawa sa may pintuan. Hawak-hawak ni sir Nathan ang kamay ni Noah. Mabilis akong tumayo at sumunod sa kanila.

Pagkatapos naming kumain at maglinis. Dinaluhan kami ni sir Nathan sa aming study session. Nandito kami sa may sala at may nakakalat na mga papel, libro at lapis at crayons sa paligid mayroon ring maliit na chalkboard na nakatayo sa aming harapan. Kakatapos lang namin magsagot ng medyo mahirap na math problems. Si sir kasi ang nagbigay nun. Pasagutin ba naman ng integrals ang bata. Naloka kaming dalawa ng bulilit hahaha. Tinulungan naman siya ni sir na sagutin 'yon kaya pati ako napalaban.

Ngayon pina-practice ko naman ang memorization skill niya. Pinakita ko sa kanya ang isang printed na papel na may nakapaloob na isang daang drawings. Simple lang naman like bags, shoes, house ganun. Makakatulong daw kasi ito.

"Okay, start ka na, by." Sabi ko dito. Kinabahan ako bigla kasi nandito si sir. Feeling ko pag namali si Noah madi-disappoint namin ang ama niya.

"House, bed, bowl, towel, robe, rice, soap, glass, soup,shoes, shirt, bag..card and pen." hingal niyang tinapos ang mga salita at pagkatapos ay ngumisi sa amin. Proud na proud ko naman siyang niyakap at hinalikan. Ang galing talaga! Last time na nag ganito kami medyo nahirapan siyang tapusin kasi minsan nalilito siya pero ngayon dire-diretso lang.

"Ang galing-galing naman ng baby ko!" Masaya kong sabi sa kanya.

"Yes po, mommy. I'm mana po sayo." Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni sir. Echos ka sir! Di pwedeng maki-parenthood? Charot!

"Daddy, did I do a good job po?" baling niyang tanong sa ama. Lumapit si Noah dito at umaktong magpapa kandong na malugod namang ginawa ni sir.

"Yup, that's why I have a prize for you later. Austine, you can cook now ako na  ang bahala kay Noah. Let's bath, buddy." Tumango lang ako at tumayo na mula sa sahig.

Pagpasok nila sa dining area pareho silang nakasuot ng isang gray na t-shirt at isang jogger na white. Shet! Ang hot ni sir. Ialay ko nalang kaya itong virginity ko? Char! Baka mapalo tayo ni mami.

Ang cute rin ni Noah sa suot niya para siyang mini me version ni sir. Ang gwapo-gwapo lang ng anak ko.

"Come on, let's eat fast. We have a lot of things to do later. Austine magpalit ka na rin ng damit." Ani nito at umupo sa harap ng lamesa.

"Okay po."

Katulad nga ng sinabi ni sir nagwear nga ako ng something sporty. So ayon, nagsuot ako ng sports bra at jogger na itim. Wala itong joke mga sis, okay? Be proud of your sexy body. Kahit flat ka ipaglandakan mo sa world na flat is hot.

"WHAT THE HECK ARE YOU WEARING?!" umalingawngaw ang boses ni sir sa buong bahay. Napatakip tuloy kami ni Noah ng tenga. Ang O.A ng reaction sir ha! Masyadong over.

"Uh something sporty?" patanong na sagot ko sa kanya.

"You will change your outfit this instant o baka gusto mong sunugin ko lahat ng damit mo? Mamili ka." Galit na usal nito. Anong problema nitong lalaking 'to? Ano na namang issue mo sir?!

"Eh, sir! Wala na akong damit pang-lakad." kontra ko dito. This is a fact sis. Wala na talaga akong damit kahapon kasi ako naglaba. Aba! Malay ko bang aalis kami ngayon. Inuuna ko kasing labhan ang mga damit nila.

"I have decent clothes." matigas nitong sabi at umalis. Nakatanga lang ako doon hanggang sa nakabalik ito. May dala-dala si sir na kulay gray na damit.

"That's the smallest shirt I have in my closet."

Seryoso ba siya? Siya? Like as in si Nathaniel Craig Juariz?! Ipapasuot niya sa akin ang damit niya?  PWEDING KILIGIN NG OVER-OVER MGA BAKLA?!

-----------------------------------------------------------
Hi guys! Super duper busy na sa school, kunti na lang ang time ko para makapag-sulat at isip. Sobrang dami kasing mga paperworks na gagawin. May position paper, dalawang research at sunod-sunod na mga pts. Gusto ko ng mabaliw guys hahaha. Nagmamadali kasi sila dahil March 20 ang target nilang closing ng school year. Anyways, I love this story kaya gagawin ko ang lahat matapos ko lang 'to. Ginawa ko ito para iplease ang sarili ko in the first place hindi ko aakalaing marami ring susubaybay sa kwento ni Austine at nakaabot nga tayo ng 2k reads! Yey! 😭🙏🎉🎊Thank you so much po. I will find time to update both TCHF and TGA. Ciao!

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora