Kabanata 28

59.7K 1.7K 324
                                    

Kabanata 28

As soon as the elevator dinged, I stepped out of it and walked towards the silent hallway. The only sound that can be heard was the clinking sound of my three inches stiletto stabbing the marble floor.

"Good morning, Madame Ricaforte."

Mula sa papel na binabasa, nag angat ako ng tingin nang maulinigan ko ang boses na iyon mula sa isang babae. My lips lined into smile when I saw a familiar face looking at me. Tipid rin siyang nakangiti sa akin.

"Good morning."

Isang tango pa ang pinakawalan niya bago tuluyan ng naglakad at nilampasan ako. I continued walking too and stared down at the paper I'm holding.

Manila International College Class of 2015 Reunion

Nagsalubong ang kilay ko nang muli kong basahin ang heading na iyon. Sa ilalim nito ay ang pangalan ko at ang patungkol sa pagiimbita sa akin.

Without looking ahead of me, I held the metal doorknob and its cold texture spread through my palm like a wild fire. I twisted it, eyes still on the paper and opened the door. Humakbang ako at dire-diretsong pumasok.

Why am I invited here? Hindi naman ako nagtapos sa school nila! Third year college pa lang nang umalis ako kaya bakit nila ako iimbitahan?

"Care to tell me the reason behind that scowl, Mrs. Ricaforte?"

Nag angat ako ng tingin. Humaba ang nguso ko nang makita si Christian na nakatitig sa akin. He's leaning against his swivel chair, a ghost of smirk etched on lips while hands clasped together.

Naupo ako sa upuan sa harapan ng table niya at ipinagkrus ang aking mga hita  bago inilapag ang envelop sa ibabaw. He shot his brow up before looking at the envelope. Walang isang salita niyang kinuha ito.

"I can't understand. Bakit ako imbitado diyan? I didn't graduate on their school." sabi ko, ang paningin ay nasa portrait namin dalawang mag asawa na nakasabit sa puting dingding.

It's been two years since I married Christian Ricaforte. Sa loob ng dalawang taon na iyon, hindi ako nakaramdam ng pagsisisi na siya ang taong napili ng mga magulang ko para sa akin. I always knew him as a good man. He still is. Nga lang, sa mga panahon na magkasama kami, ni minsan ay hindi ko naramdaman ang kahit anong kaibahan pagdating sa kanya. There's no electricity. No spark. No magic. Just plain sense of comfort.

Maswerte ako dahil kahit na walang pagmamahal na namamagitan sa aming dalawa, hindi siya nagkulang iparamdam sa akin na magiging masaya pa rin ako kahit pagkakaibigan lang ang mayroon kami. We took our friendship to the highest level but our treatment with each other is still the same. Naisip ko, ayos lang naman siguro matali sa isang pagsasama na walang pagmamahal. Hindi naman siguro iyon kailangan.

Pero mali ako.

I still keep on imagining things like... what if I didn't become a coward before and fight for my feelings with the man I truly love instead of pushing him away? Paano kung sinuway ko ang mga magulang ko sa kagustuhan nila at mas piniling samahan siya dahil siya naman talaga ang mahal ko? They would surely accept him because he's a powerful man, too.

Pero siyempre, nasa huli lagi ang pagsisisi.  Wala namang nagsisisi sa una.

"Strange. When did you receive this?" si Christian na pumukaw sa pagiisip ko.

Nilingon ko siya. He's now putting the letter back to the envelope and threw it gently over the table like it's a piece of trash. He then looked at me.

"Kanina lang. Nasa bahay ako nila Mommy nang iabot niya iyan sa akin. The envelope was still sealed. Hindi na binasa ni Mommy but she asked what this is all about." sabi ko.

Monasterio Series #2: After All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon