fairy ♡ eleven

13 1 5
                                    

"Psst. Oy," tawag sa akin ni Jaehyun, kaya naman ay naiinis akong nilingon siya. "Tangina ang sungit ah?"

"Bakit ba kasi? Natutulog yung tao, eh," sabi ko, and umiling iling naman siya.

"Ang gulo niyo naman kasi. Jaehyun oy! HAHAHAHA!" Sabi ni Jiyeon, so I sighed.

"May tatanungin lang ako," sabi ni Jaehyun, kaya naman ay tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ano yun?" Tanong ko, and then he sighed.

"Nakita ko kasi kayo nung Sungwoon. Alam mo naman siguro yung Neo at Produce rivalry?" Sabi ni Jaehyun, and napatingin rin si Jiyeon sa kanya.

"Seriously? Sineseryoso niyo yun? Yung rivalry na yun? Kahit sa mga students nakikipag-"

"Oo."

Bigla naman na dumating na si Sir Yixing kaya nanahimik na ang lahat. Bigla akong nawala sa mood.

Ano naman kung kinakausap ko si Sungwoon? E kaibigan ko naman na siya! Besides, sina Ria nga, sina Jiyeon, may jowa pa sa Produce!

Hanggang san kaya aabot yung pride nila?

♡♡♡

Habang pauwi ay nakabusangot pa rin ako. Naiinis ako kina Jaehyun. Hindi rin ako sumabay kina Jiyeon dahil gusto kong maglamon lamon muna.

Peste.

Sa paglalakad ko ay nabubuwisit pa rin ako. Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin. Just then, may nabunggo ako kaya naman napatigil ako at gumilid nalang pero pinigilan ako.

"Yeonjae? Nakabusangot ka?" sabi ng isang boses, kaya naman agad akong napatingala.

"S-Sungwoon. Sorry. Naiinis lang," sabi ko kay Sungwoon, and then he chuckled.

"Tara. Ikain nalang natin yan. Treat ko na. Game?" Sabi niya, and then napangiti naman ako bigla.

"Yey! Sure. Saan ba tayo?" Sabi ko at saka kumapit sa braso niya at hinila pa siya.

Nagulat naman ako kasi parang namumula siya, at nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko. I instantly let go of his arm and then sheepishly chuckled.

"Sorry na," sabi ko, and then natawa naman. "Crush mo ko 'no?"

"Oo. Gusto kita. Hehe. Wala namang kaso dun, diba?" Sabi naman niya, kaya nagulat ako.

P-Pota. Bumilis yung tibok ng puso ko at saka agad naman akong napabulsa ng kamay. Pota, Ha Sungwoon.

Since when were you this bold?!

"Nays! Kang Daniel, 7k preee! Yes! HAHAHAHA!"

"Tangina mo, Ong. Ikaw uubos sa pera ko,"

"A bet is a bet. HAHAHAHA! Lilibre ko nanaman sina Venus netooo! Halabyo Kang!"

"Pakyu. Ayan. 8k. Bigay mo yung 1k sa dalawa, pangdate nila,"

Nagpanggap naman akong wala akong naririnig, kaya napatingin nalang ako kay Sungwoon.

"Wala namang kaso," sabi ko, and then he gave me a smile before nodding.

"Magkaibigan pa rin tayo?" Tanong niya, and I laughed before nodding.

"Syempre naman. Lilibre mo pa kaya ako. San tayo?"

"E-Ehh, hahahaha! Sa Oneit Chicken nalang, baka may sumubaybay pa satin na OngNiel sa Wannable Pizza,"

"Waaaah! Sige!"

"Tara na?"

fairy ♡ ha sungwoonWhere stories live. Discover now