fairy ♡ eight

19 2 3
                                    

"Saan tayo bibili ng ice cream?" Tanong ko nang naglakad na papunta sa harap ko si Sungwoon.

May mga ibang taga-Produce rin at taga-Neo na dumadaan pero hindi nalang namin pinapansin. Hindi naman namin pagmamay-ari yung daan, eh. Nang nasulyapan nanaman namin si Daniel na nakangiti ng nakakaloko, I rolled my eyes.

"Go, Sungwoon! Bigyan mong hustisya yung 3500 ko!" Pagchicheer ni Daniel, kaya naman umamba si Sungwoon na babatuhin siya ng sapatos.

"Siraulo ka, Kang! Makakatikim ka mamaya, kita mo!" Sabi ni Sungwoon, making me snicker.

Nang magwink naman na si Daniel at saka magpaulan ng finger hearts ay dumaan si Aerin para sabunutan siya at kinaladkad siya somewhere. Aerin glanced at us and then gave us a thumbs up, kaya naman ay natahimik na kami.

When I looked at Sungwoon, however, I saw him already looking at me.

"Hoy, bakit ka nakatingin?" Tanong ko, and then he chuckled before shaking his head.

"Masama na ba yun ngayon?" Tanong niya, and I shrugged.

"Tara na nga lang. Saan tayo bibiling ice cream? Gusto ko yung masarap, ha? I said, and then he chuckled before nodding.

Nag umpisa na kami sa paglalakad with him leading me, kaya naman medyo naexcite ako. Ice cream, eh. Mahilig ako sa ice cream!

♡♡♡

"Oh, Sungwoon! Ikaw pala yan. Teka, girlfriend mo ba yung kasama mo, hijo?" Tanong nung babae na nasa likod ng counter, kaya naman ay napataas ang mga kilay ko.

Kilala siya dito? Saka anong girlfriend?!

"Hindi po!"

"Hindi pa naman, tita!"

Nagulat naman ako sa sinagot niya.

PA?! ANONG PA?! PAPA?!

"Naku, dun rin naman ang punta nun. Ano bang gusto ninyong dalawa, nang maiserve ko na?" Sabi nung babae, and I sighed.

Lahat nalang ba? Bakit ba lahat nalang yata ay itinutulak ako kay Sungwoon?

Hindi naman sa there is something bad kay Sungwoon. Actually, he's really a cute guy, he also has a good personality (according to his and my friends, and mula na rin sa pakikitungo niya sa akin) but I'm just not into relationships.

"Uy, Yeonjae. Ano raw sa iyo?" Tanong ni Sungwoon, kaya naman ay nagulat ako at naalala na dapat nga pala ay namimili na ako.

"A-Ah, yung triple chocolate nalang."

"Tita, dalawa po nung triple chocolate,"

"O, sige. Hintayin niyo nalang,"

♡♡♡

Habang naghihintay kami ni Sungwoon ng order namin ay nagkukuwento naman siya sa akin. He told me about how his friends were all loco on my friends, kung paano silang nababaliw sa mga kaibigan ko. Nagtatawanan pa kami dahil sa iilang mga kwento niya.

"Naalala ko pa mung minsan, si Seongwoo umiyak dahil binugbog namin yung plush na galing kay Venus. HAHAHAHAHA!" Sabi ni Sungwoon, and I chuckled.

"Seryoso? Umiyak siya?" Tanong ko, and then he chuckled before nodding.

"Tapos nung nasa pool kami nung minsan rin, naalala ko si Daniel. Nakipaglaro siya dun sa mga batang nagsswimming. Tapos pagbalik niya, sinabi niya sa amin na gusto na raw yata niya ng anak. HAHAHAHAHA! Pota, kung narinig lang ni Aerin yun-"

"HAHAHAHAHAHAHA! PAKTAY SIYA!" Sagot ko naman, and natigil kami sa pagtawa nang iserve na sa amin yung ice cream namin.

"Ayan na pala!" Sabi ni Sungwoon, at sabay sana kaming kakain nang matigil kami.

BAKIT MAY SPRINKLES NA HEART TO?! WALA NAMAN SA MENU YON HA?! SAKA BAT MAY NAKALETTERING NA LOVE?!

JUSKOLORD! PATAWARIN NIYO ANG TITA NI SUNGWOON!

"P-Pota,"

"T-Taena,"

"ANG CORNY, TITA! HAHAHAHAHAHA!"

Anak ng butiki.

fairy ♡ ha sungwoonWhere stories live. Discover now