Kabanata 47

68.9K 1.9K 434
                                    

Kabanata 47

May ngiti sa labi kong pinapanood ang masayang pamilya ni Adrianna na nasa stage at nagbibigay talumpati sa mga bisita. Seeing them both smiling, face gliitering in so much happines as they introduce Reon in front of everyone was priceless and unmeasurable.

Sana ako rin. Sana maranasan ko rin ang saya na nararamdaman ng kapatid ko. Sana magawa ko rin iharap si Dashiel sa maraming tao at ipakilala bilang isang Monasterio. Pero paano ko magagawa 'yon kung hanggang ngayon ay naduduwag pa rin ako? Paano ko gagawin iyon kung mas inuuna ko ang mararamdaman ng iba kesa sa sarili ko?

Mahal ko si Daniel pero mayroong malaking parte sa akin ang hindi magawang saktan si Christian, kung hindi ko pa nga siya sinasaktan mula pa noon. I must be the most selfish woman in this planet for letting things happen this way. For taking every things for granted. Gusto kong bigyan ng kumpletong pamilya si Dashiel pero heto ako at mas piniling manirahan sa kasinungalingan. Gusto kong maging masaya pero mas iniisip ko ang sakit na mararamdaman ng ibang tao kesa sa ang mararamdaman ng lalaking mahal ko.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hanggang kailan ako maguguluhan? Hanggang kailan ako magiging duwag? Hanggang kailan ko lolokohin ang sarili ko?

"Say hi to them, Reon." Adrianna whispered softly as she kneel down to leveled Reon's small height.

Itinapat ni Rian ang mic sa anak. Reon wrapped his tiny fingers over the microphone and looked at everyone, his eyes shined with innocence.

"Hi..." he muttered.

Nagtawanan ang lahat, maging ako ay napangiti. Sari-saring papuri ang naririnig sa paligid kung gaano ka-gwapo at kamukha ni Zion ang anak nila.

Zion carried Reon up and kissed him on the cheek. Humagikhik ito at iniyakap ang mga kamay sa batok ng ama. The people around us let a shrilling sound when Zion tugged Adrianna on her waist and planted a quick kiss on her lips.

Bagamat masaya para sa kapatid ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot para sa aking sarili. Mula sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko si Daniel, tahimik at seryosong nakatitig sa basong hawak niya na naglalaman ng alak. He's looking at it with so much fire and heat, like he could melt the cubes of ice in his liquor and dissolve it into water.

Nagiwas ako ng tingin. The conversation we had days ago was still playing inside my head. Naririnig ko pa rin ang boses niya at kung paano siya magmakaawang bigyan ko siya ni kaunting halaga. Those few words made me realize of how unworthy of me as a woman. I do not deserve him. I do not deserve his love. Never I will be.

"Where's Dashiel, hija? Is he okay? Hindi ka ba hinahanap?" bulong ni Mommy, ingat na ingat na baka may makarinig sa amin.

We must be really careful in talking about Dashiel since the Monasterio are all here. Kaunting galaw, kaunting dulas ay siguradong malalaman nila ang totoo.

Nilingon ko siya, tipid na ngumiti at umiling.

"He's fine. Pinapatulog na rin po ni Rossie."

Mommy stared at me for a long while.

"Hindi ka ba naaawa sa kanya, anak? His family are all here. Habang siya ay naroon at itinatago mo."

Gusto kong sabihin at isumbat sa kanya na isa siya sa dahilan kung bakit nabuo ang pagsisinungaling at pagtatago na ito. Na sa takot ko sa mga puwede nilang sabihin oras na malaman nilang hindi si Christian ang ama ni Dashiel ay itakwil nila ako o kamuhian. Pero alam kong wala rin naman magiging saysay dahil ako pa rin naman ang dapat sisihin. Naging duwag pa rin ako at hindi lumaban kahit para man lang sa bata.

"Hindi ko alam, Mommy. Naguguluhan na rin ako. Hindi madali ang ginagawa ko dahil napapagod na rin akong itago siya. I have no idea where I should start and what I should choose," sagot ko saka itinuon sa harapan ang atensyon. I had a glimpse of Christian clapping his hands, his eyes were all set on the stage. "Ayoko siyang saktan."

Monasterio Series #2: After All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon