Kabanata 39

57.9K 1.7K 721
                                    

Kabanata 39

The moment I've been avoiding to happen has unfortunately happened. Lying peacefully on her own bed, I watched how my sister's chest slowly rise and fall as sadness clouded her beautiful face.

Kagabi, nang magpaalam sa akin si Daniel na kailangan niyang umuwi dahil nasa gulo si Adrianna at kabilang roon ang ina nila, may pakiramdam na akong posibleng malaman na nila ang totoo.

Nagkatotoo lang ang hinala ko nang magtext sa akin si Daniel kagabi at kumpirmahin ang kutob ko.

DGM:

She's caught.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko na naabutan pa ang pagbalik niya dahil halos hating gabi na rin sila nang dumating. Christian already asked me to sleep and I am not allowed to stay up late because I'm pregnant. Sa kagustuhan na makita ang kapatid ay inaya ko si Christian na dito na lang kami matulog at agad naman siyang pumayag.

I looked at my sister and my heart clobbered in pain imagining what she had been through last night. Or what she had felt when Zion found the truth out and saw the anger in his eyes. I've never seen Zion get angry but for sure it's not something I would want to witness.

Daniel is already dangerous. Siguradong mas malala si Zion.

Unti-unting nagmulat si Rian ng mga mata niya. They first bore on the while wall. Marahan niyang ipinihit ang ulo sa gilid niya. Her eyes now stayed in the window where her pink curtains are flowing freely because of the calm wind. I am sure right now that her mind is already sailing on. She's probably going back to the scenes last night. Kakagising lang pero abala na agad ang isip niya. Ni hindi niya namamalayang narito ako sa tabi niya. 

"Rian..." mahinang tawag ko.

Sa mabagal na paraan ay lumingon siya sa gawi ko. Agad rumehistro ang sakit sa mga mata pagkakita sa akin. Tears are even starting to build at the corners of them. Hinawakan ko ang balikat niya at marahan itong hinaplos.

She let out a gloomy smile.

"Ang sakit, ate. Alam ko namang mangyayari talaga ito, na malalaman niya ang katotohanan. Pero ito kasi talaga iyong iniiwasan ko. Iyong harap-harapan niya matuklasan na nagsinungaling ako sa kanya. I already told you before, I can't see him get mad at me. And now this..."

I sighed. "Rian, lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit nangyayari. Time will come, Zion will surely understand why you had to lie. Mapapatawad ka rin niya, bunso. He may look merciless but he's not. Trust me."

"How can you be so sure, ate? We're already done. Tinapos niya na ang sa amin. Kung mapatawad man niya ako, wala na rin pag-asang magkabalikan kami dahil siguradong... kasal na ako."

My body stiffened at her last words. Ramdam ko ang kung anong pait sa puso ko dahil pakiramdam ko ay hindi kailanman magiging handa ang tainga ko marinig ang bagay na 'yon mula sa kanya.

Kasal na siya? Ibig ba sabihin ay...

Trying to hold my composure, I faked a smile to show that her statement didn't affect me. Kung sa bagay, hindi naman niya alam ang nakaraan namin ni Daniel kaya imposibleng may mahalata siya sa akin.

"Does it mean... you're ready to m-marry him?" I asked, forcing my voice to sound calm even though it's already on the verge of breaking.

Mariin niya akong tinitigan habang ang luha ay tuluyan ng bumabalot roon.

"Do you still love him, ate?"

Mabilis na bumundol ang kaba sa puso ko sa naging tanong niya na iyon. Bahagyang nanglaki ang mga mata ko, ang lalamunan ay mabilis na nanuyo.

Monasterio Series #2: After All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon