fairy ♡ nine

14 1 12
                                    

sungwoon's point of view

"Oy, Sungwoon," tawag sa akin ni Jisung hyung, kaya naman ay natigil ako bago ako umakyat sa kwarto ko sa dorm namin.

Dorm day kasi, at maaga akong umuwi. Paglingon ko naman ay lumingon lingon siya kaya inisip ko na may ibubulong siya sa akin. He stepped closer to me at saka na bumulong.

"Nakita ko si Ong kanina. Malaki ang pusta. Nagpustahan sila ni Daniel. Kung dun raw ba kayo sa ice cream shop ng tita mo pupunta o hindi. Sabi ni Ong na dun raw, dahil pasimple ka, tapos sabi ni Daniel na baka next time pa dahil mahihiya ka kay tita mo. Kumita ng 4k yun. Itago natin yung Ongnable galing kay Venus. HAHAHAHAHA," sabi ni Jisung hyung, at napanganga naman ako.

7500 na lahat ng nahatak ni Ong kay Daniel! Takte, dalawang araw palang yun!

Ambilis kumita! Makipagpustahan rin kaya ako? Teka, wag. Baka magaya ako kay Daniel na minamalas lagi.

"Tapos, 1500 lang iniabot niya kay Venus. Paiyakin natin," sabi pa ni hyung, kaya naman tumango agad ako bago natawa.

"Game ba! HAHAHAHAHA. Lagot yun," sabi ko naman, and then we gave each other a high five.

Tinawagan ko naman si Venus para sabihin sa kanya yung nangyayari, kaya nag-agree siya sa plano namin. Kasabwat ba. Payback sa ginawa niya.

♡♡♡

"Whoohoo! Ang malas ng isa jan!" Nakatawang sabi ni Ong habang papasok sila ni Daniel.

Nakabusangot si Daniel at akala mo ay gusto nang sakalin si Ong kaya naman natatawa kami ni Jisung hyung sa may gilid.

"Matutulog muna ako! Ibabalita ko kay Ongnable yung- ONGNABLE?! NASAN SI ONGNABLE?! HOY! ILABAS NIYO! MGA DEMONYO KAYO! IBALIK NIYO SI O-ONGNABLE KO!"

Tawa naman kami ng tawa ni Jisung hyung habang nakatalikod kaya tinignan kami ni Daniel. Nasa kwarto pa rin niya si Ong habang naghihysterical kaya nagpipigil rin kami.

"Huy, bat kayo tumatawa?" Tanong ni Daniel, kaya naman ay nagkatinginan kami ni Jisung hyung.

"Pfft HAHAHAHAHA. Tinago namin si Ongnable. Pumayag naman si Venus na ibully yung boyfriend niya-"

"ONGNABLE KO! MGA GAGO KAYO! ILABAS NIYO! HOY! TSK. O-ONGNABLEEEEEE!"

"Puta kayo, HAHAHAHAHA," sabi ni Daniel, sabay tumawa na rin. "Tangina, Seongwoo! Wag kang bakla! Baka umiyak ka pa jan!"

"EH BAKIT BA?! GALING KAY VENUS MY LOVE SO SWEET- POTA! SUNGWOON! WAG KANG TUMATAWA JAN! ILABAS MO!"

Tumawa naman ako lalo at saka tinignan si Jisung hyung kaya natawa na rin siya.

Nagulat kaming lahat nang may lumabas na Daehwi sa kwarto niya.

"Hoy! Anong bakla nanaman yung usapan ninyo?! Hindi nga kasi ako bakla! Pota, di na natapos yang usapan na yan!" Sigaw ni Daehwi sa amin habang nakapameywang pa kaya naman mas nagtawanan kami.

"Gago, hindi ikaw! Ayun, oh?" Sabi ko, at saka itinuro na si Seongwoo na mukhang naluluha  na.

"Ibigay mo na, Jisung eomma." Sabi ni Daniel, kaya naman Seongwoo glared at him.

"ASAN NA?!" sabi ni Seongwoo, kaya naman ay tinignan niya ako nang tumawa ako.

♡♡♡

"Kainis. Asan na?!"

Kalahating oras na pero wala pa ring nagaganap na aminan. Nagsignal na si Daniel sa akin kaya naman ay lumabas na ako sa hiding spot ko.

Tawa pa ako ng tawa habang nakasuot ng fairy wings, tapos may magic wand.

"Akin na! Asan na! Pafairy fairy ka pa, mukha ka naman daw demonyo!" Sabi ni Seongwoo sa akin kaya I laughed.

I swished the wand, kaya naman ay biglang ibinato sa kanya ni Jisung oppa mula sa hiding spot niya si Ongnable.

"AYUN! TARANTADO KAYO! MAGUTOM SANA KAYO!"

"Ikaw ang tarantado. Bakit 1500 lang sakin!?"

Tawanan kami nang yakap yakap ni Ong ng mahigpit yung Ongnable niya. Kavideo call rin namin si Venus kaya naman napapanuod niya ang lahat.

"SORRY NA! DI NA PO!"

"Neknek mo. Bigay mo sakin yung 500 pa. O kaya kay Sungwoon, pangdate nila, yieeee-"

"G-Gago!" Sagot ko naman, kaya nagtawanan silang lahat.

Pinicturan ko na si Ong at saka umalis na.

Anong d-date?!

fairy ♡ ha sungwoonWhere stories live. Discover now